160 "Architecture love story"

46 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Architecture love story

Since sophomore naging kami na ni Kevin. Nagkakilala kami nun sa 2005 Architecture Freshmen campus tour pareho kaming newbie sa University. Para ngang magic eh. Basta parang pinagtagpo kami ng tandhana. Nagka salubong ang mga mata. Inapproach niya ako after ng campus tour nagkakilala, nagka igihan. Hindi ko na masyadong ie-elaborate yung meeting moments kasi hindi yun yung pinaka gusto kong i-share. Hehehe.

From sophomore to 5th year napansin ko si Kevin na hindi siya kagaya ng ibang boyfriend na mahilig mang-surprise ng girlfriend thru gifts, flowers, etc. Bilang isang girlfriend at syempre babae, hindi naman maiwasan yung parang maiinggit ka sa ibang girlfriend na sinusurprise sila ng boyfriend nila lalo na kapag may celebrations like Valentines or Anniversary.

Si kevin kasi loveletter at gumamela at minsan santan na pinitas niya kung saan. Naaappreciate ko, oo. Pero alam mo yung feeling na di mo maiwasang hindi mainggit. Mapapa lunok at kibit balikat ka nalang makita yung ibang couples na nag cecelebrate ng enggrande with bouquet of flowers, teddy bears, dinner in a romantic resto something like that.

Naiintindihan ko naman si Kevin. Hindi sila ganun ka angat sa buhay. Papa niya Jeepney driver, mama niya mananahi at estudyante palang naman siya.

Ako naman, lumaki ako sa pamilyang iyakan ko lang ang isang bagay kahit gaano ka mahal ibibigay. Aaminin ko, spoiled ako sa parents ko. Dad ko Colonel sa police. Mom ko doctor. Nakukuha ko ung mga luho na minsan hindi ko naman hinihingi sa kanila. Pero despite ng pagiging spoiled ko sa parents, never kong inapply yun kay Kevin. Sa three years namin noon being together never akong nanghingi, nagpalibre o nagpabili. Never ko ring ipinakita sa kanya na naiinggit ako sa ibang couples. Ayoko siyang saktan kasi mahal ko siya. Ayokong iparamdam na he is not enough o hindi ko naaappreciate yung simple things na nagagawa at naibibigay niya.

Dumating yung araw ng graduation naming dalawa. Nagka-work. Tinutupad yung planong pag iipunan ang kasal. We have joint account na lahat ng ipon and salary namin sama sama.

Until an extraordinary day just came.. Sobrang naiyak ako at until now habang tina-type ko to naluluha ako. 😭

Last year, umaga nun. Rest day ko. Sinundo ako ng sister niya. Usapan nun may bibilhin lang siya at nagpapasama uuwi kami after. Medyo mahaba-haba ang byahe. Naka tulog na ako at yung sister ni Kevin ang nag da-drive. Sa sobrang pagod sa byahe at sa office ang haba narin pala ng tulog ko.

Nagising nalang ako dahil ung sister ni Kevin kinakatok yung window ng car at sumesenyas na lumabas ako.

Pag baba ko.

Fudge ayan nanaman naluluha na 'ko ngayon. 😭 Hahaha.

Pag baba ko nandun si Kevin. Si Mommy, daddy, family ni Kevin, friends namin at college classmates.

Nakatayo sila sa tapat ng isang bahay. Yung bahay na sabay naming dinesign. Yung dream house naming dalawa. Yung bahay na sabay naming pinlano. Yung bahay na sa papel lang namin iginuhit ngayo'y nasa harapan ko na.

Si kevin naluluha dahil nakikita niyang halos hindi ko maalis yung panyo sa mukha ko kakapunas ng luha ko.

Makita palang yung pangarap naming bahay na pinlano namin nung second year college kami hindi na mapigil ang patak ng luha sa mga mata ko. At nadagdagan pa yun nang lumuhod si kevin sa harapan ko, binuksan ang box ng singsing at tinanong ako nang Will you marry me?

Sina mommy at daddy pati narin mga friends namin naluluha na.

Nag YES ako. Niyakap ko si Kevin at parang ayaw ko ng pakawalan sa mga kamay ko. Nilapit niya ako sa bahay at bumulong nang..

"Naalala mo ung araw na tinanong kita kung anong gusto mo? Sabi mo magkaroon ng bahay na tayo mismo ang nag design.. Ilang buwan nating pinlano at iginuhit yung bahay na yun. Sabi ko sa sarili ko, balang araw.. maibibigay ko sayo yun.

Nag ipon ako after nating matapos yung bahay. Hindi ako gumastos. Alam kong naiinggit ka noon sa iba dahil hindi man lang kita mabilhan ng mga bagay na magpapasaya sayo. Dahil iniisip ko, mas magiging masaya ka sa bagay na maibibigay ko sayo balang araw at ito na yun. Mahal na mahal kita at handa akong gawin ang mga bagay na imposible para sayo."

Iyak ako ng iyak. Hanggang makauwi ako hindi parin ako mapigil sa pag luha.

Last July kinasal kami gamit yung ipon namin sa joint account and with the help of our parents. And now, dito na kami nakatira ngayon sa dreamhouse namin sa San Juan Mandaluyong. ❤

THANK YOU GUYS FOR PATIENTLY READING OUR STORY.

Arkitek Kaye and Kevin
2005
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon