Thea's POV
"H-ha?"- parang timang na tanong niya. Binitawan niya ako pero nakatingin pa rin sa mata ko.
"Ang sabi ko, gusto kong ikaw ang makasama ko sa huling araw ko."- sabi ko ulit. Tumingala siya, revealing his jawline and Adam's apple.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Shete! Ganito ba talaga kapag may sakit ka sa puso? Biglang bibilis ang tibok?
"Thea naman. Don't say that it's your last day. You're making me cry."- sabi niya. Luh. Nakakaiyak ba yung sinabi ko?
"Baklush. Tama na drama."- sabi ko.
Tinanong namin ang doktor kung pwede kong gawin ang gusto kong gawin. Tutal, last day ko na 'to.
Pumayag siya kaya ang saya ko. Lumabas kami ng ospital dahil dadalhin ako ni Rude sa isang lugar.
"Thea, pupunta muna tayo sa bahay. Hihiramin ko yung sasakyan ni Papa."- sabi niya at ngumiti. Tumango ako kaya nagbantay kami ng masasakyan.
[SKIP]
"Thea, kainin mo 'to."- sabi ni Rude.
"Pagkatapos mong kainin, babalik tayo sa sasakyan."- inabot niya sa 'kin ang nachos pero umiling ako. Di ako gutom. Di rin ako busog."Bukas na lang."- sabi ko at ngumiti. Naging seryoso naman siya.
"Bukas? Bukas kung kailan wala ka na?"- nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Tama siya. Umaasa pa rin ako sa bukas kahit alam kong wala nang bukas na naghihintay sa 'kin.Kinuha ko ang nachos at kinain. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko.
_________________
[A/N: Play this song para mas feel niyo yung scene.]
Dinala niya ako sa isang bukid. 2 am na kami nakarating. Di naman kami sa tuktok pumunta. Sa medyo gitna lang. May daanan naman ng sasakyan eh.
Kinakabahan ako. Knowing that I'll die anytime.
"Rude."
"Hmm?"- watdahek!? Ba't ang ganda nun pakinggan? Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko? Sleepy voice yung ginamit niya.Ano nga sasabihin ko? Ba't ko ba kasi siya tinawag!? Wala naman akong sasabihin ah!?
Nakaupo kami ngayon sa grass, nakatanaw sa city lights.
"Thank you."- ayan. Mabuti naman at may naisip akong sabihin."Hmm? Para saan?"- fudge! Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko! Ba't ang husky ng voice niya!? Aish! Mamamatay na 'ko pero nagawa ko pang lumandi.
"Para sa lahat."- sabi ko.
"Lahat?"
"Sa lahat ng ginawa mo para sa 'kin."
"Teka, last words mo na ba 'to!? Wag ka munang mamatay! Aamin pa 'ko!"- napatawa lang ako dahil nagpanic siya. Parang gusto niya pa ngang tumayo eh! Pero may aaminin siya? Ano ba 'yon?

BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories and One Shots
RandomFeel free to read my one shots and short stories with different genres! Some are based in real life experiences. Some characters are my friends but I used different names. Some attitudes of the characters are based on the people around me. 'Some', n...