"OMAYGAHD!" Agad akong napabangon sa kama nang makita ko na ang new music video ng WayV.
Agad ko itong pinlay at humiga ulit. Pinipigilan kong sumigaw ng malakas dahil sa labis na pagf-fangirl. Jusko! 'Di na kaya ng heart ko!
Hinintay kong mag-play ang video. Ang title ng bago nilang MV is Take Off. Nakita ko ang concept photos nila. They're sizzling hot! Lalo na 'yong bias ko na sobrang cute na si Winwin, naging hot siya!!
"WAAAAAAHH!" Hindi ko napigilang hindi mapatili sa kagwapuhan nila.
Sobrang lapad ng ngiti ko at napapatili ako habang nanonood ng MV nila hanggang sa matapos. Nang matapos na, huminga ako ng malalim at nararamdaman kong nangangalay na ang panga ko da sobrang pagngiti. Kinikilig ako!
Nakatulala ako sa kisame habang nire-replay ng utak ko ang mga mukha nila.
Sina Kun, Winwin, Lucas, Ten, Hendery, Xiaojun at Yangyang ang members nila. At sobrang love na love ko sila. Ang gugwapo!
Biglang nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ng kinaiinisan ko sa lahat.
"Ngingiti-ngiti ka diyan? Nabaliw ka na?" Napatingin ako kay Drex na nakatayo sa dulo ng kama ko habang nakangising nakatingin sa'kin.
Sinamaan ko siya ng tingin at umupo sa kama ko.
"Ano na naman ang kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Ang ingay mo kasi." Tinaasan ko siya ng kilay sa sinagot niya.
"That doesn't answer my question." Sabi ko naman sa kaniya.
"Ang ingay mo, kailangan kitang patahimikin. Atsaka, bakit ka na tili ng tili? Akala mo naman nakakita ng gwapo."
"Dahil nakakita talaga ako ng gwapo. At nandito siya sa harap ko – este, nandito sila sa cellphone ko." Sabi ko sa kaniya. Jusko. Nadulas po ako. Ngumisi siya at lumapit sa'kin.
"Alam mo, Paris, hindi mo na kailangang i-deny na may gusto ka sa'kin. Halatang-halata ka na eh." Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.
Shit! Ano bang nangyayari sa'kin? Ugh! Paris, si Drex lang 'yan, 'wag kang kabahan sa kaniya, 'di ka niya kakainin – hindi nga ba? Aish! Gusto kong guluhin ang buhok ko sa mga naiisip ko ngayon.
"Oh? Natulala ka yata?" Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ang loko.
"Lumabas ka na nga!" Sigaw ko sa kaniya at tumayo para pilitin siyang lumabas sa kwarto ko. Bakit ba kasi nandito siya sa bahay? Ah, oo nga pala, barkada niya ang kuya ko kaya siya nandito. Nag-aya kasi si Kuya sa kanila na mag-chess daw.
Eh hindi naman ako marunong no'n kaya nandito lang ako sa kwarto.
Tinulak-tulak ko siya palabas sa pinto at nang makalabas siya, agad kong sinarado ang pinto, saka ni-lock. Narinig ko ang malakas na halakhak niya.

BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories and One Shots
RandomFeel free to read my one shots and short stories with different genres! Some are based in real life experiences. Some characters are my friends but I used different names. Some attitudes of the characters are based on the people around me. 'Some', n...