Chapter 17

1.1K 30 0
                                    

Chapter17

“Hindi maaaring mainlove ang isang halimaw na gaya natin!!!! Hindi ka pwedeng magmahal!! Anak! Ako ang susundin mo at yan ang ipinangako mo sa akin! Para rin ito sa ikabubuti mo!! Pero bakit mo ko sinuway!!!” ang biglang nagputol sa magandang moment nila Amatz at Toinkz..

Sinampal ng napakalakas ni Heera si Toinkz at kinaladkad naman si Amatz.. Nakita ni Toinkz ang ginawang pagpapahirap ni Heera kay Amatz.. Hindi maintindihan ni Toinkz ang kanyang nararamdaman kung bakit hindi nya gusto ang ginagwa ni Heera kay Amatz..

Nagpatuloy sa pagpapahirap si Heera kay Amatz, nilatigo ng paulit ulit.. Naninikip ang dibdib ni Toinkz, hindi nya maintindihan kung bakit nasasaktan din siya.. bigla nyang naalala ang sinabi ni Amatz..

Pumikit sya at nilagay nya ang kamay nia sa dibdib at pinakiramdaman ito. Bumibilis ang tibok ng puso nya at natanong nya bigla sa isip nya “Mahal ko na nga ba sya? Tama ba tong nararamdaman ko? Marahil mahal ko na nga sya dahil ayaw kong nakikita syang nahihirapan, ayaw kong mawala sya sa akin. napasaya at napangiti nya ako at sya lang nakagawa non.. Di ko kayang patayin na lamang sya ng aking Ina” ang sabi ni Toinkz sa kanyang isip at muli nyang minulat ang kanyang mga mata..

Nang lalatiguhin muli ni Heera si Amatz ay bigla nang humarang si Toinkz! Nasaktan at napasigaw sa sakit si Toinkz dahil sa paglatigo nito sa kanyang likuran, habang sya’y nakaharap kay Amatz, kitang kita nito ang nawalang malay na si Amatz,nakaramdam sya ng lungkot pero hindi sya umalis sa pwestong iyon upang depensehan ang kawawang katawan ni Amatz, patuloy sa paglalatigo si Heera kahit alam nitong si Toinkz na ang natatamaan..

“BAkit mo ko sinuway!!! Bakit?? Dahil lang sa tagalupang yan nagawa mo kong suwayin!!! Pinalaki kita at tinuruan kita sa dapat mong gawin, paano mo nagawa ito sa akin!” ang sabi ni Heera

“Inang Reyna! Tama na!!! Nasasaktan ako!!!! Oo pinalaki nyo nga ako ngunit simula pagkabata ko hanggang sa nagkaisip ako, Alam ninyong ngaun lang kita sinuway! Ina, pabayaan mo na sa akin ang babaeng ito.. pakiusap!” ang malungkot na tugon ni Toinkz kay Heera

“Umalis ka dyan!! Kung ayaw mong itakwil kita! Umalis ka at wag kang humarang dyan dahil gusto ko ako mismo ang papatay sa babaeng yan, dahil sa kanya sinuway mo ko!” ang sabi muli ni Heera

“Pero ina, ayaw ko man kayong suwayin pero ayaw ko pong mawala ang babaeng ito..”

“paano na ang napag usapan natin? Ginagawa ko ito para sayo anak, alalahanin mo kapag nakumpleto natin ang bato, gagaling ka na sa sakit mo..”

“Hindi ko na kelangan ang mga bato, ayos lang sa akin kung hindi ako gumaling, kung mawawala naman sa akin itong babaeng ito, hayaan nyo na ako..”

Hindi nagustuhan ni Heera ang sagot ni Toinkz kaya sa galit nito ay nais nyang parusahan si Toinkz.. Walang alam si Toinkz na hindi nya tunay na ina si Heera, buong akala nya ay tunay nia itong ina. Bukod pa roon walang kamalay malay si Toinkz na nagsisinungaling lang si Heera tungkol sa bato na gagaling sya. Hindi nya alam ang maitim na balak nito..

SA pagpapatuloy ni Heera sa paglalatigo kay Toinkz, ay biglang nagulat ito ng tumalsik ang kanyang kinikilalang ina..

Nakita nito ang pagdating ni Turki, nilabas pala ni Turki ang kanyang kapangyarihang buhawi kung kaya’t tumalsik si Heera..

“Sino ba itong lalakeng ito na lagi na lang sumusulpot sa tuwing ako’y may kalaban o may hindi nangyayaring maganda sa akin..kung hindi ililigtas ang papatayin ko, ako ang kanyang nililigtas” ang bulong ni Toinkz sa kanyang sarili..

“Sino ka? Bakit mo sinaktan ang aking ina..” ang sabi ni Toinkz kay Turki..

Hindi Sumagot si Turki, pero kitang kita kay Turki ang galit nito Kay Heera, susugurin na nya si Heera, nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit at nang sasaksakin na ni Turki si Heera ng kanyang espada ay saka nailabas ni Heera ang kanyang kapangyarihan at tumalsik ito saka tumama sa puno. Sa pagtalsik ni Turki ay sya ring pagtalsik ni Toinkz, nagulat at nagtaka si Toinkz dahil nararamdaman nya ang sakit na nararamdaman ni Turki at nangyayari sa kanya ang nangyayari kay turki, nakita rin nya na may sugat din si turki sa likuran..

“Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung ano ang papel ng lalakeng ito sa buhay ko..” ang bulong muli ni Toinkz..

“Wag kang pakealamero kung ayaw mong patayin kita!!” ang sabi ni Heera kay Turki..

Hindi iyon pinakinggan ni Turki at naglabas muli ito ng kapangyarihan, humarang si Toinkz sa takot na mapatay ni Turki ang kanyang kinikilalang Ina..

Tumalsik pareho ang magkapatid, sumasadsad ang kanilang katawan sa lupa papalayo sa isa’t isa at parehong nagkaroon ng matinding tama...

Nagmulat ng bahagya si Amatz at nakita nya ang katawang sugatan ni Toinkz..

“Toinkzzzzzzzzzzzz”””

Madidiskubre kaya ni Toinkz na magkapatid sila ni Turki??

......

Sa Kabilang Banda..

Nakaramdam ng pagkauhaw si Adamas ngunit wala itong makitang ilog o sapa na maaari nyang pagkuhan ng tubig. Napagod rin ito kaya naisipan nyang magpahinga..

“Tubig oh, alam kong nauuhaw ka..” ang sabi ng lalakeng biglang sumulpot sa kanyang harapan..

“Bakit ka naririto? Sinusundan mo ba ako?” ang sabi ni ADamas

“Sinusundan? Ikaw nga siguro sumusunod sa akin eh, nauna ko dito ah! Alam mo naman ako noong bata pa tayo eh mahilig na kong pag aralan ang mga halaman dito sa gubat..” ang sabi ni Perry

Hindi tinanggap ni Adamas ang tubig at nagpatuloy na lamang ito sa paglalakad.. sumusunod sunod pa rin si perry,

“oh bakit ka pa rin sumusunod ah!!”

“eh nag iisa ka lang eh, samahan na kita, saan ba lakad? nasaan ba si Owl?”

Hindi pa rin sumagot si Adamas, pero tumtitindi ang kanyang pagkauhaw!

“uhmm Ang sarap tlga ng tubig! Ano ayaw mo ba tlga?” ang pang iinggit ni perry

Maya maya ay nahimatay na si Adamas dahil sa pagkauhaw at pagod..

Gumising si Adamas at napuna nyang nasa likuran na sya ni Perry at lumilipad sila

“Magandang umaga sayo aking prinsesa! Musta ang tulog? Ikaw kasi eh! Sabi ko sayo uminom ka na ng tubig at magpahinga..”

Unti unti na ring lumalambot ang puso ni Adamas, pero mailap pa rin sya kay Perry dahil nga ang alam pa rin nya ay magpinsan sila..

“Saan gusto mo pumunta aking prinsesa?”

“Sa kaharian ni Heera!” ang sabi ni ADamas

“Aba! Tapang ng prinsesa ko ah! Kaya mahal kita eh! Ako mahal mo ba?” ang biro ni Perry

“Subukan mo pang magbiro dyan tatalon ako dito!”

“Aw! Biro lang!”

“Teka! Parang may kaguluhan sa banda roon!” ang sabi ni Adamas ng Makita nyang parang may gulong nagaganap sa isang bahagi ng gubat!..

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon