CHAPTER 6: Ang batong Amethyst

1.6K 44 0
                                    


Nag iisip si Aqua kung paano niya haharapin ang mga kalabang parating, bagamat malayo pa ito ngunit alam nyang maaabutan rin sya bago makarating sa kanilang kaharian kaya mas pinili nyang harapin na lang ang mga ito. Sumipol si Aqua at nagsidatingan ang mga dolphins upang maging kanyang kakampi.
Dumating na din ang mga mababangis na pating tila mga nautusan ni heera na paslangin si Aqua dahil nalaman nito na nasa kanya ang batong Aquamarine, lingid na sa kanyang kaalaman na naibigay na ni Aqua ang bato kay Ionna.

“Ibigay mo na ang bato, kung ayaw mong gawin ka naming ulam” ang sabi ng isang pating

“haha! Akala mo naman natatakot ako sa mga matatalim ninyong pangil. Mga kawal, paslangin mo ang maangas na to” ang utos ni Aqua sa kanyang mga kakamping dolphins

Ngunit hindi inakala ni Aqua na ganon na lamang kalakas ang mga pating na inutusuan ni heera, nadiskubre niya na binigyan ng matinding lakas ni Heera ang mga pating na ito. Nag alala ng husto si Aqua kung kaya’t nag isip sya ng isa pang paraan. Sinubukan niya ang kapangyarihan nya, inilabas niya ang matitinding alon, ngunit hindi nadadala ng alon ang mga pating na iyon. Kakayanin kaya ni Aqua ang mga pating na ito?


Sa Kabilang Banda…

Nang sumisid si amatz sa ilog Gorviah ay hindi naman sya nahirapan sa pagsisid sa tubig na iyon at makailang ulit siya umahon para makahinga at sumisid muli ngunit sa ikalimang sisid nya ay medyo nakaramdam na sya ng pagkahilo at pagkahina, pero sa ikalimang sisid na iyon ay natagpuan na rin niya ang bato at kinuha nya, nang pabalik na sya ay unti unti na syang nanghihina. Naaninag na sya ni Kulas na malapit na sya umahon ngunit bigla na itong nahimatay at napuna ni Kulas na unti unting lumulubog si amatz imbes na paahon. Di na nagdalawang isip si Kulas kung kaya’t dali dali syang tumalon upang iligtas si amatz, nang tumalon sya ay kanyang binitbit si Amatz at kinuha ang palaglag na bato sa kamay ni Amatz. Pinulikat pala si amatz at sobrang nahihilo na kung kaya’t di na nya nakayanan pa.

Nakuha na rin ang batong Amethyst at inilagay ito ni Kulas sa bulsa ni Amatz.

Nang mailapag na ni Kulas si Amatz sa lupa ay pinlano niyang i-mouth to mouth resuscitation ngunit bigla syang itinulak ni ionna at tinutukan naman ni Sapphira ng espada si Kulas

“Teka! Ano bang problema niyo ah?” ang sabi ni Kulas

“Anong ginagwa mo sa kanya? Bakit mo sya hinahalikan? Bastos!” ang sabi ni IOnna

“Anak ng tipaklong naman oh! Umiral na naman ang pagkaignorante!!” ang pabulong ni Kulas sa sarili sabay pagpag sa kanyang pantalon dahil sa pagkatumba mula sa pagkakatulak ni Ionna

“Ano ba ginagawa mo sa kanya? Bakit kelangan mong ilapit ang mga labi mo sa kanyang labi?” ang sabi naman ni Sapphira

“hindi nyo ba alam ang mouth to mouth resuscitation ah? Wala akong panahon makipagdebate sa inyo, nanganganib ang buhay ng kaibigan ko kaya pwede, magsitabi kayo!” ang sabi ni kulas na may pagkayamot at pag aalala dahil hindi niya magawang lapitan si Amatz dahil sa dalawang babaeng ito.

“Anong mawt mawt? Ano ba yon?” ang pagtatakang tanong ni Ionna

“Mouth to mouth resuscitation! Hayz! Paano ko ba to ipapaliwanag! (ahh lam ko na!.. .sabi ni kulas sa isip nya) .. Kayong dalawa pwede, wag muna kayong makialam ah, manood kayong mabuti dahil meron din akong kapangyarihan, kaya kong buhayin yang kaibigan ko.. ok? Wag kayong makikialam..tabi tabi muna..” ang paliwanag ni Kulas

Bagamat may pagdududa pa rin ang dalawa, pero hinayaan na rin nila at tinitingnan kung ano ang gagawin ni Kulas.. Ginawa na nga ni Kulas ang pagmamouth to mouth resuscitation at epektib naman dahil bigla na rin ni Amatz naisuka ang tubig na nainom nya at unti unting kumikilos na rin si amatz. Namangha sina Ionna at Sapphira sa ginawa ni Kulas dahil inaakala talaga ng dalawa na mayroon talagang kapangyarihan si Kulas na magpagaling o magbuhay ng patay.

“Oh! Ha! Anong say nyo?? Astig diba? Sabi ko sa inyo may kapangyarihan ako eh.. ako pah! Si kulas pa!” ang pagyayabang ni Kulas

Tuwang tuwa si ionna, sa tuwa nya ay napayakap sya kay Kulas na syang ikinagulat nila pareho at napatigil. Patay malisya silang dalawa at itinuon na lang muli ang atensyon kay Amatz..


“pwaareee, nakuha kowh na eyowng batowwww.. ang galeng galeng ko debwah partner? Hik.” ang sabi ni amatz na halatang nalasing nga sa tubig ng ilog na iyon..

“oo partner! Kaya kelangan na nating mag celebrate! Ngayon ang totoong tagayan! Kaso di pa tayo nagsisimula ng celebration lasing ka na.. paano pa tayo magcecelebrate nyan..?” ang pagbibiro ni Kulas

“Sira! Si amatz, malalasing? No way!” ang sabi ni amatz at biglang bumagsak at humilihilik na sa sobrang kalasingan..

“Oh anong nangyari sa kanya? Namatay ba sya uli?” ang sabi ni ionna

“hahah! Hindi.. nakatulog lang..” ang sabi ni Kulas at binitbit niya si amatz at isinampa sa kanyang likuran upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay..

“Maghanap muna tayo ng ating matutulyan upang makapagpahinga muna at ipagpatuloy na natin ang ating paglalakbay bukas..” ang sabi ni Sapphira..

Nang makahanap na sila nag matutulugan, inilapag na rin ni Kulas si amatz at inayos ang pagkakahiga.
Ngunit napakalamig sa lugar na iyon kung kaya’t pinlanong magsindi ni Kulas ng kahoy upang di sila lamigin. Tinipon tipon ni Kulas ang mga kahoy na nakikita nya sa paligid at kumuha sya ng dalawang bato upang magkaroon ng apoy, ang tagal tagal niyang kinikiskis ang dalawang bato ngunit hindi sya makagawa ng apoy, nang biglang lumiyab sa harapan nya ang matinding apoy na pawang nanggaling sa likuran ang pagsindi.. Paglingon ni Kulas..

“Anak ng tipaklong! Paano mo nagawa iyon? Taong lighter ka ba? Galing mo ah! Siguro iyong dugo mo eh gaas?” ang sabi ni Kulas kay Sapphira

Hindi sya pinansin ni Sapphira, ngunit umupo rin sia mga limang pulgadang layo kay kulas..

“Siguro, ang swerte ng mapapangasawa mo bukod sa maganda ka na eh libreng kalan pa, biruin mo iyon pwede ka ng magluto sa pamamagitan lang ng kamay mo,hawakan mo lang ang pwetan ng kawali makakapagluto ka na..” ang sabi ni Kulas..

“Ako.. single pa ko, heheheh..” ang pagbanat muli ni Kulas

“may anak na ako.. “ ang maiksing sagot ni Sapphira

“eh sino nag aalaga ngayon ng baby mo? Ang sagot ni Kulas

“binata na ang anak ko, hindi ko nga alam kung nasaan na sya..” ang sagot ni SApphira

“binata!! Paano nangyari yon, nag asawa ka ng 1year old ka pa lang?” ang sagot ni Kulas

“dito sa lugar namin, walang tumatanda, hindi tulad sa inyong mundo.. Mamamatay lang kami hindi dahil sa katandaan kundi dahil sa nagkasakit kami o pinatay kami ng kapwa Arwa namin..”, ang sagot ni Sapphira..

“Sarap pala dito sa mundo niyo, lagi akong feeling binata dito kahit may apo na ko sa tuhod, pwede pa ring umariba!” ang biro ni Kulas..

.....

(pagpapatuloy ng nakaraan ni Adamas)

Sa palasyo nila perry ay kinausap sya ng kanyang ama..

“perry, nabalitaan ko na hindi namatay ang anak ni Zervina na si Athena, at may nakapagsabi na napadpad sya sa lugar ng mga Agwari, gusto kong hanapin mo ang iyong pinsan.”ang sabi ni Aviro

“Ganun po ba Ama? Wag po kayong mag alala, hahanapin ko po si prinsesa Athena” ang sagot ni Perry

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon