130 "Gold digger & compulsive liar"

61 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Gold digger and compulsive liar

"Nainspire ako ikwento dahil dun sa Bayad na Pagmamahal ni ate.

May nakilala kong lalaki sa internet noon, matagal na siyang nagsesend ng fs sakin, naaccept ko siya don sa bago nyang acc. Mga ilang buwan rin kami nagkachat at un napagdesisyunan na namin magkita. Ako rin kasi ung tipo ng babae na hindi dapat lalaki lahat ang gumagastos, dapat equal kayo.

So ayan una naming pagkikita, hati kami sa pagkain at pamasahe. Laging ganun ang date namin. Di daw siya nakakabayad ng malaki kasi di pa daw siya binibigyan ng allowance ng nanay nya. Hanggang mag college ako sa feu, taga Cavite siya, tapos halos araw araw nya ko pinupuntahan sa Morayta. Nagkanda bagsak bagsak ako kase puro ko cutting at Dota dahil ayaw ko sa course ko, pinilit lang ako ng tatay ko na mag Architecture ako. Pero nung pinayagan naman ako mag shift nag-aral na kong mabuti wag kayong ano. Ayon 2nd yr ako at nakapag shift na ko ng fine arts, irreg kasi ako non.

So may 3 hrs break ako. Araw araw nya ko pinupuntahan sa Morayta diba. Ako nagbibigay lagi ng pamasahe nya, bale 100 daw pamasahe nya kasi sa Cavite pa siya, pero nagtataka ko pag pumupunta ko don 60 lang pamasahe. Tinanong ko, sabi nya ibang route daw kasi dinadaanan nya, hinayaan ko na lang. Grabe 100 a day ang binibigay ko sakanya samantalang ako baon ko 150 per day, egul ako. Buti na lang may extra allowance ako sa tatay ko. Araw araw siyang pumupunta kahit sinasabi kong wag na, kumakain na lang ako ng 3 piece siomai with rice sa hepalane pag gipit na talaga, para may pang-uwi lang siya. Wala e. Tapos one time nanghihingi siya sakin ng pera pandagdag para pambili nya ng iphone. Pag-aaralan daw kasi nila ung system ng ios, IT kasi siya. E wala naman akong alam sa mga kashittan nun, di daw kasi siya makakapagthesis ng di siya nagpoprovide ng iphone, so un ako naman to si bigay, binigay ko lahat ng nakuha kong pamasko, imbis na gastusin ko sa sarili ko, binigay ko na lang sakanya.

Tapos dumating ung araw na nagalit at nagtampo ako sakanya kasi tinanong ko kung di man lang siya nahihiya na ako lahat gumagastos, so sabi nya babawi daw siya. Simula nun may nabibigay siyang onti, tapos nalaman kong kumukupit pala siya sa kuya nya, tapos meron kaming tindera na tinatambayan sa tapat ng Morayta, si ateng may ocd sa mga candy nya. Nagtataka ko nun at di na siya tumatambay dun. Wag na daw ako pumunta dun dahil may ginawa daw na masama sakanya. Pero one time nagstay ako dun, nalaman ko na umutang pala siya kay kuya, katabi na tindero ni ate, 700 pesos, nakikiusap na bayaran na para sa pang gamot ng nanay nya. Tarantandong lalaki yon di na nahiya sa tindero. Tapos sabi ko bayaran nya, sabi nya kuya daw nya umutang don. So pinakausap ko sakanya. Nung dumaan kami inapiran naman siya ni kuya. Akala ko ok na.

Dumating ung time na nagbreak na kami dahil sa mga katarantaduhan nya. Tuwing nagbebreak kami lagi niyang sinasabi na may hinanda daw siya para sakin tapos syempre magbabati kami, pero wala naman pala siyang pinaghandaan. Grabe antanga ko sakanya. Nalaman ko sa tropa ko na nagyoyosi siya, pero sabi nya sakin na may asthma daw siya, kaya naniwala akong di nya magagawa un. Ok lang naman sakin, ang ayoko ung magsisinungaling sakin. Tapos di ko alam andami nyang utang sa mga tropa ko, ako na nahihiya. Kaya di na rin siya kinakausap ng mga kaibigan nya, palautang tapos backstabber pa. Tapos ninakaw nya ung atm ng kuya nya. Siguro nagdodroga ung tarantandong un. Tapos si kuyang tindero di pa bayad. Sana mapost to para mabigyan ng hustisya si kuya, di ko man siya mabayaran pero lagi ako bumibili sakanya. Tapos ayaw nya isoli ung kikomachine kong comics gago talaga yon. "

Greenhair
2013
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon