8 "TOTGA (The One That Got Away)"

128 6 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

TOTGA (The One That Got Away)

Nung nakilala ko siya, pakiramdam ko sobrang kumpleto na ng buhay ko. I have the coolest parents, I have the career that I really wanted, and I have the best girlfriend. I can say na sobrang perfect ng relationship namin. We have the same interests, we have the same dislikes, we have the same attitude and beliefs. Actually, planned na lahat. Na siya na yung pakakasalan ko, yung makakasama ko sa mga pangarap ko, napipicture out ko nang siya yung kasama kong nag aalaga ng mga chikitings namin.

Kaso,
a day ruined everything.

Pumunta ako sa birthday party ng pinsan ko, and I got drunk. Nawala ako sa sarili. Hanggang sa naging tipikal dumb guy, natukso sa babaeng kainuman. Hindi ko inexpect na darating siya. She caught me having s*x with another girl inside a comfort room.

Natulala ako. Wala siyang sinabi basta tumakbo siyang umiiyak. Sumakay sa sasakyan, tuluyang umalis. Hinabol ko siya. Hindi ako tumigil kahit na alam kong imposibleng maabutan siya. Gustung-gusto ko siyang makausap nang mga oras na yun. Pinilit kong humabol. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko. Takot na takot ako nang mga oras na yun. Hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ba ako o kung mabibigyan man lang ng pagkakataong iexplain ang sarili ko.

After nun,
wala na.
Hindi ko na alam.

Blocked na ako sa lahat ng accounts niya. Pinupuntahan ko siya sa kanila pero itinataboy ako ng parents niya. Hindi ako sumuko. Araw-araw akong nagmamakaawang makita siya, pero siya na mismo ang hindi nagpapakita. Dumating pa sa point na sinaktan na ako ng pisikal ng daddy niya, natutulog sa gate nila, pinadampot sa baranggay.

After a few weeks,
nabalitaan ko na lang na sumama na siya sa kapatid niya sa US.

Pakiramdam ko, nawalan ako ng rason mabuhay. Nasira lahat. Pati trabaho ko napabayaan ko. Ilang linggo akong nakakulong sa kwarto. Iniisip kung paano siya makakausap ulit.

Pero nung narealize kong wala na talaga, tinangka kong mag-pakamatay. Obviously, nabuhay pa. Nakakapag type pa ngayon.

Ilang buwan at taon ang lumipas, natutunan ko ring kalimutan siya. Nakakilala ako ng panibagong babaeng mamahalin. Masaya naman kami. Hindi ganoon kaperfect gaya ng relationship ko sa ex-girlfriend ko, pero natutunan ko na rin na mahalin siya kahit minsan, hindi maiwasang maalala, at hanapin ang qualities na meron ang ex ko sa kaniya noong bago pa lang kami. Sorry, alam kong hindi tama pero hindi ko maiwasan.

Isang araw, I decided to create a new Facebook account. Deactivated kasi yung luma because I chose to spend my everyday life outdoors. Pakiramdam ko kasi mas mabilis akong makakapag move-on kapag kasama ko personally ang mga kaibigan ko.

Habang nag aadd ako ng mga friends ko, nakita ko siya sa suggested friends. I came across her profile. Profile picture niya, pre-nup picture nila ng fianće niyang American. Inistalk ko. Naiyak ako. Alam kong masayang masaya na siya. Yung ngiti at tingin niya sa fiancé niya sa mga photos nila, ganun na ganun niya rin ako tignan at ngitian noon. Nagulat ako kasi bakit parang ang bilis niya akong kalimutan. Ikakasal na siya agad. Three years pa lang ang nakakalipas. But well, ano pa bang karapatan kong kuwestiyunin yun. Ako nga pala yung gagong sumira nang lahat.

It's really painful. Indeed painful. But I am happy for her.

Wala naman na akong magagawa eh. Kahit mag-maktol ako sa kwarto mag-damag, it won't change the fact na she's getting married. And not with me, but with another man. God already gave me the chance to be with the perfect woman, kaso I took that chance for granted. Siguro, si God na rin ang gumawa ng sign na it's about time to appreciate the woman that I have right now. Sign na ipaalam sa akin na masaya na yung ex-girlfriend ko at panahon na rin para maging masaya na rin ako at palayain ang sarili ko sa nakaraan.

And there is one thing that I've learned from my past, at yun yung kasabihan na ilagay sa tiyan ang tama ng alak at hindi sa utak. We cannot blame alcohol for our actions. We should not blame alcohol for our own lust.

LUST CAN RUIN EVERYTHING. EVEN THE MOST PRECIOUS RELATIONSHIP THAT YOU HAVE TREASURED FOR YEARS.

Kiel DC
2006
IAS
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon