27 "Untitled"

79 3 0
                                    

Post taken from//Fb page : University Secret Files
//Fr comment section-Posted by: Neithan Delos Santos

January 3, 2015 I asked you to check the messages on my phone. I logged in on facebook and asked you to check my inbox too. After doing so, you asked me why. Sabi ko "may nakita ka ba na kakaiba?", sabi mo wala. I asked kung pwede ko ba hiramin phone mo and patingin din ng facebook inbox mo. Suddenly parang nag panic ka. Then nag smile ako sayo and sabi ko na lang "wag na, alam ko naman na". Yumuko ka. I know nagiipon ka ng lakas na magsabi sakin. So inunahan na din kita. Alam mo naman na ayokong nahihirapan ka. "kailan pa? kailan mo pa ko niloloko?" Bigla kang umiyak. It breaks my heart to see you crying. I asked you to stop crying. Pinasuot ko sayo yung cap ko. Inakbayan kita and pinasiksik ko ulo mo sa dibdib ko. Sabi ko sayo lalabas tayo ng Mcdo kaya ganun. Sumakay tayo ng taxi at nagpunta sa kwarto na walang kusina. Doon niyakap kita. Binulungan kita. "Mag confess ka na". Umiyak ka and umamin ka na. Yung mga panahon na inaaya kita, busy ka pala sa iba. Nung mga oras na nalulungkot ako mag simbang gabi mag isa, nandun ka pala sa kama niya. Sabi mo sakin mahal mo ko pero may times lang talaga na nakukulangan ka. I asked you "sapat ba na reason yun para lokohin mo ko?". Humagulgol ka. Gusto kong sapakin ka. Gusto kong murahin ka. Pero nangingibabaw pa din sa utak ko na babae ka at sa puso ko na mahal kita. Instead, niyakap lang kita. Ng mahigpit. Pinakinggan kita. Nabasa tshirt ko kakaiyak mo. Pero ayos lang yun. Kasi mahal kita. Mahal kita pero hindi ako tanga. Habang magkayakap tayo, umiyak ako. Sabi ko sayo sayang lahat ng plano ko para sayo. Para sa atin. Tanggap ko na nagkamali ka pero di ko na kayang tanggapin ka pa sa buhay ko. Sa ngayon. I dont want us to come to that point na magkakasumbatan na lang tayo. I love you. Pero sometimes love just aint enough. Lalake man, nasasaktan din. Sinabi ko sayo lahat ng gusto kong sabihin. Pinaiyak kita hanggang mawala yung guilt feelings na nararamdaman mo. Alam ko di sapat yun pero kahit papaano man lang mabawasan. Gusto ko maghiwalay tayo ng maayos. Ng hindi nagkakasakitan. Ayoko iparamdam sayo na lahat ng to ay dahil nagkamali ka. Baka nga kasi nagkulang din ako at may mga mali din ako. Hinatid kita sa inyo. Niyakap kita ng mahigpit. Sobrang higpit. And i kissed you, for the last time. Hindi ko na alam kung saan ako kumuha ng lakas para lumakad palayo sa inyo pero di na mahalaga yun. Ang mahalaga alam ko safe ka. Ang mahalaga may closure yung relasyon natin. Ang mahalaga, kahit hindi na tayo, andito pa ako para sayo. PS. Guys, hindi ko sinasabi na perpekto ako or dapat niyo ako gayahin pero sana lang kung dumating man ang time na magloko ang partner niyo, irespeto niyo pa din siya up to the last second na "kayo". Hindi niyo man siya mairespeto dahil sa ginawa niya, irespeto niyo na lang ang pagiging babae niya. Bigyan niyo ng proper closure ang dapat iclose. Lagyan ng period ang dapat tuldukan. Wag kayo magtanim ng galit sa ginawa niya. Instead, isiksik niyo sa utak niyo na oo masakit na niloko kayo pero minsan sa buhay niyo napasaya kayo ng taong ito.

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon