Chapter 43

906 20 0
                                    

Pinipilit ng mg Arwa na makawala ngunit sadyang napakatibay ng tube na transparent na un na kulungan nila..

Ang mga Ogno ay unti unting nagkakalaman sa tuwing nakakahigop sila ng dugo nila..

Nilabanan ni Turki ang mga Ogno, sinubukan nyang patayin ang mga ito ngunit nabigo siya, imbes na mabawasan ang mga napapatay niyang ogno ay lalo lamang ito dumarami..

‘Turki, mukhang mahihirapan tayong matalo itong si Ogno, imbes na kumonti na sila dahil napapatay mo ay lalo lamang silang dumarami..” ang sabi ni Toinkz

“oo nga kapatid, kelangan nating magi sip ng paraan sa paanong paraan natin siya matatalo” ang sabi ni Turki

“Una sa lahat kelangang pigilan natin ang pagdugo ng sugat natin..” ang sabi ni Toinkz

“Tama ka, pumunit tayo sa mga damit natin saka natin ito itali..bantayan mo ako at gagawin ko baka biglang may sumugod na ogno” ang sabi ni Turki

Pumunit sa damit si Turki saka inilagay sa brasong dumudugo ganun din kay Toinkz..

Sumugod ang Ogno para sugatan silang muli..

Mabilis na kumilos si Turki at napatay niya ito...

Ngunit nanatiling ganun pa rin..

...

Sa kabilang banda..

Binalita ng isang kawal ni heera ang nangyayari sa labanan nila ogno at ang kambal..

“hahaha! Sa wakas, mukhang si ogno na ang kasagutan ng lahat! Sya na ang makakapatay ng mga Arwa! Ngunit kelangan kong magi sip paano ko ring mapapatay si ogno nang sa gayon hindi ko na kelangang magpakasal sa kanya para lang makuha ko ang mga bato at pamunuan koa ng buong mundo!’ ang sabi ni heera

‘Sadya talang ang puso mo’y para lamang kay haring Ashmiro..’ ang sabi ng kawal at nabigla rin ito sa kanyang nasabi..

“intrigero! Wala ka na doon.. hala! Bumalik ka doon at balitaan mo pa ako!’ ang sabi ni heera

...

Sa kabilang banda..

“Hindi ko na mapigilan.. wahhh!! Ano gagawin ko?? Bahala na, takpan ko nlng ang ilong ko at sa bunganga ko nlng ako hihinga para di ko maamoy..’ ang sabi ni kulas

At sumabog na nga ang utot sa kanyang kulungan.. tanging siya lang nakakaamoy dahil nakakulob ito..

....

Nagpatuloy ang labanan ng kambal..

‘hahaha! Umasa kayong matatalo ninyo ako! At yan ang napakaimposible! Sa pinapakita ninyong lakas! Wala kayong binatbat!!” ang sabi ni Ogno

“yan ang akala mo, hindi kami susuko ng ganun ganon lang!’ ang sabi ni turki

“baka mapahiya ka lang! kaya dahan dahan ka sa yabang mo at baka kainin mo rin mga sinasabi mo!” ang sabi ni Toinkz

Sa di inaasahang pangyayari, tumitindi ang sugat ng mga kambal dahil sa dami ng ogno ay di na nila minsan napapansin ang ibang sumusugod sa kanila na syang ikinasugat nila..

“Toinkz, kaya mo pa.. ingat ka lang..wag kang susuko..” ang sabi ni Turki

‘kaya pa kambal, ngunit tumitindi ang natatamong sugat natin at lalo lamang lumalakas si ogno..” ang sabi ni Toinkz..

Sa paghugot muli ni Toinkz sa kanyang espada ay may nadiskubre sya..

....

Sa kabilang banda..

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon