134 "Unusual motivation"

37 0 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Unusual motivation

May agreement kaming dalawa na kada end of sem.. may 500 pesos ang may pinakamataas na GWA saming dalawa.

Pumupunta pa kami sa isang teashop sa St. Thomas square dala ang laptop namin para i-check sa portal ang grades. Almost three years na naming ginagawa 'to. Haha. Madalas siya ang panalo but this time..

Hawak-kamay kaming nagdadasal at halos pigil ang pag hinga sa sobrang intense.

Pinatay namin ng one hour yung laptop namin para pag open complete na yung grades. Dasal dasal habang tinitignan ng masama ang isa't isa.

(1 HOUR LATER)

TADAHHH!

Tili si boyfie. "WAAAAAAAH!" 1.2 GWA KO!!!!! AMINA 500 KOOOOO! HOOOO! ALL HARDWORK PAYS OFF! LORD THANK YOU PO!

ME: Sorry ka. *smirk*

Siya: Huh?

(natahimik at chineck ang laptop ko)

Me: *smiles at him* Amina 500 ko. :)

Siya: Perfect 1.00 GWA, huh? Tsamba! Next sem babawi ako.

Iba yung trip namin pareho. Pareho kasi kaming scholar. UST siya FEU naman ako. Kaya kami na-inlove sa isa't isa e dahil sa pareho kaming Grade conscious yun lang talaga yung factor. hahahaha.

Nagkakilala kami sa isang quiz bee na kalahok ang pambato ng iba't ibang University. Elimination rounds have passed. Hanggang sa kaming dalawa nalang ang natirang nag lalaban. Nanalo siya nun. Inis na inis ako.

Pero after the game nilapitan niya ako sa backstage habang umiiyak. Di ko kasi matanggap ang pagkatalo dahil ang tagal kong pinag handaan yun.

""Wag kanang umiyak."" sabay abot ng panyo na di ko tinanggap kasi nga bitter ako.

Kinabukasan inadd niya ako sa FB, ""Wow ha. Nakuha pa akong i-add."" Inaccept ko para malaman kung anong problema niya. Kung mamba-brag lang sa pagka panalo niya e papalagan ko talaga siya. Chinat ko.

""Oh? Bat mo ko inadd? Yayabangan mo ko?""

Siya: Hindi ah. Gusto ko lang sanang malaman mo na you did great. Naka tsamba lang ako.

Ayun naging friends kami tapos nanligaw siya at naging kami.

Ginagawa namin to hindi lang para sa grades and good transcript, para narin sa parents namin, at sa future namin. :)

GC
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon