168 "Untitled"

34 0 0
                                    

Post taken form//Fb page: FEU Horror Stories "True To Life Story"
N//: This is not a scary story.

ADMIN SANA MA POST NYO TONG SHORT STORY KO NA HANGO SA TOTOONG PANGYAYARE SA BUHAY KO.
Ako po si John Ray di po ako taga FEU pero lagi po akong nagbabasa nang mga stories nyo at talagang naaliw ako sa mga binabasa ko dito.

Eto na po.

2007 1 week after graduation nang kuya ko Thursday night galing kaming Church kasi sumamba kami  nang mama kuya at pinsan kong lalaki.
Taga probinsya po kasi kami dati Probinsya nang Odiongan Romblon doon ito nang yare.
Habang naghuhugas nang plato kuya ko sa kusina namin at syempre sa probinsya gasera lang gamit namin kasi walang kuryente doon. At ako naman ay nag lalagay nang gas sa gasera nang biglang hinigop ang apoy nang gasera nung lalagyan nang gas at sumabog ito sa kuya ko na nag huhugas nang plato sa kusina. Yinakap sya nang apoy kitang kita ko na lumiliyab ang katawan nang kuya ko habang ako tulala sa nangyayare. Nadaanan nya ako lasi tumatakbo sya na di alam ang gagawin tsaka lang ako natauhan. Sumigaw ako nang tulong pero alam ko na ang makakarinig lang nun ay si mama at pinsan ko kasi malayo mga kapit bahay namin.
Nung nakita ni mama na lumiliyab katawan ni kuya gulat na gulat sya
Si kuya na nasusunog lumabas nang bahay habang sumisigaw di nya alam gagawin nya tumalon sya sa plangana na puni nang tubig at dun namatay ang apoy sa tulong ko at ni mama.
Maya maya andami nang tao sa bahay namin nagtatanong kung ano nangyare. Samantalang yung loob nang bahay namin ay nasusunog na tinulungan ko si mama para maapula ang apoy sa loob nang bahay habang yung mga tao sa labas inaasikaso nila si kuya.
Nakita ko na nagtangalan ang mga balat nang kuya ko habang kinukuskus nya yung balat nya kasi mainit nag tatangalan naman yung mga balat nya nagwawala sya na si alam ang gagawin sa sobrang init kahit wala nang apoy.
Sinugod agad si kuya sa hospital pag dating dun wala kaming magawa kundi ang umiyak nang umiyak sobra akong naawa sa kuya ko. Kasalanan ko ang lahat nang yon sinisisi ko ang aking sarili sa nangyare sa kuya ko.
Bilatutan nang benda si kuya sa buong katawan nang nurse habang sya ay nang hihina na si mama naman iyak nang iyak di alam ang gagawin.
Sa hospital sinukuan si kuya gamutin kasi wala silang mga gamit pang gamot sa sunog sa buong katawan ipapadala si kuya sana sa maynila para gamutin. Pero nakita sya nung isang doktor sabe nya sya nalang ang gagamot sa kuya ko kaya daw nyang gamutin kuya ko. Na confine si kuya nang halos 3 buwan sa hospital at kitang kita ko ang pag hihirap nya sa sakit hapdi at kirot wala akong magawa kundi umiyak na lamang.
Nung na confine si kuya umuwi ako sa amin ako lang mag isa halos walang kumakausap sakin feeling ko lahat nang tao sa amin galit sakin sa nangyare. Di ako tumuloy sa bahay namin dun ako sa kapitbahay namin tumira. Walang gabe na diko naiisip ang nangyare na trauma ako nang dahil dun halos gabe gane naiisip ko di ako makatulog pag pipikit ko mga mata ko nakikita ko parin ang pangyayareng yun.

isang araw bumisita ako sa kuya ko sa hospital nung nilapitan ko kuya ko sabe nya sakin BAT ANDITO KA ANONG GINAGAWA MO DITO tila gumuho mundo ko nung narining ko yun sa kanya tumakbo nalang ako palabas nang hospital at doon umiyak. Maya maya nilapitan ako ni papa sabe nya pinapatawag daw ako nang kuya ko. Nung lumapit ako kay kuya ang sang sang nang amoy nya sobra pero wala na akong pakialam dun niyakap ko kuya ko ( kasi buong likuran nasunog sa kanya pero sa harap wala kaya nayakap ko sya) iyak ako nang iyak walang katapusang pag hingi nang tawad sa kanya lalo akong humagulhol nang iyak nung sinabe nya sakin na BUTI AKO ANG NASABUGAN AT HINDI IKAW KASI KUNG IKAW SIGURO PATAY KA NA NGAYON nung narinig ko yun lalo akong napaiyak nasunog ko sya pero ako parin inaalala nya.
Inalagaan ko si kuya hangang makalabas nang hospital.

Nung nakalabas sya may sugat parin sa katawan nya hindi ako nag aral nang isang taon para maalagaan ko lang kuya ko.
2008 pinadala si kuya dito sa maynila para di nya masyadong isipin ang nangyare sa kanya at oara na rin magamot sugat nya. Nakakalakad na sya nung panahon na yun di tulad dati na di makagalaw katawan nya.

Lumipas ang mga araw at tuluyan nang gumaling kuya ko at nakapag aral uli ako nang HS. Nung nakatapos ako sumunod ako sa maynila para mag aral bang college
Sa ngayon po Graduate na ako nang IT at kuya ko naman na nasunog ko ay Regular na sa trabaho Sept 07 sya naregular sa trabaho.

Yun ang karanasan sa buhay ko na lubos kung pinagsisisihan at hinding hindi ko makakalimutan.

Walang pag babago sa pakikitungo nang kuya ko saki  tulad nang dati lagi kaming mag kasama na parang tropa lang sa basketball o gala man. Nakakatuwang isipin na Di nya ako Tinakwil dahil sa nangyare bagkus lagi nyang sabe sakin na Wala akong kasalanan At disgrasya lang yun.

Yun lamang po ang aking ma se share sa inyo ADMIN sana ma post nyo po ang kwento ko maraming salamat po

Hayaan nyo po pag umuwi kuya ko dito send ko po picture nya na peklat sa katawan.

More power po and GodBless
☺☺☺😊

--JR

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon