Chapter 9: Mawt mawt Powers

1.3K 38 0
                                    

“Ano bang makakain dito sa mundo nila.. sana may store ng jolibee o mcdo man lang, nakakamiss na umuwi!” ang sabi ni Kulas

“Alam mo! Minsan, salita ka ng salita na ikaw lang ang nakakaintindi. Anong makdo at jabili ba yon? Hindi kita maintindihan kung minsan..” ang sabi ni Ionna

“Ionna, hindi mo talaga maiintindihan kasi magkaiba tayo ng mundo kaya ganyan ka nagiging ignorante ka sa mga sinasabi ko..” ang sabi ni Kulas

“Ganun? Ignorante pala ako ah, tingnan natin kung sino ang magiging ignorante ngayon!” ang hamon na sabi ni Ionna

May ilog sa harapan nila at para makatawid ka ay kelangan mong umakyat sa puno at lumipat sa kabilang puno na magiging mahirap para kay Kulas, nagsimula ng umakyat si Ionna sa puno at mabilis na tumatawid tawid sa mga sanga sanga at makababa sa kabila.

“Ionna, paano ko tatawid? Ang daya daya mo naman!” ang sabi ni Kulas
“edi gamitin mo ang pagiging matalino mo, baka naituro yan sa eskwelahan ninyo.” Ang pang aasar ni Ionna

“Ionna naman wala akong panahon makipagbiruan sayo ah, dali na tulungan mo na ako dito..”

“kaya mo na yan! Sige na umakyat ka na..”

Sinubukan ni Kulas umakyat sa puno at tumawid sa sanga, ngunit nang sinubukan nyang tumalon sa kabilang sanga ng isa pang puno ay nadulas ito na syang ikinalaglag nya..

“Kulassssssssssss!!!” napasigaw si ionna at dali dali nyang pinuntahan ang kinalalagyan ni Kulas

Naabutan nya si kulas na walang malay at pilit nitong ginigising..

“kulassssss, patawarin mo ako, ikaw kasi hinahamon mo ko eh! Ikaw pala tong ignorante! Gumising ka na pakiusap!” maluha luhang sinasabi ni Ionna

Hindi malaman ni Ionna ang gagawin nya, masyadong mabigat si Kulas para buhatin nya at tumawid sa kabilang ilog.. Nang biglang maisip nya ang isang bagay..

“WAahhhhhhhh!! Bakit mo ko hinalikan Ionna!! Ikaw ah! May pagnanasa ka pala sa akin ah porket nawalan lang ako ng malay! Aray ko ang sakit ng katawan ko talaga! Kasalanan mo to!” ang sabi ni Kulas na nagpapanggap palang nawalan ng malay..

“Hindi kita hinahalikan! Sinusubukan ko lang kung meron din ba akong kapangyarihang mawt mawt!” ang paliwanag ni Ionna

“Anong kapangyarihang mawt mawt na pinagsasasabi mo?” ang sabi ni Kulas

“mawt mawt diba yung ginawa mo kay amatz. Kapangyarihang mawt mawt iyon diba?” ang sabi ni Ionna

“Sira! Para lang iyon sa nalulunod! Hindi naman ako nalulunod eh, nalaglag ako sa puno! Hayz! Ano ba? Maghahalikan este maghahanap ba tayo ng pagkain o ano?” ang sabi ni Kulas

Tumayo na padabog si Ionna na parang napahiya dahil sa ginawa nya..

“ikaw naman tampo na agad! Epektib naman ang mawt mawt powers mo eh, nagising nga ako oh! Hahaha! Pero sakit ng katawan ko talaga sa pagkakalaglag ah! Wag mo na ko hahamunin ah!” ang sabi ni Kulas

...........

Sa kabilang banda..

Lumipad na si Toinkz ang ampon ni heera para hanapin ang mga taong napadayo sa kanilang mundo ksama ang kaniyang mga sundalo..

Nang makarating sila sa isang gubat, nakita nya si Sapphira at si Amatz..

“Nakupo! Anong gagawin ko, limang kalaban ang dumarating, paano ko sila pupuksain gayong tulog pa itong kasama ko..” ang tanging nasambit ni Sapphira

Dali daling nakipaglaban si Sapphira sa mga sundalo ni toinkz. Nilabas ni Sapphira ang kapangyarihang apoy niya para puksain ang mga lumilipad lipad na taong ibon, habang busy si Sapphira sa mga sundalong ibon ay nalapitan na pala ni Toinkz si Amatz na natutulog nung mga oras na iyon..

“Grrrrrrawwwwwwwwwwwwwwrrrrrrrrrrr!!” ang sigaw at pananakot ni toinkz kay amatz..

Nagising ng bahagya ang lasing na si amatz..

“Pwede ba? Ang ingay ingay mo, natutulog ang tao eh!” ang sabi ni Amatz at bumalikwas at natulog muli..

Nagtaka si toinkz na parang sya pa ang nagulat kung bakit wala man lang nakitang bakas na natakot ang babaitang si Amatz..

....

Sa Kabilang Banda..

“amo ko! amo Adamas! Nasaan ka na po!” ang sigaw ni Owl na alalang alala sa paghahanap kay Adamas

“gla gla, maghiwalay tayo sa paghahanap! Wag tayong titigil hangga’t hindi natin sya nakikita..” ang sabi ni Perry

“opo prinsipe perry!”

Makalipas ng ilang oras, natagpuan na rin ni Owl si Adamas na nakahiga sa itaas ng puno sa may sanga habang ito’y umiiyak..

“amo, patawad po kung hindi ko nasabi ang inyong nakaraan! Alam kong nagkamali po ako dahil inilihim ko ito sa inyo..” ang paliwanag ni Owl

Patuloy pa ring umiiyak si Adamas..

“amo, nag aalala na po si prinsipe perry, halika na po, tahan na po, puntahan na po natin sya dahil kanina pa sya naghahanap sa inyo” ang sabi ni Owl

“gla gla, pakiusap! Simula ngayon ayaw na ayaw kong maririnig ang pangalan na yan! Hindi ako si Athena at wala akong kilalang Perry! Kung gusto mo pa ako makasama at tinuturing mo pa rin akong kaibigan, wag na wag mo na syang babanggitin sa akin! at magpakalayo layo na tayo” ang sabi ni Adamas


“Opo, masusunod po”  ang pag sang ayon ni Gla gla..

...



LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon