Chapter 28

1K 25 0
                                    

“ Marami ka ng alam sa akin.. ihahatid na kita sa mga kasama mo..” ang sabi ni Turki

“Sumama ka na sa amin. Hindi mo naman kasi kelangang mahiya eh.. Turki, hindi mo ginusto kung ano ang naging kasalanan ng ama mo sa mundong ito.. WAla tayo nung nangyari iyon, marahil may rason ang iyong ama kung bakit niya nagawa iyon.. Hindi mapang husga ang aking mga kaibigan, tiyak mauunawaan ka nila at buong pusong tatanggapin ..” Ang paliwanag ni Ionna

Nag isip ng matagal si Turki

“Pumayag ka na turki, marahil ito na rin ang tamang panahon para malaman nya ang totoo at magkasama na kayong muli.. Wag kang mag alala, sa pagkakataong ito, ako naman ang tutulong sa iyo kausapin sya..” ang sabi ni IOnna 

“Maraming salamat.. Sige, payag na ko.. Sasama na ko sa inyo.. Halika na , hanapin na natin sila!” ang sabi ni Turki

Makalipas ang ilang saglit, bago umalis sina Turki para hanapin ang mga Arwa ay biglang nagsisulputan ang mga kalaban.. 

“Ha!Ha!Ha! akala mo pahihintulutan namin kayong matagpuan ang kapatid mo Turki! “ ang sabi ng isang halimaw

Pumorma na si Turki at si Ionna na aakmang lalaban, pero napuna nilang napakadaming halimaw ang nakapalibot sa kanila at mga ibong halimaw na nasa itaas para kung sakaling lumipad agad si Turki dahil alam nilang napakabilis nitong kumilos at marahil mahirapan silang huliin ito..

“hahaha!!! Nakakatawa naman kayo, para sa aming dalawa kelangan ninyong sumugod ng isang batalyon!!” ang pang aasar ni Turki

“bahala ka na kung anong isipin mo sa amin! Mas maganda na ang sigurado! Mahirap kung hindi ka pa naming mahuhuli!” ang sabi ng isang halimaw

Magkatalikuran si Ionna at si Turki, at mukhang wala sa itsura nila ang susuko..

“Mag ingat ka Ionna..” ang bulong ni Turki kay Ionna

“Ikaw din! Kaya natin to..” ang sabi ni Ionna

“Bantayan mo lang ang likod ko at babantayan ko ang likod mo, magtalikuran lang tayo..” ang bulong ni Turki

Nakikiramdam ang lahat pati ang mga halimaw, biglang sumugod na rin ang mga halimaw kina turki ng mapansin nilang walang balak itong sumuko..

Magaling umilag ilag si Ionna sa mga nag aakmang sasaksak sa kanya, palibhasa laking gubat at may alam talaga sa pakikipaglaban, kinuha niya ang kanyang sibat at pinana ang mga ibon sa itaas at mga kalabang palapit sa kanya, nakita nyang may sasaksak sana kay Turki sa likuran ngunit napana niya ito.

Nakita ni Turki ang ginawang pagligtas ni Ionna kaya lumingon sia at ngumiti at nagpasalamat.
Napakarami ng kalaban ngunit hindi sila sumuko at sinubukang makahanap ng pagkakataong lumipad at umalis, ngunit mahina na rin si Turki dahil sa unang pakikipaglaban nito ay nagkaroon na sya ng mga matitinding tama..

Naubos na rin ang sibat ni IOnna at nawalan na rin sila ng pag asa hanggang sa natumba na rin si Turki sa pakikipaglaban..

“Turkiiiii.......”” ang patakbong palapit kay Turki na si IOnna

“uhhhgggggg! Patawad Ionna.. Hindi tayo nakabalik sa mga kasama mo, hindi ko na makakaharap ang kapatid ko.” Ang sabi ni Turki..

“Hindi Turki, makakabalik pa tayo.. wag kang mag alala.. “

“Huliin sila!!!” ang sabi ng halimaw at ginapos na ang dalawa para dalhin kina Reyna Heera..

....

Sa Kabilang Banda..

Habang nagkakatawanan at naglalaro ang mga Arwa ay biglang bumagsak si Toinkz at nagkaroon ng mga sugat..

“Toinkzzzzzzzzzzzz!!! Anong nangyari sa yo!!” ang sabi ni Amatz

Nagsilapitan ang mga Arwa at tiningnan si Toinkz..

“Naalala ko noong iniligtas namin ang isang anghel, gumaling din si Toinkz.. Marahil may kinalaman ito sa anghel na iyon kay toinkz..” ang sabi ni Perry

“Hindi kaya kambal sila??” ang sabi ni Adamas

“Yan ang hindi natin alam, marahil nasa panganib ang anghel na iyon kung kaya’t nagkakasugat itong si Toinkz..” ang sabi muli ni Perry

“Naku anong gagawin natin... indi pa nga nakaka 100 points itong halimaw ko sa akin eh. Paano na ang “Halay”” ang sabi ni Amatz

“Eto iniisip mo pa rin ang H nanganganib na nga tong halimaw mo..” ang sabi ni Kulas

“Perry, hindi ba’t nasa iyo ang batong agimat?? Dahil naalala ko nabanggit sa akin ni Aqua na ang bato mong agimat ay nakakapagpagaling, kaya ipinag utos rin niya sa aking hanapin kita para mapagaling ang pinsan naming si beryl!” ang sabi ni Katerina

“Oo, nasa akin ang agimat, susubukan kong muling pagalingin si toinkz..Sige Katerina, pagkatapos natin dito sa bulkan, pupuntahan natin ang iyong pinsan” ang sabi ni Perry

Makalipas ang ilang saglit inilabas na rin ni Perry ang kanyang agimat upang subukan muli kay Toinkz, umilaw ito at ang liwanag ay pumunta sa mga sugat ni Toinkz at unti unting humihilom ang kanyang mga sugat..Inaantay na lamang ang paggising nito.

“Wow!! Galing naman.. kumpleto rekados talaga ang mga kaibigan natin! Aztig tayo amatz magkaroon ng ganitong klaseng kaibigan! Dalhin natin to sa mundo natin at magnegosyo tayo ng hospital! Kahit anong sakit magagamot! Haha! Mapapalabas pa tayo sa telebisyon! Tapos ipapangalan ko sa hospital Agimat Hospital! Hihihiihihi!!!” ang sabi ni Kulas

“Ikaw kung anu anong naiisip mong pagkakaperahan! Nung una iyong ilog na nakakalasing ngayon naman itong agimat ni perry! Ikaw talaga!” agn sabi ni Amatz

“Kung ako eh business minded, ikaw naman halay minded!! Puro pang hahalay nasa utak mo, pati halimaw di mo pinatawad!” ang sabi ni Kulas

“H-hindi na kayo tumigil! Puro kayo bangayan!! Pwede PO tumahik kayo??”ang sabi ni Toinkz

“haha! Magaling na sya amatz!” ang sabi ni SApphira

“Wow!!! My devil!!!!! Buti nagising ka! Sabi ko na nga ba ang masamang damo matagal mamatay! Dahil dyan may tsup ka sa akin“ ang masayang sabi ni Amatz at napayakap ito kay Toinkz

“Kelangan na nating magpatuloy, bago magtakip silim..” ang sabi ni Adamas

............

Sa Kabilang Banda..

Gumising si Turki na nakatali na sila ni Ionna habang nakakulong sa loob ng mga rehas.. 

“N-asaan na tayo? “ ang sabi ni Turki


“Hindi ko alam Turki,basta dito na lang tayo dinala ng mga halimaw.. teka bakit nawala ang mga sugat mo??” ang sabi ni IOnna

“Pakiramdam ko nga lumakas ako uli eh, dahil maaaring tinulungan ni Perry si Toinkz dahil magkasama sila nito..” ang sabi ni Turki

..

“Gising na pala ang anghel!!! Kamusta ka naman!” ang sabi ni Heera at pumasok sa kanilang kulungan..

“Napakasama mo! bakit hindi mo na lang kami hayaang magkapatid! Bakit kelangan mong gamitin sya para sa pansarili mong kaligayahan!” ang sabi ni Turki

“hahaha! Kelangan ninyong magbayad! Kung ang ama mo pumayag lang sana na mag asawa kami, hindi na sana hahantong sa ganito ang ating mundo!” ang sabi ni Heera..

“Hindi ka magwawagi sa kasamaan mo demonyita! Ang sabi ni Ionna

Sinampal ni Heera si Ionna at tumambad ang kwintas nito na may bato.. nakita ito ni Heera at kinuha ang bato ni IOnna.. nakuha ang batong Aquamarine na ibinigay at ipinagkatiwala kay Ionna ni Aqua sa mga bandang unahang chapter.. at pati ang batong ibinigay ng tatay nia ang Ion na ginawa niyang kwintas..


(Ionna POV)

Bakit nia kinuha ang kwintas ko na bigay ng aking ama, meron din ba tong halaga sa kanilang mundo?

“hahahaha!!! May tatlo na akong bato, teka nga baka itong si Turki meron din..” at hinanapan nga ni heera si Turki ng bato at natagpuan nito ang batong Turquoise..

“biruin ninyo may mga dala dala pala kayong bato.. walang kahirap hirap hahaha! “ ang sabi ni Heera..

...

Na kay Heera na ang batong,

Diamond ni Adamas
Aquamarine ni Aqua
Ion ni Ionna
Turquoise ni Turki..


LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon