30 "Her ex ruined everything"

88 3 0
                                    

Post taken from//Fb page : University Secret Files

"HER EX RUINED EVERYTHING"

Hi Usf readers, I just wanna share yung nangyari sakin this past few months, first time ko kasing magconfess kaya bear with me guys. I hope na mabasa nyo to! 🙂. Btw, I'm Peter (not my real name) so eto na nga. I met this girl in facebook, let's call him Gwen (lakas maka-spiderman haha), maganda si gwen, mabait lahat lahat na nasa kanya, complete package na kumbaga. So gwen and I became friends sa fb. And then, lagi na kame magkachat, ewan ko ba bat ang gaan masyado ng loob ko sa kanya, halos ang dami naming similarities, mapa food man yan o kahit hobbies. And then, eto na medyo nagiging sweet na kame sa isa't isa.

From "friend" to "love" realquick. She started to tag me sa lahat ng meme tungkol sa love, ako naman to si kilig G na G sa mga pagtatag nya, and so am I, tinatag ko na din sya. Madalas nya daw akong nakwekwento sa mama nya. Feeling ko kami na kahit di na naman talaga. Oo guys, walang kame as in WALANG WALA.

One day, nagopen si gwen sakin tungkol sa ex nya, let's call him James, sobra nya daw mahal si james,  in-effortan nya to na dumating na sa point na nagiging mundo nya na ito, first boyfriend nya si james at issue na daw sa kanila ni gwen na nambababae si james. One time nakipagbreak daw yung guy sa kanya at ayaw ni gwen, to the fact na nagoffer si james nang s*x kay gwen para di na sya makipagbreak at di nya to tinanggihan (kase nga mahal nya e). And then later on nakipagbreak na si gwen sa kanya kasi nahuli nya si james na may kahalikang babae. "Hindi na ako buo peter, I'm sorry" sabi ni gwen sakin, tinanong nya din ako kung matatanggap ko pa din ba sya kahit hindi na sya buo. Ang sabi ko sa kanya "Mahal kita, tanggap ko kung ano past mo, tanggap ko lahat sayo kasi mahal kita".

Pumupunta ako sa bahay nya.  Parang kami pero hindi, Sobrang M.U kumbaga, nasanay na ako sa ganung set up at ganun din naman sya. Nakakausap ko mama nya di lang sa chat kundi sa personal. Kinuha ko loob nang mama nya para magkaroon sya ng tiwala
saken para sa anak nya, sinusuyo ko nanay nya, dinadalhan ng pagkain. At ayun, may napala din yung panunuyong ginawa ko. Sobrang boto sakin ng mama nya kasi daw sobrang bait ko daw, funny, parehas daw kaming immature ng mama nya sabi ni gwen. Sobrang saya ko nun! Feeling ko sinagot na nya ako sa pamamagitan ng mama nya. Feeling ko assured na ako na kami na hanggang sa huli.

At dun na sya umpisang nanlamig.

Tinanong ko sya kung anong problema sabi nya di nya daw alam, last week nya pa daw nararamdaman na nagfafade na yung love nya saken, di nya daw alam kung bakit. "Siguro dahil to sa ex ko kaya nahihirapan na akong magmahal ulit" sabi ni gwen, ako naman sobrang speechless kasi di ko din sya masisi, binigay nya lahat sa ex nya ulitimo pagkabirhen nya binigay para di lang sya iwan, pero nagawa pa din nang gago na yun manloko. Tinanong ko sya kung ano desisyon nya, ang sabi nya hahanapin nya daw muna ang sarili nya. Magfofocus muna sya sa pag-aaral nya. Feeling ko nawalan ako ng kasangga, nawala yung kalahating part ng sarili ko. Feeling ko nirebound lang ako. Siguro dahil din saken to, kase napaka immature ko sobra. Kinausap ko mama nya bakit bigla na lang sya nagkaganun, ang sabi ng mama nya e sobrang natrauma lang daw talaga sya sa nangyari sa kanya at sa ex nya, intindihin ko na lang daw.

Sa ngayon di na kame magkachat, lagi ko syang iniistalk sa fb kung ano na ganap aa buhay nya, kinakamusta ko na lang sya sa nanay nya kung okay lang sya. Malaman ko lang na okay sya ganun na din ako.

Hi buds gwen, di ko alam kung avid reader ka ng page na to. Gusto ko lang na malaman mo na sobrang miss na kita, miss ko na mga ngiti mo, miss ko na lahat lahat sayo. Please, balik ka na sakin, di ako sanay na wala ka. Sana maging masaya ka pa din kahit di na ako yung source nun. Sana ako na lang yung una nyang nakilala hindi si james, para hindi sya nasasaktan ng ganyan, sana ako na lang, sana. Hihintayin pa din kita kahit walang kasiguraduhan. Mahal na mahal kita.

Peter
201*
Others

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon