47 "Tantan"

76 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: Teens Secret Files

Tantan

Sana ma post 'to. Advance thankyou admin if ever na maipost😊

February 18, we met in tantan which is a dating app.  You're 21 and I'm only 18. Graduated ka sa course na culinary arts sa La Salle. Sabi ko non sa sarili ko, baka sobrang taas ng standard mo sa babae kase galing ka sa magandang school at may kaya yung pamilya nyo. Akala ko ikaw yung tipo ng lalaki na walang ibang gagawin kundi magyabang at magpa impress lang. But I was wrong, masaya ka kausap. Makulit ka, corny(lalo na mga jokes mo😆) madalas na sa pluto yung utak hahaha, mabait (ikaw pa nga yung taga load ko pag wala ako load haha.) Nagagalit ka saken pag ayaw kong pumayag na loadan mo ko, kahit nagmumukha ka ng timang minsan okay lang sayo basta mapasaya mo ko. Ikaw yung tipo ng lalaking may sense of humor. After 2months of chatting, nagkapalagayan tayo ng loob. Sa maikling panahon na yon nakuha mo yung tiwala ko. Ang gaan gaan ng loob ko sayo. So yeah, naging tayo. I was so happy. Sabi ko sana ikaw na. Sana ikaw na talaga yung lalaking iingatan ako, papahalagahan ako at hindi ako iiwan. Ang dami nating plano- magmasama after kong grumaduate, maghanap ng trabaho at magipon para sa future natin, magpakasal, magkaroon ng masayang pamilya, magkasamang tumanda at magkaroon ng mga apo. Naiimagine ko yon lagi pag yun yong topic natin. Lagi mo ring sinasabi saken na wala sayo yung s*x, kase nga s*x lang yon at may tamang oras para don, na kaya mong maghintay hanggang sa ready na kong ibigay sayo yung sarili ko. Dun kita lalong minahal. Bihira na lang yung lalaking katulad mo kaya sabi ko sa sarili ko, hindi na kita papakawalan. Lagi akong nagpapasalamat kay God that time na saken ka napunta, na ako yung minahal mo. June 6, birthday ko. Nagkaroon tayo ng away. June 7, naging okay tayo. June 8, nalaman kong kayo pa pala nung sinasabi mo saken na ex mo na. Sobrang sakit, hanggang ngayon sobrang nasasaktan ako. Nag flashback lahat ng sinabi mo saken na ako lang yung mahal mo, na walang iba, na kuntento ka na saken. Nag sorry ka saken, ang sabi mo aayusin mo yon. Makikipag hiwalay ka sakanya tsaka mo aayusin yung satin. Binigyan kita ng chance kase sobrang mahal kita. Hinintay kita hanggang sa nagsorry ka na lang saken bilang pagpapahiwatig na hindi mo siya kayang iwan at siya ang pinili mo. That time, sobrang lugmok na lugmok ako. Hindi ako kumakain, every night umiiyak ako, madalas tulala. Hindi ko alam kung paano i manage yung sakit na nararamdaman ko.

Then nagkausap kami nung babaeng pinili mo, 1year+ na pala yung relationship nyo. Ang lungkot lungkot din nya, sobra din siyang nasaktan nung nalaman nyang nagkaroon ka ng relasyon sa ibang babae. Ang sabi nya saken "akala ko kuntento na siya saken, kulang pa rin pala" that time pumasok sa isip ko na siya talaga yung pinaka nasaktan. Nagpakumbaba ako, nag sorry ako sakanya. Nagmakaawa ka saken na tulungan kita para bumalik siya sayo. Alam mo ba kung gaano kasakit saken yon? Sobrang sakit na parang dinudurog ng pinong pino yung puso ko. Yung taong sobrang mahal mo, magpapatulong sayo para magkaayos sila ng taong mahal nya. Pero naging manhid ka pagdating saken, hindi mo inalala yung sakit na naramdaman ko sa mga nalaman ko tungkol sainyo, sa mga nangyare. Dumating sa point na itinanggi mo ko sakanya, ang sabi mo hindi mo ko kilala. Tinawag mo kong desperada, at maninira ng relasyon, sinabihan mo kong walang kwenta, sinabi mong hindi mo naman talaga ko minahal. Sobrang galit ka saken na ako yung sinisisi mo kung bakit nagkaroon kayo ng napakalaking away na muntik humantong sa hiwalayan. Ang sabi mo saken, mahal na mahal mo siya at hindi mo kayang mawala siya. Na wala kang ibang hinangad kundi maging masaya kayong dalawa. Pasensya na, hindi ko alam na may nagmamay ari pala sayo at bawal kang mahalin🙂 Ang sakit sakit na parang gusto ko na lang mamanhid sa sobrang sakit. Pero dahil tanga ako at sobrang mahal kita, sinabi ko sakanya na bigyan ka ng chance, na pakinggan yung explanation mo, na mahal na mahal mo siya. Lahat ng pwede mong gawin ginawa mo kahit masaktan ako ng sobra para lang hindi siya mawala sayo.

Inisip ko, paano naman ako? Sabi ko saken, di mo kayang nasasaktan siya. Nung araw na yon, nawalan ka ng pake saken, binalewala mo ko, hindi mo man lang iniisip na nasasaktan din ako. Walang umalala saken kundi sarili ko lang. Sobrang nainggit ako sakanya aaminin ko. Nawala ng parang bula yung mga pangako mo saken at mga pangarap natin ng ganung kadali lang.

Naalala mo yung kinuwento kong nagdalawang isip pa ko ng malala non bago kita i-like sa tantan😆 What if hindi kita ni like non? Siguro hindi ko naramdaman maging masaya kasama ka. Kaya hindi ako nagsisisi na nakilala kita, tandaan mo yan. Hanggang ngayon naman thankful pa rin ako. Sobrang swerte ko na nakilala kita, na minahal mo ko, na tinanggap mo ko ng buo non kahit na alam mo kung anong nangyare sa past ko. I know mabuti kang tao. Alam ko nagmahal ka lang. That's why I'm letting you go. You love her so much, I know that. Be happy with her. I will never regret loving you. Hindi ako nagsisisi na nakilala kita, hindi ako nagsisisi na nasaktan ako sa bandang huli kase yun yong patunay na sobra talaga kitang minahal. Im moving on now. But remember, moving on doesn't mean forgetting someone or forgetting the happy memories that you had with him but it is accepting the fact that you two aren't meant to be together. You will always have a special part in my life and in my heart. Thankyou for making me feel special even in a short period of time. Thankyou for making me happy.

Babygirl
Taguig City
2018

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon