58 "Have a break, have a kitkat"

63 3 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

"Have a break, have a Kitkat"

"Sobrang devastated ako kasi failed ang result ng exam ko sa Philosophy. Masakit sakin kasi pinaghandaan ko yun. Napahiya pa ako kasi ako ang huling tinawag nung bigayan ng test papers sign na yun para malaman nilang ako ang lowest. Over 100, I only got 48. First time kong makakuha ng ganun kababang grade kasi hindi naman ako nagpapabaya sa pag-aaral.

From FEU, hanggang sa LRT umiiyak ako. Natatakot kasi akong mawala ang scholarship ko at i-disappoint ang parents ko. Natatakot ako na baka matanggal ako sa FEU dahil wala naman kaming pambayad ng full tuiton fee kaya sobrang problemado ako.

6pm, sumakay ako ng LRT. Pauwi sa bahay. Nakatayo ako nung una dahil siksikan. Pero tumayo yung lalaki sa harapan ko at inoffer niya yung upuan niya. Taga FIT siya, not sure kung Engineering or computer related ang course niya. Nag thank you ako.

Habang nakaupo ako, nag-text si Mama.. tinatanong niya kung kamusta ang exam. Lalo akong naiyak kasi nagsinungaling ako na pasado ako kahit hindi. Na okay lang ako, kahit hindi. Ayoko kasing mamroblema pa siya. Kaya pinatay ko nalang yung phone ko. Ipinasok sa bag. Kuha ng panyo saka ako umiyak nang umiyak.

Maya-maya may nakita nalang akong Kitkat sa harap ko.

Nang i-angat ko yung ulo ko, galing dun kay kuyang taga Tech. Naka-smile siya sakin then sabi niya, "Have a break, have a Kitkat.. wag kanang umiyak, kung ano man yun, may mas magandang plano siya para sayo."

(Nag smile back ako)

"Yan, mas maganda ka kapag nakangiti. Read Isaiah 41:10! Good luck."

Tapos bumaba na siya sa Betty-Go station.

Kuyang taga FIT na matangkad at naka Woodland camo backpack na Herschel, (we have the same bag) kung sino ka man, thank you sa Kitkat, thank you sa verse, and thank you for cheering me up!" ^__^

GC
2014
IAS
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon