Clumsiness At Its Finest

67 5 0
                                    

Freya's POV
"Freya! Maghugas ka nga ng pinggan!" Sigaw ni Tita Melinda mula sa kusina. Napakamot na lang ako sa ulo.

Hays, wala na akong magagawa eh. Nakikitira lang naman ako.

Binitawan ko muna ang cellphone ko at lumabas muna mula sa kwarto ko namin ni Lyn.

Pumunta ako sa kusina kung nasaan si Tita Melinda.
"Pagkatapos mo maghugas, tawagin mo si Lyn. Sabihan mo na magluto na siya para sa pananghalian. Mauna na kayong kumain kapag hindi pa kami nakakarating. Aalis lang ako sandali. Susunduin ko lang 'yong Tatay mong lasing. At pupunta si Eloisa mamaya. Dito mo na pakainin ng pananghalian." Mahabang sabi niya.

"Sige po, Tita." Sabi ko naman. Umalis na siya kaya sinimulan ko ng maghugas.

Si Tita Melinda ang kapatid ng Papa ko. Mula nang mamatay si Mama, pinalipat ako ni Papa sa bahay nina Tita Melinda dahil wala ng magbabantay sa 'kin sa bahay. Panggabi kasi ang trabaho ni Papa. Kapag day off niya, naglalasing siya. Pampalipas oras niya 'yon simula nang mawala si Mama.

Only child ako ni Mama at Papa. May mga kapatid rin naman ako sa side ni Mama pero hindi sila dito nakatira.

Si Tita Melinda ang pangalawang Nanay ko. Tinuturing ko namang kapatid ang mga pinsan ko na si Lyn, si Yna at si Ate Lina. Tinuturing ko ring kapatid ang bestie kong si Eloisa. Andyan nga siya sa huling araw na buhay si Mama. Naaalala ko ang araw na 'yon.

Nag-uusap kami habang nakaupo sa duyan sa labas ng bahay nang bigla akong tinawag ni Mama. Pumunta kami sa kaniya. Nakipagbiruan pa nga eh. The next day, wala na siya. Hindi nga siya nakaabot sa graduation namin ni Bestie eh. Hindi rin siya nakaabot sa birthday ko.

Hindi pumunta sa lamay ni Mama si Eloisa. Hindi daw niya kaya. Sa bagay, naging close naman sila ni Mama eh. Tawag niya nga kay Mama 'Nanay'. Feeling daw niya kasi parang gusto niyang magwala kapag pupunta siya para bisitahin si Mama. Nakita ko nga rin siya na maga ang mata. 'Yon 'yong time na nalaman niya na wala na si Mama. After 'yon ng graduation niya. Magkaiba kami ng school eh.

Sabi niya grabe na 'yong iyak niya sa graduation nila tapos pag-uwi niya umiyak siya ulit.

Okay, sa sobrang pagka-miss ko kay Bestie, naiiyak na ulit ako. Aksidente kong nabitawan ang basong hinuhugasan ko kaya nahulog ito sa sahig at nabasag.

Umupo ako at pinulot ang isang basag na piraso. Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Bestie at ni Lyn.

"Oo nga eh, nakaka-miss rin 'yong mga time na 'yon." Dinig kong boses ni Bestie. Napatingin ako sa kamay ko nang may naramdaman akong kirot. Napailing na lang ako at tumayo. Hinugasan ko ang kamay ko na dumudugo.

"Hi Bes! Oh, anyare sa kamay mo?" Napalingon ako kay Bestie na kakarating lang. Sasagot na sana ako nang inunahan ako ni Lyn.

"Umiral na naman ang kashungahan niya, Bes." Sabi ni Lyn. Bes rin ang tawag niya kay Bestie. Gano'n rin ang tawag ni Bestie Kay Lyn. At syempre kapag napag-trip-an ko Bes rin ang tawag ko kay Lyn.

"Hampasin kita eh." Sabi ko kay Lyn. Tinawanan lang kami ni Bestie. Lumapit siya sa 'kin at tinulungan akong gamutin ang sugat ko.

"Ay, nga pala. Bes Lyn, magluto ka raw sabi ni Tita para sa pananghalian." Sabi ko kay Lyn.
"Ikaw na lang magluto. Ako na ang tatapos sa hugasin." Sabi niya.
"Bestie tulungan kita." Alok ni Bestie Eloisa.

"'Wag na, Bes. Prinsesa ka eh. Hindi ka dapat gumagawa ng mga gawaing bahay." Pabiro kong sabi sa kaniya.

"Prinsesa mo mukha mo. Tutulong ako para may babantay sa 'yo at para hindi gumana ang kashungahan mo." Sabi niya. Ouch, ang sakit magsalita ni Bestie ah. Humalakhak naman si Lyn.

"Bes, iiral at iiral pa rin ang kashungahan ko, may bantay man o wala." Sabi ko sa kaniya. Napatango-tango siya.
"Oo nga 'no.." Sabi niya at mahinang natawa.

Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko, nagluto na kami. Niyaya ko si Bestie na dito na lang mananghalian. Hindi magagalit si Tita Melinda dahil alam niyang marami ring naitulong si Bestie sa akin at siya na rin mismo ang nagsabi na dito na lang kumain si Bestie.

Nagsaing si Bestie habang ako naman ay nagluto ng adobo. Expert kasi siya sa pagsaing ayon kay Tita Maria, ang nanay niya.

Pagkatapos niyang magsaing, tinulungan niya rin naman ako sa adobo.

"Bes paabot nga ng sandok." Sabi ni Bestie sa 'kin. Kinuha ko ang sandok na nasa lamesa at bago ko pa ito maiabot sa kaniya, bigla ko itong nabitawan. Sinubukan kong saluin pero tumama ang kamay ko sa kawali na mainit.

Napasigaw ako nang muntikan nang mahulog ang kawali. Mabuti na lang at nasalo ni Lyn. Nakabalot ang kamay niya sa makapal na tela.

"Hashtag kashungahan ni Bestie Frea." Sabi ni Bestie Eloisa at tumawa pa. Napailing-iling si Bestie Lyn at inayos ang kawali.

"Oh, patingin nga ng kamay mo." Sabi ni Lyn at tiningnan ang kamay ko. Mabuti na lang at hindi ako napaso.

Hinugasan naman ni Bestie Eloisa ang sandok at hinalo ang adobo. Tinikman niya ito at nag-thumbs up sa 'kin.

Hinanda na ni Lyn ang lamesa. Maya maya pa, biglang dumating si Yna galing sa paglalaro at si Ate Lina galing sa call center. Kumain na kami habang nag-uusap.

Itinaas ko ang paa ko para mag-cross legs sana dahil nasanay ako pero biglang nauntog ang tuhod ko sa ilalim ng lamesa. Kumalabog ang lamesa. Mabuti na lang at hindi nahulog ang mga pagkain.

[A/N: *ehem* RM *ehem* 😂 ARMYs labaaaas!]

Nagtawanan sila habang ako naman ay kinakalma ang sarili ko dahil sa sakit.

"Ako na, Ate." Natatawang sabi ni Yna at siya na ang tumayo para kumuha ng tubig.

Nabubulunan na si Lyn kakatawa habang si Bestie naman ay halos lumuhod na sa sahig. Si Ate Lina naman nakasandal sa upuan niya at nakatingala habang tumatawa. Hindi kasi nila ine-expect 'yon. Seryoso ang pinag-uusapan namin tapos ayon bigla ang nangyari sa 'kin..

Nilagay na ni Yna ang baso na may tubig sa harap ko. Tumahimik naman sila. Kinuha ko ang baso at nagsimulang uminom nang biglang napabunghalit si Bestie Eloisa. Nagtawanan ulit sila habang ako ay nabubulunan na. Nabitawan ko rin ang baso at mabuti na lang plastic iyon.

Mga walangya!

"Clumsiness at its finest!" Tawang-tawa na sabi ni Ate Lina. Edi ako na clumsy! Huhu.

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon