21 "Almost Father's Day"

105 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: EU Secret Files

"Almost Father's Day"

warning SPG

Parang tumigil ang pag patak ng ulan nung sinabi mo sakin na buntis ka. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung gabing yon. Hindi pa ako handa pero hindi rin ako takot. Handa akong panindigan ang magiging anak nating dalawa.

Sa mga sandaling iyon ay nag iisip na ako ng magandang pangalan para sa magiging anak natin, "Jared" kung lalake at "Amber" kung babae. Naisip ko na rin kung saan ba ako pwedeng mag trabaho, Kung sapat na ba kung mag ku crew ako o dapat ba mag call center ako?

Bakas na bakas sa mga mata mo ang takot. Siguro dahil natatakot ka na baka hindi ko panindigan. Niyakap kita ng mahigpit sa gitna ng malakas na ulan habang sinasambit ang mga salitang "mahal na mahal kita". Ang gabing ito ang pinaka masaya at nakakatakot na parte ng buhay ko.

Lumipas ang ilang buwan at unti unti nang lumalaki ang tiyan mo, Nag ta trabaho na din ako para may ma ipon at suportado naman tayo ng mga magulang natin. Akala ko ay magiging ayos na ang lahat pero mali pala ako.

May na receive akong picture na papasok ka sa isang hotel kasama ang isang lalake at hindi pa malaki ang tiyan mo. Pinilit kong wag isipin pero hindi na ako maka tulog kaya kahit mali ay binuksan ko ang fb mo.

Nabasa ko yung convo mo ng kabit mo. Tang ina tuwang tuwa ka pa at tinanggap ko yung bata kahit na alam mo na pala na hindi talaga ako yung ama ng dinadala mo? Kaya pala nung nag pa check up tayo, Tatlong buwan ka na daw buntis nung may eh puta nag s*x tayo nung april lang dahil lagi kang wala sa mood?

Hindi ko alam kung sakit o galit ang nararamdaman ko sa pag kakataon na yon. Nanginginig ako at hindi ko maigalaw ang aking katawan. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko eh pinag laruan ako, ginago, ginawang tanga.

Pagkatapos kong tumigil sa pag aaral para suportahan yang sanggol sa sinapupunan mo, Saka ko malalaman na hindi naman pala ako ang tatay niyan?

Andoy
2014
Engineering
UECal

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon