171 "Tropa"

38 0 0
                                    

//Fb page: FEU Secret Files

Tropa

"3 years ago, may nakita akong guy na nakatambay sa Lerma. Habang may inaantay ako, patingin tingin ako sa kanya. Parang na love at first sight ata ako. Ramdam ko din na tumitingin siya sa akin. Tapos may biglang tumawag sa pangalan ko. Kakilala pala siya nung friend ng ex ko. Small world.

Pagkalipas ng ilang araw, hiningi nung guy yung number ko. Pero sabi ko ""tropa tropa lang ah"" dahil nga magkakilala at magkaibigan sila ng ex ko. Pero deep inside kinikilig ako.

Inantay ko ang text niya sakin, pero wala. After a week, dun ko nareceive ang unang text mula sa kanya. Pero sun ang number niya at ako naman globe. Kaya bihira kami magkausap. Minsan hindi talaga siya magpaparamdam. Kaya naisip ko na hindi kami madedevelop. Pero nagpalit siya ng sim kaya madalas na kaming nagkatxt simula nun.

Nagkita kami ulit. 1st date kuno. Maulan nun. Nagkape lang kami somewhere tapos umuwi rin. Hindi man lang ako hinatid. Ako pa nagsakay sa kanya sa jeep.  Kaya medyo naturnoff ako.

Wala sa kanya ang hinahanap ko sa isang lalaki. Bihira mo makausap. Around FEU lang kami lumalabas, hindi na lumayo. Never akong nilibre. Ang lakas magyosi. Minsan mahuhuli ko pa siyang nanchichicks at nalaman kong nakikipagkita pa siya sa ex niya. May time pa nga na napaso niya ako ng yosi, pero sabi nya ""sayang yung yosi ko"" kaya nag walk out ako. Pero Joke lang daw un. Na xsent pa siya sakin nung nagtxt siya sa friend niya na ""uy si ------, ang chubby! Yummy!""

Sa totoo lang, parang walang ligawang nangyari. Pero naging kami pa rin. Siguro attracted ako sa guy na ganun, yung hindi patay na patay sayo. Yung kayang iparamdam sayo na hindi ka kawalan. Hindi bf/gf ang turingan namin sa isat isa. Yun ang nararamdaman ko. Nahuhuli ko pa sa fb niya na kachat niya ex niya. May time pa nga na bday ko pero ako pa pumunta sa kanya. (Taga south siya at taga north naman ako) At wala man lang akong natanggap na regalo. Di ko kinaya kaya nakipag break ako sa kanya after a month. Sabi ko: parang di naman tayo eh. Di ka naman seryoso. Pero sabi niya sakin na ganun lang daw talaga siya sa kahit sinong naging gf niya. Normal daw yun. Pero babawi daw siya, magkabalikan lang kami.

Pumayag ako, at nagreset lahat. Medyo nagbago naman siya kahit papano. 1st monthsary namin, December yun. Wala akong inexpect kasi baka masaktan lang ako pero may natanggap akong regalo mula sa kanya. Malaking toblerone (pero expired). Binili niya raw para sakin. Kilig na kilig ako kasi 1st time yun na may binigay siya sakin. Dahil wala akong maibigay, iniregalo ko nalang sa kanya ang pangkuskos at pang shave na napanalunan ko sa isang christmas party. Yun ang ibinigay ko sa kanya at sinabi kong monthsary gift ko.

Makalipas ang ilang buwan, nalaman kong hindi pala niya binili ang toblerone na iniregalo niya sakin. Kinuha niya lang sa bahay nila. Nasaktan ako kasi nagsinungaling siya at pinaasa ako na nagbago na siya. Kaya inamin ko rn na napanalunan ko lang yung ibinigay kong regalo sa kanya.

Naramdaman ko talaga na naglolokohan lang kami at hindi honest sa isat isa. Kaya  di ko na talaga inexpect na tatagal kami.

Unti unti kong naramdaman ang pagbabago niya at mas nakilala ko pa siya.  3 years na kami pero sobrang mahal ko parin siya at ramdam kong mahal niya rin ako. Bihira kami magaway at laging iniintindi ang isa't isa. Masaya ako dahil ang laki ng pinagbago niya dahil sa relasyon namin. Hindi na siya ang tropa na nakilala ko noon. Dun ko napatunayan na ang pag-ibig ay kayang makapagpabago ng isang tao. Buti nalang hindi ako sumuko sa kanya kahit hindi maayos ang naging simula namin. "

cloe
2009
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon