CHAPTER 10: PERRY AT ANG MAGANDANG BALITA

1.3K 31 0
                                    

CHAPTER 10

(Ang pagpapatuloy ng nakaraan ni Adamas)

“Owl, magsisimula tayong muli.. ikaw at ako lang! Alam kong makakaya nating mamuhay dito sa gubat..” Ang sabi ni Adamas

“Opo amo ko, andito lang ako parati magbabantay sayo..” ang sabi ni owl

Pinilit ni Adamas kalimutan si Perry at namuhay syang tanging si Owl lang ang kasama, pilit nyang ikinukubli ang kalungkutan sa harap ni Owl. Ganun pa man nag eensayo rin sya gamit ang kanyang kapangyarihan na kanyang nadiskubre noon.

Nung Umuwi na si Perry sa kanilang palasyo galing sa paghahanap kay Adamas, hindi nya alam kung kelangan ba nyang sabihin sa kanyang ama na natagpuan nya si Prinsesa Athena ngunit nawala muli ito pero mas pinili nyang ilihim na lamang ito upang sa gayon ay magkaroon ng oras makapag isip isip si Adamas dahil alam nyang nasasaktan pa ito sa nangyari at hindi pa handa sa kanyang misyon.

Lumipas ang limang taon.. 

(Ang kasalukuyan!)

Nagdalaga na rin si Adamas. Ang dating iyakin at matatakuting si Adamas ay ibang iba na sa kasalukuyan, Isa na syang palaban at hindi basta basta umiiyak! Nakatulong din ang kanyang pag eensayo kasama si Owl sa kagubatan ng ilang taon.

Bagamat taon na rin ang lumipas, si perry ay hindi pa rin nakakalimot madalas pa rin nyang hinahanap si Adamas at umaaasang magkita muli sila at umaasang matanggap na ni Adamas ang tungkol sa kanyang pagkatao.

Pag uwi ni Perry sa kanilang palasyo..

“Anak, matagal tagal mo na ring hinahanap si Prinsesa Athena, hindi mo pa rin ba sya natatagpuan? Wala ka bang nababalitaan tungkol sa kanya?” ang tanong ni Haring Aviro

“Ama, sa totoo lang po.. Matagal ko na syang nakita at nakilala nang di sinasadya. Nagkasama’t naging malapit sa isa’t isa.. Ama, hindi ko sinasadyang mahulog ang loob ko at di ko malaman kung lukso lang ba ng dugo ito dahil magpinsan kami o totoong umiibig ako kay Athena? Ama, patawarin mo ako sa aking kasalanan” ang sabi ni Perry

“Nasaan na sya? Gusto kong makilala sya! Maaari mo ba syang dalhin sa akin?”ang sabi ni Aviro na hindi man lang pinansin ang ibang sinabi ni Perry

“Ama, pinili nya pong magpakalayo layo at taon na po ang nakakalipas nang huli kami nagkita, hindi nya po matanggap ang tungkol sa kanyang nakaraan” ang paliwang ni Perry..

“Anak, ibig sabihin ba’y umiibig rin sa iyo si Athena?” 

“Ganun na nga ama, hindi po namin sinasadyang mahulog sa isa’t isa.. pero pinigilan ko naman ang damdamin ko at inilalagay sa utak ko na hindi pwede maging kami at kelangan kong ayusin ito para sa misyon na dapat naming gawin. Bigyan mo pa po ako panahon Ama at aayusin ko ang gulong pinasok ko.. “ ang sabi ni Perry..

“Ganoon ba? Paano kung sabihin ko sa iyong hindi ako tututol sa inyong dalawa. At maaari kayong magkatuluyan..” ang sabi ni Aviro

“Paanong nangyari iyon ama, hindi maaaring magkatuluyan kung pareho kayong magkamag anak, hindi po ba?

“Anak, Si Athena ay hindi anak ng kapatid ko. Si Athena ay anak ni Zervina sa ibang lalake na noo’y namatay sapagkat mayroon itong nakaaway na kapwa nya Arwa at sanggol pa noon si Athena nang kinupkop ng kapatid ko ang mag ina.” Ang sabi ni Aviro

Abot tenga ang ngiti ni Perry at nagmadaling lumabas upang hanapin muli si Adamas at nagkaroon sya ng pag asa na maging sila muli. Mahahanap pa kaya nia si Adamas at tatanggapin nya pa rin kaya si Perry?

....

(toinkz, amatz, sapphira scene)

Sa Kabilang Banda..

“Grrrrrrawwwwwwwwwwwwwwrrrrrrrrrrr!!” ang sigaw at pananakot ni toinkz kay amatz..

Nagising ng bahagya ang lasing na si amatz..

“Pwede ba? Ang ingay ingay mo, natutulog ang tao eh!” ang sabi ni Amatz at bumalikwas at natulog muli..

Nagtaka si toinkz na parang sya pa ang nagulat kung bakit wala man lang nakitang bakas na natakot ang babaitang si Amatz..

Inulit muli ni toinkz ang pananakot “Ggrrrrrrrawwwwwwwwwrrrrrrr!!”

Bumangon ang nahihilo hilo pang si Amatz “Ikaw! Hindi ka rin makulit eh noh! Magbiro ka na sa lahat! Wag lang sa lasing at bagong gising pa!” biglang sumuka si Amatz na tumama naman sa katawan ni Toinkz

“Ooppssss!! Pasensya na, hahara hara ka kasi sa harapan ko eh!” sabi ni amatz habang pinupunas punasan nya ang dibdib ni toinkz

Sa galit ni toinkz ay aakmang sasapakin si Amatz na sya namang pinigilan ni Sapphira.. sa pagpigil na iyon ni Sapphira ay sakanya ibinaling ni Toinkz ang galit nito.. 

“Amatz, tumakbo ka na habang may pagkakataon pa!” ang sabi ni Sapphira

Hindi naman iyon naintindihan ni Amatz kung kaya’t bumalik muli ito sa pagkakatulog..

“Pakialamera ka! Akala mo kakayanin mo ako!” ang sabi ni Toinkz habang hawak hawak nito si Sapphira Sa leeg at inangat sa lupa, saka hinagis..

....

(kulas and ionna scene)

Sa Kabilang Banda..

“Ano tampo ka pa rin ba sa akin! Sorry na nga eh! Epektib na nga yung mawt mawt! Wag ka na magalit, nagugutom na ko eh!” ang sabi ni Kulas

Habang nauunang naglalakad si Ionna at nagdadabog dahil nagtatampo kay Kulas dahil sa pagkapahiya nito.. ay bigla syang napatigil nang may naramdaman syang may paparating na panganib..

Nang biglang may malaking halimaw na sumulpot sa kanilang harapan.. pumwesto si Ionna na aakmang lalaban at inilabas ang kanyang sandata habang si Kulas naman ay tumago sa puno..

Nang aakmang kukuhanin sya ng malaking halimaw ay umakyat bigla si Ionna sa puno at tumawid sa sanga saka tumalon at pumwesto sa likuran ng halimaw. Sinaksak ni Ionna sa likura at nasaktan ang halimaw, napahiyaw ito sa sakit.. Tinangka nyang kunin si Ionna sa kanyang likuran ngunit nakatalon na ito at gumulong sa lupa saka inilabas ang sibat na binigay ni Sapphira Saka pinana ang halimaw. Sumakto naman ito sa puso kaya agad ring natumba at namatay..

“Ang galing galing mo! Paano mo nagawa iyon! bilib na talaga ako sayo! Amazonang amazona ang dating! Whew! Wag mong sabihin sa akin yan ang uulamin natin ngayon? “ ang sabi ni Kulas

“kelangan na nating bumalik, may nararamdaman akong panganib. Marahil may hindi na magandang nangyayari sa mga kasama natin!’ ang sabi ni Ionna

“Anak ng tipaklong naman oh! Kung bakit naman kasi tong mga halimaw na to eh ngayon pa sumulpot! Hayz! Di na naman ako makakakain! Whattalife!” ang sabi ni Kulas

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon