Chapter 39

952 22 0
                                    

Biglang naisip ni Kulas sumunod kay Katerina..

“kelangang sundan ko sya.. baka kung mapaano ang aking prinsesa..” ang bulong ni Kulas sa kanyang sarili at lumakad ito papuntang dagat..

“Teka pakner saan ka pupunta??” ang sabi ni Amatz ngunit hindi sya pinansin ni Kulas

“Kulasssssss!!” ang sigaw ni Ionna..

...

“Amatz, sundan mo si Kulas.. baka kung mapaano..” ang sabi ni Ionna

“Pero Ionna, hindi kita pwede iwan dito, dahil ikaw lang mag isa at baka di pa natin mailigtas si Haring Beryl kapag biglang may dumating na masasamang loob para kunin sya..” ang sabi ni Amatz

“Pero paano si Kulas? Baka kung mapaano sya.”ang sabi ni Ionna

“Ewan ko ba dyan sa pakner ko ang tigas ng ulo, sobrang mahal na nya ata talaga itong si Katerina at ayaw niyang may mangyaring masama kaya sumunod ito bigla..” ang sabi ni Amatz

“Teka parang hindi ko ata nakikita si Gla-gla? Kasama ba sya ni Adamas?” ang sabi ni IOnna

“Hindi ko rin sya napansin..” ang sabi ni Amatz..

...

Sa Kabilang Banda

“Aqua, wala akong makita dahil sa itim na binubuga ng pugita!” ang sabi ni Katerina

“Akong bahala pinsan, ilalabas ko ang aking kapangyarihan!” ang sabi ni Aqua at inilabas nito ang kanyang kapangyarihan para linisin ang karagatan, tinanggal ang maitim na tubig na binuga ng pugita at bumalik sa dati ang dagat..

“Salamat Aqua, Kelangan kong makuha ang perlas na nasa pusod nito” ang sabi ni Katerina

“Ngunit masyadong mataas para makaakyat ka papunta sa pusod niya..” ang sabi ni Aqua

“Aakyatin ko ang katawan niya..” ang sabi ni Katerina

Umakyat patawid tawid si Katerina at iniiwas iwasan ang mga galamay nito para tuluyan siyang makalapit sa itaas bandang pusod..

... 

Sa Kabilang Banda..

Unti unting nalaglag na si SApphira at pilit iyon inililigtas ni Toinkz at Turki ngunit naging mahirap sa kanila dahil sa mga galamay na patuloy na inaabot sila at hinaharang..

Kung anu ano na ang pumapasok sa isip ni Sapphira at hanggang sa nangilid na lamang ang luha nya at tinanggap na ang kanyang kamatayan kung kaya’t ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata...

Nang ipikit nya ang kanyang mga mata, ay bigla syang nakaramdam na may sumalo sa kanyang pagkakalaglag... pag mulat nya ng kanyang mga mata nakita nyang nakasalampak sya sa likuran ng isang lumilipad na Arwa na taong kabayo.. naisip niya bigla si Perry, ngunit iba ang tindig nya at ang laki ng katawan nya, mas maskulado at mukhang marami ng napagdaanan sa buhay, natagpuan nya rin si Gla-gla na nakaupo sa balikat nito at nakatingin sa kanya at nakangiti.

“Gla-gla, sino sya?” ang sabi ni Sapphira kay gla gla 

“sya po ang ama ni Perry” ang sabi ni Gla-gla

“Ikinagagalak kita binibini, ako nga pala si Haring Aviro” ang sabi ni Haring Aviro

“Ako naman si Sapphira.. maraming salamat sa pagligtas mo sa akin..” ang sabi ni Sapphira

“Walang anuman, magaling talaga itong si gla-gla, biruin mo ang pagdating namin ay sakto para sa pagligtas sa iyo..” ang sabi ni Haring Aviro.

...

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon