Pabili Po!

57 10 2
                                    

"Pabili po!"

"Lianna!"

Inis akong tumayo at binagsak ang phone ko sa kama.

Kakatapos lang namin kumain. Nandito na ako sa kwarto ko habang sina Mama naman ay nasa kusina pa. Tapos, eto, tatawagin nila ako. Padabog akong lumabas sa kwarto ko at lumabas para tanungin kung ilan ang bibilhin.

Nagbebenta kami ng ice eh.

"Ilan?" Tanong ko sa batang nasa gate.

"Isa lang po." Kinuha ko muna ang bayad niya bago bumalik sa loob. Hindi ko tiningnan sina Mama na busy sa pag-uusap.

"Lianna, tubig."

Napairap ako ng wala sa oras at kinuha ang isang pitsel ng tubig. Nilagay ko ito sa lamesa at kumuha ng ice. Nilagay ko muna ang pera sa itaas ng ref at lumabas. Paglabas ko, wala akong nadatnang bata.

Napairap ulit ako. Lumabas ako sa gate. Sinilip ko ang likod ng puno na katabi ko dahil baka nagtago ang bata pero wala akong nadatnan.

"Huh? Nasaan na siya?" Sabi ko sa sarili. Tumingin-tingin ako sa paligid nang bigla akong napatingin sa matanda na nasa katapat ng bahay namin.

May tinuro siya sa taas kaya kumunot ang noo ko. Ngumiti siya at pumasok sa loob ng bahay nila.

Bigla akong nakaramdam ng kilabot. Nagsitayuan ang balahibo sa batok ko at parang may kuryente na gumapang sa buong katawan ko.

Nakarinig ako ng hagikhik.

"Monique?" Tawag ko sa pangalan ng bata. Kilala ko 'yon eh.

"Ate Lianna! Hihihi." Kumabog ng malakas ang dibdib ko at unti-unting napatingin sa katabi kong puno.

Napatalon ako sa gulat at halos hindi makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Huhu! Aswang! Mamaaa!

"Hahaha! Ate Lianna, sorry po." Sabi ni Monique at tumalon pababa ng puno.

Nakahinga ako ng maluwag at sinamaan siya ng tingin.

"Tsk. 'Wag ka nga magtago!" Sabi ko sa kaniya at inabot na ang ice.

"Hehe. Sorry po! Pero totoo na po talaga 'to." Tinuro niya ang nasa taas ko at tumakbo papalayo. Napairap ako ng wala sa oras.

Kilala ko si Monique. Mahilig man-trip 'yon. Wala akong balak na tingnan ang tinuro niya dahil alam kong isa na naman 'yon sa kalokohan niya.

"Pssst!" Natigil ako sa pagpasok sa gate nang may sumitsit... at mula ito sa taas ng gate.

Nanginginig akong tumingala at napapitlag.

Napahalakhak ang batang nasa taas ng gate namin.

"Sorry, Ate Lianna! Pabili po!"

Huhuhu! Ayaw ko naaaa!

[A/N:
Hehe. Lame ba? Sorry... Inaatake ako ng katamaran eh.]

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon