CHAPTER 1: ANG LAGUSAN

6.2K 114 10
                                    

Chapter 1:

“Ano ba Kulas, malalagot tayo sa teacher natin, bakit humiwalay tayo sa kanila.. baka delikado dito sa gubat..” ang sabi ni Amanda

“eto naman masyadong matatakutin, alam mo namang mas may thrill ang camping natin kung mag eexplore tayo diba? Sisilip lang tayo sa banda roon…” ang sabi naman ni Nicholas o mas kilalang Kulas..

Si Amanda at si Nicholas ay matalik na magkaibigan mahilig mag explore at malokong mga estudyante.. binansagan silang pakners in crime dahil sikat sila sa school na malokong mga estudyante at masaya kasama.. binansagan si Amanda bilang “Amatz” dahil sa mahilig itong uminom kaya kahit sino pang barakong lalakeng malakas uminom eh hindi nila matalo talo itong si Amanda at parang lagi siyang may tama kahit hindi siya uminom dahil sa kanyang kakulitan..

Si Nicholas naman o mas kilalang Kulas ay isang makulit at palabirong bata, kahit medyo bastos eh maginoo naman ito.

Habang sila’y naglalakbay nakamasid napala si ionna Amazona na mas kilala sa tribo nila bilang “io”

Nang makapasok sa teritoryo ang dalawang estudyanteng sina Kulas at Amatz ay inutos ni ionna na hulihin ang mga ito..

Dahil may kelangan si ionna sa dalawang estudyante, naalala nito ang pagtatagpo nila ni Emerald Mering na isang diwata sa gems world na lumabas sa mundo nila upang kausapin si ionna..

(flashback )

“ionna, kelangan namin ang tulong niyong mga mortal, nanganganib ang aming mundo, sana makarating kayo bago sakupin ng kadiliman ang mundo namin” ang sabi ni Emerald Mering

“oo, sige, mag iisip ako ng paraan kung sa paanong paraan ako makakatulong” ang sabi ni ionna..

“maraming salamat kaibigan” ang sabi ni mering..

Si ionna ang anak ng isang hari na kung saang may alam sa lagusan patungo sa lugar nila mering dahil ang tatay din ni ionna ang dating nakatulong sa mundo nila. Kaya naman di na nagdalawang isip si mering s kanya humingi ng tulong..

(end of flashback)

“Teka anong iniisip mo dyan? Siguro may pinaplano kang masama sa amin noh? Bakit mo kami tinali dito, lulutuin mo ba kami ah, kakainin mo ba kami ah? Wahhhh!!” ang sabi ni Kulas

“Ano ba pakner, ikaw ang nagplano plano nitong mag explore sa gubat tapos ikaw pa mas matatakutin kesa sa akin.. relax lang baka makuha sa pakiusap itong taong gubat na to..” ang sabi naman ni Amanda..

“kelangan ko ang tulong ninyong mga taga syudad.. dahil alam kong malaki ang maitutulong ninyo sa aking problema dahil marami kayong kaalaman..” ang sabi ni ionna sa dalawang estudyante..

“sa amin ka pa hihingi ng tulong eh, puro palakol ang grades ko, at saka sinusuka na nga kaming dalawa sa eskwelahan tapos as amin ka pa hihingi ng tulong.. gusto mo dalhin naming dito yung matalino naming kaklase” ang tugon naman ni Kulas

“Hindi kita maintindihan pero ipagpaumanhin ninyo kung kayo ang isasama ko sa mundo ng mga mahihiwagang bato..” ang sagot ni ionna..

Ipinaliwanag ni ionna sa dalwang magkaibigan ang napag usapan nila ni mering. Hindi makapaniwala ang magkaibigan bagkus tinawanan pa ito at sinabi ni ion a palalayain lamang niya ang mga ito kapag tinulungan sya sagipin ang mundo nila mering.

Napapayag rin ni io ang dalawa, habang ang dalawa ay nagbubulungan na tatakas rin sila kapag nakahanap ng tiyempo..

Naglakbay na nga ang tatlo papunta sa isang lagusan kung saan patungo sa mundo nila mering, minsan nang dinala si Io ng kanyang ama sa lagusang iyon at naikwento nito ang kanyang nakaraan kasama ang mga taga kabilang mundo. Sa kanilang paglalakbay ng napakalayo, kelangan nilang hintayin ang kabilugan ng buwan upang lumabas ang isang isla na lumulutang.

“lalabas lamang ang lumulutang na isla sa tuwing natatamaan ng liwanag ng buwan, at meron lamang tayong limang minute upang akyatin ang islang iyan upang mapasok natin ang lagusan patungo sa mundo ng mga immortal kung hindi, maglalaho rin ito kaagad” ang paliwanag ni ionna..

“pakner, may sira na ata tuktok nito, pati tayo dinadamay pa..” ang pabulong na sabi ni Amanda kay Kulas

“hayaan mo na, tingnan nga natin kung gaano nga ito kabaliw pag nakatyempo tayo takas na lang tayo, bilisan mo tumakbo ah..” ang sabi ni Kulas

Dumating na nga sila sa lugar kung saan lalabas ang isla, inantay nilang matamaan ng liwanag ng buwan at doon nga namangha ang magkaibigan dahil lumabas ang isang nakalutang na isla sa gitna ng batis, nakita nila ang isang yari sa gems ang bahay na maliit sa ibabaw ng islang iyon..

Inilabas na ni ionna ang tali niya’t inihagis sa islang iyon para makaakyat sila..

“bilisan ninyo, bago mawala ang liwanag ng buwan, kung hindi malalaglag kayo’t hindi tayo makakapasok sa mundo nila..” ang sabi ni ionna..

Nagmadali naman din silang tatlo, at unti unti na ngang nawawala ang liwanag..

Si Kulas ang huling umaakyat sa lubid..

“pakner bilis!! Nawawala na ang liwanag..” ang sabi ni Amanda..

“teka lang.. ang bigat ko, di ako sanay umakyat sa ganto.. “ ang sabi ni Kulas

Ang isang bahagi ng isla’y nabubura na dahil nawawala na ang liwanag nito kaya dumulas na ang lubid..

Pinagtulungan naman ni ionna at Amanda para makaakyat si Kulas..

At nakaakyat naman ito..

“ang gandaaaa!!”” ang namanghang sabi ni Kulas

“oo nga pwede ba tayo kumuha kahit isang dyamante lang??” ang sabi ni Amanda

“wala na tayong oras, nawawala na ang liwanag kelangan na nating pumasok” ang sabi ni ionna..

Yumuko sila dahil maliit lamang ang bahay na yari sa gems na iyon at saka sila pumasok sa LAGUSAN..

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon