62 "You're my one true love"

84 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

You're my one true love

"Ako yung tipo ng lalaking may pagkabadboy, siga kumbaga. Pero ginustong magbago para sa taong mahal na mahal nya.

Yosi dito, yosi doon. Tambay dito, tambay doon. Inom dito, inom doon. Chix dito, chix doon. Ganyan lang ang tinatakbo ng araw-araw ko noon. Bisyo na kasi, di ko alam kung pano ko nasimulan, di ko din alam kung pano ko tatapusin. Pero isang araw, nagbago na lang bigla. Yung tipong gusto ko ng pumasok sa school araw-araw kesa tumambay kasama ang barkada. Nagkaroon ako ng inspirasyon para mag-aral kahit na di ko parin maiwasan ang hindi magyosi.

Pinagtapat ko ang nararamdaman ko sakanya, tulad ng inaasahan ko, ang dami nyang gustong baguhin sakin. Pero dahil mahal ko, babaguhin ko. Mahirap, nakakamatay. Kaso kailangan kong gawin kung gusto ko talagang marinig ang OO mula sakanya.

Nagsimula ako sa unti-unting pagbabawas ko ng yosi, kung dati nakakawalo sticks, ngayon, dalawa o tatlo na lang. Kung dati, gabi-gabi akong lasing, ngayon, once a week na lang ang inom. Dumating din sa puntong nakakapagsubmit ako ng mga assignments and projects on time. Sa madaling salita, nabago ko ang sarili ko nang dahil sa isang babae.

Naging kami, tumakbo ang relasyon namin sa school, bahay lang. Pero masaya. Dumaan ang taon, dalawang taon, tatlo, apat, lima, sabay kaming grumaduate ng highschool, college, sabay magkatrabaho. Pero di ko akalaing matatapos lahat.

She was diagnosed with 3rd stage breast cancer. Late na nang malaman namin. Noon pa man, nagtataka na ko tuwing dadaing sya na sumasakit ang dibdib nya. Di ko alam kung saan ba nanggagaling yung sakit na yun. Minsan sinisisi ko na ang sarili ko kasi sa twing nagmemake love kami e baka nagiging sobrang wild na ko kaya nasasaktan ko na sya. Pero hindi naman daw yun ang dahilan. Dumudugo ang ilong nya, madalas syang mahilo at mawalan ng malay. Palaging namumutla. Palagi nyang idinadaing yung dibdib nya.

Takot na takot ako, di ko alam kung ano ang gagawin ko para mawala yung nararamdaman nya. Di ko alam kung pano papawiin yung mga hapdi sa bawat tusok ng karayom sa katawan nya, sa bawat pagkuha ng dugo sakanya, sa bawat pagtitiis ng gutom para sa mga tests na gagawin sakanya. Nanghihina ako. Nanghihina ako sa twing nakikita ko syang nagihirapan.

Di na sya yung dating babaeng nakilala ko na sobrang lakas ng loob sa lahat ng bagay. Payat na sya, nanlalagas na ang mga buhok nya, di na sya masyadong makangiti.

""Mahal, iwan mo na ko. Maghanap ka na ng iba. Yung babaeng bibigyan ka ng mga cute na anak, yung babaeng aalagaan ka after work, yung babaeng papakasalan mo. Please! Iwan mo na ko!""

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko. Dinadasal ko na sana pareho na lang kaming nagkasakit. Na sana pareho na lang kaming naghihirap, atleast ramdam ko na kasama ko sya.

""Hindi mahal, sasamahan kita. Saan man umabot tong laban natin. Hwag kang matakot. Nandito lang ako, di kita iiwan.""

Niyakap ko sya, hinalikan sa noo. Hinawakan ko ang kamay nya.

""Sorry mahal kung hanggang dito na lang tayo ha? Di ko alam kung bakit pinagtagpo pa tayo ni Lord tapos babawiin din naman. Pero hayaan mo, pag nagkita kami ni Lord, sasabihin ko na bigyan ka nya ng babaeng mas higit sakin tapos kamuka ko.""

Dun ko sya nakitang masaya. Maya't maya nyang sinasabi na mahal na mahal nya ako. Na sobrang swerte daw nya kasi ako yung badboy na nakilala nya. Na sya daw ang dahilan ng pagbabago ko. Proud daw sya para saken. Di ko maiwasan hindi umiyak sa harapan nya, pero palagi nya lang akong tinatapik sa balikat.

""Tama na yan oy. Mahal naman kita.""

Nagpaalam muna ako saglit sakanya para pumunta sa pharmacy, bibilhin ko yung gamot na bilin ng mommy nya.

""Mahal, kunin ko lang sa botika yung mga gamot mo para maging malakas ka na ha?""

Hinalikan ko sya, but this time sa lips na.

""Wow! Sarap naman non. Isa pa nga.""

As per request, inulit ko, tinagalan ko pa. ang lamig na ng mga labi nya pero yung sensation and love, ramdam na ramdam ko.

""Sige na mahal, pagbalik ko rak na tayo? Hehe""

""Sige mahal, rak tayo sa heaven, para may blessing na ni God.""

Naglalakad pa lang ako sa hallway, bigla nang kumabog yung dibdib ko. Di ko na lang pinansin at dumiretso pa din ako sa botika.

Biglang nagtakbuhan ang mga nurses at ang doctor. Pero yung oras na yun, slow-mo lahat sa paligid ko. Para bang alam ko na. Alam ko na...

Tumatakbo ako pero ang parang ang bagal ko pa din, para akong nakalutang. Parang wala akong lakas.

Nirerevived sya, pinapump. Hanggang sa declared na. Wala na sya...

""WALA NA SYA!!!""

Yung babaeng...
Mahal na mahal na mahal ko. Wala na sya.

No more pains, no more high dosages of meds. No more.

Maybelle ko, wala nang paghihirap dyan, puro happiness na lang. Kaso ako naman tong nahihirapan. Di ko alam kung pano ako magsisimula. Di ko alam kung pano ang araw-araw ko ng wala ka. Pero kakayanin ko tulad ng pagpipigil ko sa yosi noon. Mahal na mahal kita!

You may rest in peace Mahal. Iloveyousomuch! Soooo much!

Maybelle Qui****
Sept.18,1990-Jan.14,2016"

Mahal
2010
IAS
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon