Undelivered Truth

109 7 1
                                    

Third Person's POV

"Yuri! Diba crush mo 'yun? Si ano. Si... Ano nga pangalan niya? Si...... Hmmmmm.

Aaah! Si Jax!"

Tiningnan ng masama ni Yuri ang kaibigang si Lorraine dahil sa ingay nito.

"Di ko siya crush. Gwapo lang siya pero di ko siya crush."
Pag-deny ni Yuri.

Sa kabilang dako naman....
"Tss. Si Jax na lang palagi. Ano ba'ng meron si Jax na wala ako?"
Tanong ni Thorn sa kanyang kaibigan na si Ryle.

"Eh kung umamin ka kaya?"- agad na binatukan ni Thorn si Ryle kaya napahawak si Ryle sa ulo niya.

"Ayoko. Baka masaktan lang ako."- sabi ni Thorn and this time, siya naman ang binatukan ni Ryle.

"Torpe mo! Mabuti pa ako, umamin na. Kaya naging kami ni Lorraine my loves eh."- sabi ni Ryle na parang nagd-daydream pa.

"Aish. Kasalanan ko ba kung Torpe ako?"- bulong ni Thorn.

"Ryle!"- natigil sa pag-daydream si Ryle nang tawagin siya ni Lorraine. Tumatakbo si Lorraine papalapit kay Ryle habang hawak ang kamay ni Yuri na naiinis na dahil sa ingay ng kaibigan niya at dahil sa bigla biglang paghila sa kanya ni Lorraine.

[A/N: Wew. Haba nun ah! Haha]

Napatingin si Thorn kay Lorraine at tumingin sa babaeng hila niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya pero mas lalo itong bumilis nang napatingin rin sa kanya si Yuri.

'Fudge! Nandito si Thorn!' Sabi ni Yuri sa isip. Ayaw niyang makita si Thorn dahil di siya makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya kapag nakikita niya ito.

'Thorn! Act normal.' Sa isip ni Thorn. Nakatingin pa rin sila sa mata ng isa't-isa hanggang sa makalapit sila.

Nabitawan ni Lorraine ang kamay ni Yuri nang yakapin siya ni Ryle. Tinulak pa ni Lorraine si Yuri papunta kay Thorn.

Muntik nang matisod si Yuri pero nahawakan siya ni Thorn sa braso.
"O-okay ka lang?"- tanong ni Thorn kay Yuri habang hawak pa rin ang braso ni Yuri.

Nakasandal si Yuri sa dibdib ni Thorn at hawak ni Thorn ang braso niya.

Tumikhim si Yuri at tumayo ng maayos.
"O-Oo- aray!"- natigil ang pagsagot ni Yuri nang naramdaman niya ang kirot sa paa niya.

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon