17 "Kuya's Bestfriend"

125 6 0
                                    

Post taken from// Fb page: FEU Secret Files

Kuya's Bestfriend

Never kong nakitang umiyak yung kuya ko. As in, never. Pa-strong kasi yun palagi. At kilala siya sa lugar namin na siga. Hindi kami close kasi ewan ko. Iba kasi mga trip niya sa buhay eh. Pala-tropa, inom, bilyar. Eh ako, bahay school lang.

Si kuya may aso siya, si Coco. Bestfriend niya yun since bata palang kami. Feeling ko nga mas mahal niya pa yun kesa sakin eh, kasi si Coco pinapansin niya e ako hindi. Parang display lang ako sa bahay na kakausapin niya lang kapag uutusan.

Pero ayun, kahapon lang, sad life, namatay si Coco. Naiwanang bukas yung gate, nakalabas si Coco, nasagasaan. Nalaman nalang namin nung may tumawag samin na kapitbahay sa gate. Si kuyang natutulog sa kwarto niya, nung ginising ko.. "Kuya, nasagasaan daw si Coco!!". Pagka-dilat na pagka-dilat, kumaripas agad siya ng takbo pa-labas.

Dun ko na-saksihan yung sobrang attachment ng kuya ko sa aso niya. T__T Yakap yakap niya si Coco habang umiiyak siya sa kalsada. Tina-try niya pang i-pump yung dibdib nang ilang beses, pero wala na talaga. Wala siyang pakialam kung maraming tao o marami nang dugo sa katawan niya, iyak lang siya nang iyak dun at galit na galit sa nanagasa. Naiiyak na rin ako nung oras na yun pero mas naiiyak ako na nakikita si kuya na sobrang lungkot.

Inilibing niya si Coco sa likod ng bahay namin, umiiyak pa rin siya nun. Since that day, parang lalong naging cold si Kuya. Hindi nagsasalita tapos palaging tulala. Tina-try ko siyang i-approach pero sinusungitan ako. Balak namin nina papa na bilhan siya ng bagong aso kaso hindi namin alam kung matutuwa siya o baka lalo siyang masaktan. T__T

I got this conclusion na kahit pala gaano ka-strong ang lalaki, pagdating sa alaga nilang aso, lumalambot ang puso nila. :(

Shienna
2016
Senior Highschool
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon