CHAPTER 3: ANG MGA BATO

2.9K 62 1
                                    

Chapter 3:

Tanging pagmamahal sa anak lamang ang nag udyok sa ama ni turki upang gawin ang pagtatraidor sa kanyang kaibigan, bagamat labag sa kanyang kalooban ngunit kailangan nya itong gawin upang mailigtas ang kanyang mga anak.


Lumipad na ang ama ni turki dala dala ang agimat upang kunin ang mga bato sa pintuan ng ikasampung ulap. Sinunod niya ang turo ni Heera kung saan matatagpuan ang pintuan. Nang makarating sya doon ay inilabas nya na ang agimat at nakita nya na umilaw ito at nagkonekta ang ilaw sa bawat bato sa pintuan ang agimat at gumalaw ang mga bato sa pintuan at unti unting sumunod palapit sa batong hawak ni Haring Ashmiro kaya nakuha nya ang mga ito at nagsimula ng magsara ang pintuan unti unti hanggang sa tuluyan na itong mabalutan ng dilim ang buong paligid dahil ang pintuang iyon ang nagbibigay lakas sa mga arwa at nagbibigay liwanag sa kanilang daigdig. Dali dali syang muling lumipad at upang ibigay kay Heera ang mga bato.

Naalarma si Haring Aviro dahil sabay sabay humiyaw ang mga puno’t halaman at alam niyang may nakialam sa mahiwagang pintuan. Dali daling pinuntahan ni Haring Aviro ang asawa ng kapatid nya at iyon nga ang ina ni Athena upang humingi ng tulong upang mbawi ang mga bato kay Haring Ashmiro. Di naman nagdalawang isip sumama ang ina ni Athena na si Reyna Zervina.

Lumipad na si Haring Aviro, isa kasing kalahating tao at kalahating kabayo na may pakpak ang pamilya nila perry kaya’t nakakalipad ang ama nito. Nakita nyang bitbit ni  Ashmiro ang mga bato kaya’t dali dali nya itong sinipa at tumalsik si Ashmiro, tumilapon ang mga bato at kumalat sa lupa at iilan lang ang nasagip ni Aviro kasama na roon ang agimat at isa ay hawak ni Ashmiro, habang pabagsak na ang katawan nito sa lupa ay tinira naman ng mga matutulis na mala crystal na sandata ni Zervina ang katawan ni Ashmiro na syang ikinamatay nito. lumipad ang batang si turki papalapit at umiiyak sa nasapit ng kanyang ama at nakausap pa nya ito bago tuluyang nawala. Hawak nya ang turquoise na bato at sinabing itago nya ito, binilin rin ng ama na wag sya magagalit sa mga nanakit sa kanya sapagkat sya naman ang may kasalanan at sinabi niyang ihingi sya ng tawad sa kambal niyang nakatira kay Heera at gawin niya ang lahat upang magsamang muli silang magkapatid.

Nalungkot din si Aviro sa sinapit ng kaibigan nya, gustuhin man niyang pagalingin ng kanyang agimat ngunit huli na ang lahat, binawian na ito ng buhay. Pumunta si Aviro at iniabot ang bato kay Zervina ang nasagip nyang diamante at sinabing itago muna ito pansamantala habang lulutasin nila ang problema ng kanilang lugar nang sa ganon, mahirapan si heera hagilapin ang bawat bato.

Nalaman ni Heera ang sinapit ni Haring Ashmiro dahil ibinalita ito ng kanyang mga kawal kung kaya’t nagalit ito ng husto at sinugod ang pamilya ni Athena. Hindi napaghandaan ng mga magulang ni Athena ang pagsugod ng Reyna kung kaya’t namatay rin ang mga ito. bago binawian ang Reyna Dali Daling binulungan nia si  glaukos glaux na isang owl na bitbitin ang sanggol at iligtas .. kinuha ng alaga nilang owl ang diamante at ipinatong sa sanggol at binitbit nito ang sanggol na si Athena, at lumipad habang nasa tuka nya ang isang tela na kung saan ay nakabalot si Athena.

Dinala nya sa malayong lugar sa isang kagubatan upang ilayo sa masasamang loob.

(vocabulary)

Arwa – ang tawag sa mga dugong bughaw at makapangyarihang nilalang sa kanilang mundo
Agwari- ang tawag sa walang kapangyarihan o ordinaryong nilalang sa kanilang mundo

……


Nagiging taong ibon din si owl kapag ito’y nagagalit o tuwing kailangang dipensahan ang sarili nya sa msasamang loob.

Nag aalala ng husto si owl baka kung mapaano ang sanggol sapagkat wala naman itong alam sa pag aalaga ng sanggol kung kaya’t muli syang lumipad at naghanap ng mabait na mag aalaga para kay Athena

Lumipad muli si owl (Glaukos Glaux) at tumungo sa isang simpleng tahanan ng mga Agwari at sinubaybayan nya ang isang pamilya, nang masiguro nyang may kabutihang loob ang pamilyang iyon sa ilang araw nyang pagsubaybay, naisipan narin nyang lumipad palapit at bitbit ang sanggol na si Athena.

Nakita ng isang dalagang babae ang isang ibon na may telang bag na bitbit nito, nilapitan nya at kinuha ang bag, bumungad sa kanya ang sanggol.

Natuwa ito at inalagaan nya at tinanggap naman ng buong puso ng pamilya ng babae ang sanggol. Pinangalanan nila ang sanggol bilang Adamas dahil ang ibig sabihin non ay diamante, sapagkat nakita nila ang diamanteng iyon sa sanggol. Unti unting lumalaking mabuting bata si Adamas, nang minsang naglalaro si Adamas sa bakuran nila, may napadaang matandang babae na may peklat sa mukha, natuwa sya kay Adamas at nilaro niya’t kinakausap, sa kainosentehan ni Adamas at di sinasadyang napahawak sya sa mukha ng babae ay biglang nawala ang mga ito. Naging makinis at tuluyang naglaho ang peklat. Nagulat at nakita iyon ng nag ampon sa kanya pati na rin ang matandang babae kung kaya’t napaiyak sya at nagpasalamat.

Doon napagtanto ng lahat na si Adamas ay may lahing Arwa.

Lumaki si Adamas na tanging si glaukos glaux lang ang kalaro niya at kasa kasama. Hindi rin nya nalaman ang buong pagkatao nya, hindi rin iyon nababanggit ng kanyang ibon sapagkat nais nitong protektahan si Adamas. Kahit ang kinikilalang magulang nito ay hindi rin nabanggit sa kanya ang tunay nyang pagkatao.

.....

Noon.., 

Nang umuwi si Haring Aviro sa kanilang kaharian, nung araw ding namatay si Ashmiro ay ibinilin niya kay Perry na pagdumating siya sa tamang edad ay siya ang mangangalaga ng agimat at ang batong Peridot nang sa gayon, anumang mangyari kay aviro alam niyang ligtas ang mga bato dahil alam nyang hindi titigil si Reyna Heera na maagaw nya ang mga bato mula sa kanya. Sinadya ni Avirong ikalat ang batong nasagip niya upang mayroon pang pag asang mailigtas ang kanilang mundo kapag napag sama iyon ni Perry balang araw..

Batang bata pa si Perry noon at lumipat na sila ng tahanan para hindi sila maabutan ni Heera. Nakipagkita si Aviro sa mundo ng mga tao at noon pa man ay kilala niya na si Tarwo upang ipaalam dito ang naging problema nila sa kanilang mundo.

Si Tarwo ang ama ni Ionna, noon kasi sa kakulitan ng ama ni Ionna ay napadpad na sya noong bata pa ito sa mundo nila Aviro, at naging kalaro niya ang mga ito at madalas doon na sya naglalagi kung kaya’t hirap na hirap laging hanapin sia ng mga magulang nya. Hanggang sa lumaki siya na itinuring na nyang pangalawang tahanan ang gems world.


.....



Sa kabilang banda..

Hinanap muli ni Haring Aviro (ama ni Perry) ang Reyna ng kadiliman na si Heera upang puksain ito.
Di na nya ito pinatagal pa at pinlano na nyang puntahan ito sa mismong kaharian nito. Nang napadaan sia sa isang liblib ng kagubatan, di niya inaasahan na nakahanda pala ang Reyna at doon ay nakita sya, Nagulat si Haring Aviro sa pagdating ng Reyna, nagkaroon na ng bangayan dahil di matanggap ni Heera ang pagkawala ng kanyang minamahal na si Haring Ashmiro at isinisisi niya ito Kay Aviro sa pangengealam, kahit na sila ay magkapatid noon pa man ay pinutol na ni Heera ang pagiging magkapatid nila nang simulang itinakwil sya ng kanilang mga magulang dahil sa kasamaan nito. Kaya para sa kanya, wala na syang kapatid at magulang at handa syang patayin ito kahit pa na kapatid nya si Aviro.

Nilabas na ni Heera ang kanyang kapangyarihan at tinira nya si Aviro, umilag si Aviro pero di magawang gumanti ni Aviro dahil nananaig pa rin sa puso nya ang pagiging magkapatid nila.

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon