CHAPTER 2: Aqua Marie at Ang Kambal

4.1K 86 7
                                    

CHAPTER 2:

Pagpasok nila, namangha ang dalawang magkaibigan..

“Pakner ang lawak naman dito… yung liit ng bahay at islang iyon pagpasok mo parang isa pang mundo sa loob ng isang mundo.. kakaiba.. ang gulo ko pero gets mo naman diba ibig kong sabihin..” ang sabi ni Kulas

“oo naman.. nakakamangha nga.. di nga siya baliw.. hehehe..” ang sabi ni Amanda..

Nauunang naglalakad si Ionna at nakita nila ang isang dagat, dali daling pumunta sina Kulas at Amatz sa dagat para uminom..

“uhmm kakaibang tubig, hindi maalat..” ang sabi ni Kulas

“oo nga at ang ganda pero bakit sa banda roon ang dilim…” ang sabi ni Amanda nang Makita niya ang isang bahagi ng gubat na napakadilim..

“halos kalahati na ng mundo’y nababalutan na ng dilim.. konti na lang masisira na ang mundo nila, kaya bago mangyari iyon, kelangang may gawin na tayo…” ang tugon ni Ionna..

“Pero paano?” ang sabi ni Kulas

May narinig silang kumakanta sa bandang kaliwa nila at nang napalingon sila’t tinangkang lumapit ay nakita sila agad ng sirenang iyon at tumalon at bumalik sa tubig..

“Wag kang matakot, ako si ionna anak ni Haring Tarwo.. kaibigan ako ni Emeral Mering, andito kami para tumulong sa inyo” ang sabi ni ionna..

Unti unti namang lumabas ang sirena dahil kilala niya si Tarwo dahil kaibigan nila ito at minsan nang tumulong sa kanila..

“ ikaw ang anak ni Tarwo? Buti’t naririto na kayo, nawawalan na ko ng pag asa.. hindi ko alam paano ko matatagpuan sina Perry gayong andito ako sa dagat..” ang sabi ni Aqua Marie na isang sirena..

“kaya pala ang lungkot ng himig ng kanta mo..” ang sabi ni Kulas..

“hindi ko alam kung anong kantang sinasabi mo, pero marahil ang narinig mo’y isang iyak na may puno ng pag aalala..” ang sabi ni Aqua..

“Ano ang dapat naming gawin upang makatulong kami sa inyo..” ang sabi ni Ionna..

“eto ang batong Aquamarine.. kelangan mong mahanap si Perry at iabot ito, kelangan ninyong kumpletuhin ang mga bato.. hindi ako makatulong dahil naririto ako sa dagat.. kelangan ko ring makita si Perry dahil nasa kanya ang agimat na bato para mapagaling si Haring Beryl, ang aking kapatid, kaya sana ipaalam ninyo ito kay perry tungkol sa kalagayan ng aking kapatid.. may misyon din akong dapat gawin dito sa lupa.. ang pinsan kong si Katerina Pearl,matagal nang nawawala nang minsa’y nahulog ang kanyang loob sa isang lalakeng nangangalang siam, prinsipe’t may kapangyarihang apoy, sa kabiguan kaya ito naglayas, kelangan ko pa syang hanapin” ang tugon ni Aqua Marie

Natulala si Kulas dahil nagagandahan ito kay Aqua..

Winagayway naman ni Amanda ang kamay niya para icheck kung nakakakita pa ba si kulas dahil napuna nito na hindi ito kumikilos at nakatulala, hanggang sa ginulat nia ito..

“Hoy! Anong nangyayari sayo? Tulala ka dyan..” ang sabi ni Amanda..

“ang ganda niya.. Dyosa sa lahat ng mga Dyosa.. bakit walang ganitong babae sa mundo natin.. hayz..ayaw ko na umuwi pakner.. heheh dito na lang ako..” ang sabi ni Kulas

“adik ka, delikado na nga mundo nila kung anu ano pa sinasabi mo dyan..” ang sabi ni Amatz..

“Pero nais naming malaman ang buong pangyayari sa inyong lugar” ang sabi ni ionna kay Aqua

“pumunta kayo sa gubat, may puno sa gitna ng batis na umaapoy at iyon ang makakapagsabi sa inyo nang buong pangyayari sa mundong ito.. pero hindi lahat ay masasabi niya, dahil didipende iyon kung gaano niyo kakayanin ang init ng tubig ng batis..” ang sabi ni Aqua

At nagpaalam na nga sila kay Aqua, at huling mensahe na lamang ng sirena na pag kelangan nila ng tulong, bumulong lamang sa mga isda at darating siya..

Napadpad sila sa isang masukal na gubat.. ramdam nila na ang bawat halaman at puno ay parang umiiyak.. naramdaman nila na sa mundong ito’y may pakiramdam ang bawat nilalang.. rinig nila ang hiyaw ng mga ito.

Natagpuan na nga nila ang punong umaapoy sinubukan na nilang sumuong sa batis at ramdam nga nila ang init nito.. biglang lumitaw ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa puno at nag flashback sa utak nila ang buong pangyayari sa mundo ng mga arwa..

At ito ang ipinakita ng puno sa kanilang isipan…

sa unang ulap ay may isang kaharian. Ang pangalan ng hari doon ay si Haring Ashmiro, isang anghel na nakapag asawa ng isang tao, nagkagusto si Haring Ashmiro sa isang babae ng minsang napadalaw ito sa mundo ng mga tao at idinala nya ito sa kanyang kaharian at namuhay sa gems world. Nang manganak ang asawa nito, tuwang tuwa si Haring Ashmiro dahil inilabas itong malusog at gwapong gwapo batang lalake na pinangalanang “Turki”, katulad rin nya ang batang sanggol na may pakpak na parang isang anghel. Kagabihan sumakit muli ang tiyan ng asawa ni Haring Ashmiro, nag alala ito at di alam kung ano ang nangyayari, nang biglang may lumabas muling bata at umiiyak. Nakita nito ang isang sanggol na may itim na pakpak. Nalungkot sya sapagkat ito na ang kabayaran sa pag aasawa nya ng isang tao at pagbaba mula sa langit.

Sa panganganak ng ina ni turki sa kanyang kakambal doon na rin binawian ito ng buhay na syang ikinasama lalo ng loob ni Haring Ashmiro. Binitbit ni Ashmiro ang sanggol  at dinala sa liblib na gubat, nais nya sanang iwan, ngunit di naman kinaya ng kanyang konsensya, di rin nya magawang patayin. Habang nasa gubat sya at nag iisip kung ano ang dapat nyang gawin ay biglang dumating ang Reyang si Heera noon pa man ay may gusto na kay Haring Ashmiro, naisip nya biglang ibigay ang bata sa Reynang iyon at tinanggap naman nito.

Nung nakalaunan nadiskubre din ni Reyna Heera na wala ng asawa si Haring Ashmiro at ninais nyang mapasakanya ito. Sa tuwing nabibigo sya kay haring ashmiro ay sinasaktan nya ang ampon nyang bata na kakambal ni turki na pinangalanan nyang si toinkz. Sa tuwing sinasaktan nya ang bata ay nagkakaroon din pala ng sugat si turki na syang ipinagtataka ng ama nito kahit wala namang ginagawa si turki para ikasugat nya. Naisip bigla ni Haring Ashmiro ang kakambal nito kung kaya’t dali dali syang lumipad patungo sa Reyna sa takot na matuluyang mawala sa kanya si turki na natitirang alaala ng kanyang asawa. Pilit nyang binabawi ang bata ngunit ayaw na itong ibigay ng Reyna at humihingi na ito ng kapalit na asawahin sya. Tumanggi si Haring Ashmiro at hiniling na lamang ng Reyna na kunin ang mga bato sa pintuan ng ikasampung ulap kung saan pinanggagalingan ng mga bahaghari at nagsisilbing liwanag sa kanilang lugar na nagbibigay buhay sa kanila. Iniutos rin nito na kunin ang mga bato at ibigay sa kanya. upang pamunuan na nya ito. Tinanong ni Haring Ashmiro paano nya makukuha ang mga batong ito kung wala syang kakayahang makuha ang mga ito dahil ang pagkakaalam nya tanging si Haring Aviro (ang ama ni perry) ang may alam kung saan ang ikasampung ulap.

Inamin ni Reyna Heera na kapatid nya si Haring Aviro kung kaya’t alam din niya kung nasaan ang ikasampung ulap. Itinakwil si Reyna Heera ng ama nila ni haring Aviro dahilan sa kanyang kasamaan kaya ngayon sya’y naghahasik ng lagim. Alam nya na ang susi upang makuha at maiangat ang mga bato sa kani kanilang lugar sa pintuan ay mayroon pang pinakasusi at iyon ang agimat na hawak ng ama ni Perry, ngayon lang nalaman iyon ni Haring Ashmiro, kahit sya’y isang matalik na kaibigan ni Haring Aviro ay hindi sa kanya naikwento ang tungkol dito, ang tanging alam lamang niya ay nakakagaling ang batong agimat na iyon kapag may nagkakasakit sa kanilang lugar.

Dali dali namang pumunta si Ashmiro upang kunin ang agimat sa kanyang matalik na kaibigan. Kinausap nya ang ama ni Perry at sinabing may sakit ang kanyang anak na si turki at nais nyang hiramin ang agimat nito, bagamat tanging ang pamilya lamang ni Perry ang nakakaalam tungkol sa pintuan sa ikasampung ulap  kung kaya’t napapayag nyang hiramin ang agimat sa kadahilanang malaki rin ang tiwala nya sa kanyang matalik na kaibigan.

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon