90 "Love has no boundaries"

40 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: Ust secret files

Love has no boundaries.
from forbidden love - LDR - crossing the distance

(Sorry mejo lame, pero sana ma-inspire kayo)

Hi, sana ma-post to.. 5years ago (Summer month , like that was April-May 2013) ng makilala ko ang boyfriend ko ngayon, isa akong college student noon and naging committee ako sa isang pa-liga sa brgy namin, galing din ako sa isang matinding break-up from a 3yrs relationship at isa sya sa mga player.
Aminin ko na, hindi siya talaga gwapo sa unang tingin ko sakanya pero marami talagang may crush saknya, at Ako naman plain na committee lang, nainis pa nga ako kasi feeling gwapo niya talaga biruin mo hindi naman ako ang timer noon pero ako ang tinanungan niya kung ilang minuto pa ang natitira sa game
,hanggang sa na-curious ako sakanaya at nag-search ako sa Fb. surprisingly, mukang long time ago na yung Friend request niya sakin, kaya nag-confirm nalng ako...
hanggang sa nagchat ako sakanya, nagsabi ako kung anong sched nila sa next game saka ko kinuha yun number niya. OO na!, ako na nag-first move. Hanggang sa nagkakatext na kami at narealize kong gusto ko na pala siya.. FAN pala ko ng tao na to..

To make the story short, hindi ko alam na may Gf siya, wala din akong balak mang-agaw pero sabi niya wala na talaga sila kaya tuloy tuloy ang pag-entertain ko. Hanggang sa naging okay kami, patago kung magkita kami at magngitian pag may game siya.
against all odds ang lovestory namin, ayaw na ayaw sakanya ng pamilya ko, dahil akala nila wala syang pangarap sa buhay plus may mga relatives sya na hindi talaga nila kasundo,ilang beses aming pinaghiwalay ng magulang ko (anyway, wala na ang both parents niya wala syang makakapitan at makukuhaan ng lakas ng loob kundi mga kapatid niya at ako) naging mahirap lahat samin, nag working student ako para maging malaya, pero syempre at the same time makatulong sa pag-aaral ko
Nagtrabaho siya then after ng end of contract niya, no work na ulit.... nahirapan din kami lumaban dahil nga wala pa kaming maipagmamalaki sa magulang ko.
Minsan naiisip namin na magsama nalang pero dahil nirerespeto niya ako at ang magulang ko hindi niya ginawa yun, hanggang sa nagdecide sya at ako nadin na mag-dubai siya, actually plan niya na talaga dahil nandun ang ate niya at sabi niya nga para samin din
kaya pumayag ako..

hanggang sa nakatapos ako ng College at nagkatrabaho..
hindi nawawala sa relasyon yung thrill eh, Oo, nagloko siya not only once, twice or thrice hehe.. oo mejo maraming beses but I chose to forgive and stay
but forgiveness isnt enough to heal all the pain, we broke up november 2015, for almost a month i felt so wasted may iba na sya agad bessy sobra sakit nun,I got drunk, I learned to smoke , bar dito bar doon with friends, but never been a slut for my whole life...
hanggang sa nagkabalikan kami January 2016... sobrang saya namin pareho kasi new journey to para saming dalawa, kumbaga love is sweeter for the 2nd time around talaga.

February 2016, when he left to Uae. hindi naging madali ang lahat para samin for 2yrs LDR kamisobrang daming tampuhan, ang higpit ko sknya, panay nag hinala, negative thoughts and doubts, nagsawa sya pero naayos namin yun, nadaan sa maayos na usapan ang lahat, until he proposed to marry me last august 2017 (its the best birthday gift ever), sa lahat ng hinala kinampante ko ang sarili ko. Dahil sabi nga nila, "ikaw ang papakasalan hindi ang iba"
pero kahit makampante ka nanjan ang pagsubok kasama na jan ang third party issues, and the most painful thing ... (sorry i cant post it in public)
but i chose to stay, i chose to get better.Pinili kong intindihin at tanggapin syang muli. Ang tanga tanga ko daw bes, pero mahal ko siya, katangahan ba na piliin mo yung taong magpapasaya sayo? siguro nga oo, dahil sa dami ng sakit at luha na naranasan ko.
Pero itong katangahan na to, ito yung reason kung bat ako nasa Uae ngayon.

Yes, after a month ng malaman ko lahat kinuha niya ko at nagdecide kami na dito sa uae mag-start ng bagong journey namin para maayos yung relationship namin. Nag-iipon lang then magpapakasal na, for now hindi perfect ang lahat, still nanjan ang struggle dahil sa multo ng mga nakaraan pero we are moving forward.

Kaya sa mga kabataan ngayon or sa mga in-a-relationship / in its complicated / LDR Laban lang!
5years na kami ngayon, not so long pero yun mga pinagdaanan namin ibang level na.
wag kayo mawalan ng pag-asa, my fiance was a playboy indeed pero itong playboy na to ang pinaka-masarap magmahal sa lahat.
Im now working to put back the trust , pinaghihirapan niyang buuin yun ngayon, and i know in time everything will be fine again.
Love has no boundaries, kahit gaano pa yan kalayo, kung kaya mo ilaban, wag mo bitawan dahil mas mahirap magsisi ng wala kang ginawang hakbang.

To my love, sorry sa pagiging toyoin ko. Sana hindi ka mapagod umunawa.
Iloveyou so much!

#alpha/yankee/echo

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon