42 "Pandesal"

74 5 0
                                    

Post taken from//Fb page: DHVTSU Secret Files

PANDESAL 

I'm not from DHVTSU but an avid fan of this page. I just want to share my kagagahan nung second year college palang ako na tumatak talaga ang Pandesal sa utak ko.

Sobrang aga akong ginising ni Mama para maningil kay Mommy Belle (nanaynanayan ko). Magaalmusal pa sana ako bago umalis pero sabi ni Mama na unahin ko daw yung inuutos nya tas pagdating ko tsaka na lang ako kakain. Labag man sa intestines at stomach ko eh lumarga na ako. Nilakad ko hanggang sa bahay ni Mommy Belle kahit makapudpod paa ang layo. Pagdating ko, binuksan ko agad yung gate nila. Dahil kilala naman ako dito, derederetcho na akong pumunta sa terrace. Sumisigaw natalaga ako ng ""Tao po"" at tinatawag ko na pangalan ni Mommy Belle pero walang nasagot. Aalis na sana ako pero narinig kong bumukas yung pinto nila. Lumingon ako and BES!!!
Napanganga ako!!!
As in literal na napanganga!
Yung anak kasi nilang si kuya Wong na laging nasa harap ng computer, naka eyeglasses tas kapag nakakasalubong eh parang kaluluwa na dumaan lang kasi wala man lang Hi o Hello, (di talaga kami close compare sa ate nyang si ate Graze na para na kaming magkapatid) makita-kita ko ba naman sa itsura nyang nakatapis lang ng tuwalya, totoo ngang gwapo sya and ngayon ko lang napagtanto kasi maaliwalas ang face  (di ko talaga maappreciate noon  itsura nya kasi mukha syang di naliligo na sa computer lang lagi nakaharap nagiba lang ngayon kasi walang eye glasses na suot), fresh na fresh tignan kasi sa medyo basa nyang katawan.. And the best part bes, yung yummy abs nyang kakaway-kaway na parang sinasabi na ""touch me"" sakin and di ko expect na may tinatago syang ganun. Shock na shock ang lola nyo kasi gwapo pala talaga sya.
Napalayo ako bigla sa kanya dahil sa gulat ko.
So tinanong nya kung anong kailangan ko tas sinabi kong nagpapasingil si Mama ko kay Mommy Belle kaya sinabi nyang hintayin ko na lang kasi parating na. Papasok na sana ako pero nag step back pa ako ng konti sa kanya kasi gusto ko pang matitigan siya ng bongga. Alam kong malabo ang mata nya kaya para di nya makita masyado na tinititigan ko sya, umatras pa ako. Once in a lifetime opportunity kasi to for me na makita ang ganitong yummylicious nyang ayos. As in mula mukha, chest, sa abs ang tinignan ko. Tas yung reaction ko eh yung gusto ko nang matili  na pinipigilan. Tapos pa kampay-kampay pa ako ng kamay ko na yung act na pinapaypayan ko yung mukha ko. As in nagpipigil ako ng sobrang landi ko nun na kumakawala sa katawan ko hahaha. Yung feeling na sa sobrang kilig eh gusto mo na magtatatalon. Titingin pa sana ako sa may bandang tapis ng tuwalya pero nagpreno na ako kasi sobra na akong makasalanan.
Nag-stay pa sya dun hanggat di pa ako umaalis sa kinatatayuan ko kaya nung gumalaw na ako papasok eh bigla syang ngumiti tsaka umalis na sa harap ng pintuan at dumiretcho sa kwarto nya. So ako naman umupo agad sa couch nila.
Paglabas nya naka tshirt na sya and short. Nanghihinayang nga ako nun kasi di ko na makikita ang abs nya. (Naadik lang... Chos!)
Ewan ko ba pero himala na kinakausap nya na ako ng medyo tumagal. Di naman kasi sya ganun. Biruin mong, kung ano-ano na ang tinatanong nya sakin. Kamusta daw pagaaral ko, kung nagtuturo pa ba yung mga prof. nya dati sa University namin, and tinanong nya pa kung ilan na nanligaw sakin at kung nagka boyfriend na ba ako. Sinabi nya rin na madaldal daw sya kapag isa lang kasama nya. And ang pinaka  nakakahiyang part ng experience kong to eh nung inofferan nya akong mag almusal.
*Non-verbatim*
Siya: Ayein, nag-almusal ka na? Tara kain tayo.
Ako: Ano bang makakain dyan?
Siya: PANDESAL KO. Tara anim na lang to.
Ako: *medyo nagtataka kasi iba yung way and tono ng pagkakasabi nya.* Bigyan mo na lang ako dito sa sala.
Siya: Wait lang kasi magkakadikit. Paghiwalayin ko muna lahat tong PANDESAL KO.
Ako: *napapaisip na talaga ako sa sinasabi nya*
Siya: Pasensya na kanina pa to binili kaya MATIGAS. Sabi ni Mommy, sinasawsaw mo raw yung PANDESAL na kinakain mo para maging BASA at malambot anong inumin yon? Gatas ba? Para bigyan na rin kita.
Sa huling sinabi nyang yun di na nya napigilan yung tawa nya kaya nahalata ko nang pinapatama nya sakin yung pinagsasabi nya. Isip na akong isip kung bakit parang alam nya na tinitigan ko yung yummy body nya and bigla kong narealize na super shunga ko bes!!!  Naalala kong farsighted pala ang mokong na yun... Yes mga BES! Farsighted sya kaya nakita nya yung muntanga kong reaction. Usual kasi sa mga malabo ang mata and sa pagiisip nating mga tao na kapag blurry ang paningin, kailangan ilapit yung object sa kanya para makita nya ng malinaw. Wrong move ang pag atras ko para maiwasang  malaman nya na tinititigan ko sya. Pulang-pula na ako nun Bes!!! And nagumpisa na rin si kuya Wong na asarin ako... Lintik. Gusto ko na talagang umalis sa bahay nila pero di pwede kasi baka pagalitan ako ni Mama pag wala akong nasingil. Hindi ako tinitigilan na asarin ni kuya Wong kaya nung paglapag nya ng pandesal sa lamesita, pinagpapalo ko sya ng throw pillow... Inaasar nya pa rin ako hanggang sa dumating si Mommy Belle, tinatawag pa rin nya akong pandesal. Tinanong nga sya ni Mommy kung bakit yun tawag nya sakin. Ang sabi nya lang eh ""Inubos nya kasi PANDESAL KO 'mmy. Nag-offer lang ako pero kinain ba naman lahat."" May pagdidiin pa nyang sinabi ang PANDESAL KO. Grabe ang hiya ko talaga nun kaya pagkabigay ng bayad, nagpaalam na agad ako kay Mommy Belle tas kinawayan ako ni Kuya Wong at sinabing ""Bye, Pandesal.""
Kaya ngayon, lagi na nya akong inaasar. Pati tuloy mga barkada nya, pandesal na tawag sakin. Nabigla nga si ate Graze paanong naging close daw kami. (Well actually hindi naman talaga) And after din ng kahihiyan kong yun, nagka crush na ako sa kanya.

P.S. kung kilala nyo ko dont tag me.
P.P.S. May girlfriend na daw sya na nagaaral sa  university namin sabi ng barkada nya. Kaya wag na kayong umasa.
P.P.P.S. Walang forever mga BES!"

Ayein
PSU-SAN CARLOS, College of Education 2018

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon