192 "Litrato"

48 2 0
                                    

//Fb page: UE Secret Files

LITRATO

"Tara guys selfie tayo, oh fierce naman, smiiiillleeee, kunwari candid, groufieee, kimmcchhiii, oh wacky naman wacky tapos jumpshot ha!" - mga linya na lagi nating naririnig sa tuwing nakaharap tayo sa camera kasabay ang tawanan, asaran, pagddelete ng mga hindi magandang shot at matapos ang ilang minuto ippost na at may biglang hihirit na "ui itag nyo ko ha"

Nakakatuwa na sa simpleng mga litratong ito, ay panghabang buhay na pagkakaibigan ang nakapaloob. Mga alala nung mga panahong ang grupo ay buo pa at masayang magkakasama.

Pero darating ang panahon na tayo rin ay maghihiwalay, kahit masakit, kailangang magpaalam, kapwa tatahakin ang kanya kanyang landas at magpapatuloy sa sariling takbo ng ating buhay. Dadalang ang pag uusap, mamimiss ang kwentuhan at ang iba mawawalan na ng oras para kamustahin pa ang barkada.

Darating ang mga gabi na maiisip nalang natin kung kamusta na kaya sila, kamusta na kaya yung mga kaibigan kong puro kalokohan, kamusta na kaya yung mga nakaramay ko sa hirap ng buhay kolehiyo, kamusta na sila na nakasama ko mangarap at nangako na sabay-sabay kaming magtatagumpay.

Darating yung panahon na makakaroon tayo ng sarili nating mga pamilya at isang araw makikita ng mga anak natin ang mga larawan ng ating nakaraan. Hindi maiiwasan na siguro matanong tayo.."Ma/Pa sino po tong mga kasama mo sa picture?" - kasabay ng tanong na yun ay ang pagsariwa natin sa mga alaalang nagdaan. Titignan ng mabuti ang litrato at mapapangiti at sasabihin sa anak na.."Anak sila ang mga kabigan ko, ang saya namin noh?"

Habang sinasariwa ang mga matatamis na ngiti, kalokohan, at mga masasayang araw na nakapaloob sa bawat litrato ay maibubulong mo nalang sa sarili na.."Kamusta na kaya ang mga kabigan ko..sila, na nagbigay kulay sa buhay ko. "

Nakakatuwa isipin na ang mga simpleng selfie at larawang ito ay minsang magpapa alala ng mga pinaka masasayang araw ng buhay mo, na ang mga bagay na ito ay isang araw paluluhain ang mga mata mo, habang nakangiti ang labi mo.

Kaya para sa mga kabigan ko, halika picture lang tayo ng picture! Gumawa tayo ng maraming alaala, at darating ang panahon na ikkwento ko kayo sa mga magiging anak ko. Ikkwento ko kung gano kasarap mabuhay na may mga kaibigan kang nagmamahal sayo ng tunay.

--
BSBA
2015
MTC
College

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon