Chapter 18

1.1K 30 0
                                    

“Toinkzzzzzzzzzzzz””” ang sigaw ni Amatz

Gumagapang gapang si Amatz at pilit nito na lumapit kay Toinkz na kasalukuyang nakahandusay sa lupa at nahihirapan. Biglang tinapakan ni Heera ang kamay ni Amatz at napasigaw ito ganun din si Toinkz nang Makita nya ang ginawa ni Heera... Nahihirapan din kumilos si Turki ngunit pinipilit nyang ilabas ang kanyang kapangyarihan upang masugpo nito si Heera.. Ngunit bigla syang inunahan ng kawal ni Heera..

“WAaaaaaagggggg!! Bakit mo tinamaan!” ang sabi ni Heera sa kawal nito

“Bakit Reyna? Mali ba ginawa ko, tatamaan nya kayo..” ang paliwanag ng kawal ni Heera

Alam ni Heera na kapag sinaktan nya ang anghel na iyon ay ganun din mangyayari kay Toinkz, kahit papaano ay ayaw rin nya munang mawala si Toinkz dahil alam nyang magagamit pa nya ang anak anakan nya.

Hindi na sumagot pa si Heera sa kanyang kawal, dali dali na lamang sya lumingon kay toinkz at tingnan kung buhay pa ito..

Humagulgol sa iyak si Amatz nang Makita nya ang nangyari kay Toinkz, sa galit ni Heera ay muli nyang hinampas ng latigo si Amatz.

Nang biglang...

“Reyna! May paparating!” ang sabi ng kawal

Inilabas ni adamas ang kanyang kapangyarihang mga matutulis na bagay na lumalabas sa kanyang mata na nakakasugat at nakamamamatay!

Nilabas rin ni Perry ang kanyang sibat na kapag tinira nya ay tatlo tatlo agad ang namamatay..

“Reyna! Umalis na muna tayo! Bumalik na lang tayo sa ibang araw dahil hindi sapat ang kawal na dala natin.. “ang sabi ng isang kawal

“Sige! Hindi ko rin naman akalaing may mga makikisawsaw! “

Biglang naglaho si Heera at naiwan ang iilang kawal nito..

Naubos rin nila Adamas at Perry ang mga kalaban at naiwan na lamang na nakahandusay doon sina Turki at Amatz na malapit kay Toinkz

“Natakasan tayo ng Reyna Heera na iyon!!” ang sabi ni Perry

“kawawa naman sila, Perry.. diba may alam ka sa paggamot tulad ng ginawa mo kay Owl.. pwede mo bang gamutin itong dalawa. “ ang sabi ni Adamas na kasalukuyang nakatingin kina Amatz at Turki

“bakit sila lang dalawa?”

“bakit ? meron pa bang iba?”

“Ito pa isa oh! Hindi ba’t gagamutin din natin sya dapat?” ang sabi ni Perry

“eh bakit pa! Tingnan mo nga itsura nyan! Halatang kasapi yan ni Heera! Isa syang halimaw!” ang sabi ni Adamas

“Adamas!! Hindi maganda na tumitingin tayo sa panlabas na kaanyuan! Wala tayong alam sa kanyang pagkatao! Hindi natin sya lubos na kilala pa..” ang sabi ni Perry

“Pero perry, halata namang masama syang tao! Hindi sya dapat mabuhay! Ang mga ganyan ay dapat nang mamatay!

“Patas akong nilalang Adamas, hangga’t walang ginagawa sa akin, ay hindi ako dapat manghusga ng kapwa ko.. malay natin ay panlabas nyang kaanyuan lang pala nya ang pagiging halimaw ngunit may ginintuang puso rin naman pala o di naman kaya ay nais na magbago ngunit hindi lamang sya napagbigyan ng pagkakataon..”

“Ang dami mong haka haka! Mamaya pag binuhay mo yan! Tayo naman ang nakahandusay! Bahala ka dyan!” ang pagmamaldita ni Adamas

“Adamas, tingnan mo ang mga sugat nya! Lahat ay sa likuran, mukhang pinagmalupitan sya at hindi sya lumaban..” ang sabi ni Perry

“hmm.. ngayon eh hindi lang pala halamang gamot ang pinag aaralan mo, pati pag aanalisa ng naging sanhi ng sugat ay inaalam mo na rin..” 

“Ano kaya kung gamutin mo muna itong babaeng ito at saka na itong mga lalakeng ito.. para malaman natin mula sa kanya kung mabuti ngang tao sya o hindi” ang sabi naman ni Adamas

“Adamas, ang babaeng ito ay isang tao, pag pinagaling ko yan ay hindi pa rin sia magigising dahil ibang nilalang yan at hindi sya tulad natin, pag ginamit ko ang agimat ko ay hindi nangangahulugan eh gagaling sya agad, baka matagalan pa, ngunit pag ito ang pinagaling ko gamit ang aking kapangyarihan, ngayon din ay malakas na sila..” ang paliwanag ni Perry ngunit pinagaling na rin niya si amatz ng kanyang kapangyarihan gamit ang agimat ngunit hindi pa rin gumising si Amatz kahit nawala na ang kanyang mga sugat..

“Sige pagalingin mo muna itong anghel na ito, mukhang ito pa ay mabait, saka mo buhayin yang halimaw, para tatlo tayo laban sa isa!” ang paliwanag ni Adamas

Sumunod naman si Perry, ginawa nga nya’t inilabas nya ang agimat niya at pinagaling si Turki.. Nang biglang lumiwanag at biglang lumakas muli si Turki.

“Maraming salamat ginoo! Utang ko sa iyo ang aking buhay..” ang sabi ni Turki

“Walang anuman iyon, ako nga pala si Perry”

“Ako naman si Turki”

“Ano bang nangyari dito..”

“ah! Uh.. Sinugod lang naman kami ng mga kawal ni Heera..”

“Ganun ba.. ito bang ...” hindi natapos ni Adamas ang kanyang sasabihin ng biglang..

“ Pagpaumanhin nio po, kelangan ko ng umalis, hindi na ko magtatagal pa, may importante lang akong aasikasuhin! Umaasa akong magkikita tayong muli at maraming salamat muli sa inyo!” ang pagmamadaling sinabi ni Turki..

“Naku po! Tayong dalawa rin pala maiiwan! Tara na nga Perry! Wag mo na kasing pagalingin pa iyong halimaw na iyon eh! Nakatulong na nga tayo kay Turki at ang babaeng iyon na lamang ang tulungan natin at dalhin natin para mabantayan natin hanggang sa gumaling sya..” Paliwanag muli ni Adamas

“Sino kayo!! Bakit kayo naririto! Anong ginagawa nio rito?” ang sabi ng boses na nagmula sa kanilang likuran..

Nagtinginan ang dalawa na parang nagtataka na kanino kaya ang boses na iyon at nang napalingon sila..

“Naku! Paano ka nabuhay? At nawala ang iyong mga sugat?” ang pagtatakang sabi ni Adamas

“Hindi ko rin alam kung ano nangyayari! Pero sino muna kayo at ano ang ginagawa ninyo rito?” ang tanong muli ni Toinkz

“Kami? Ako nga pala si Adamas at ito naman ang pinsan kong si Perry”

“Tumigil ka nga Adamas!” ang sabi ni Perry

“Bakit totoo naman ah!”

“Hindi tayo mag pinsan!! Mamaya tayo mag usap!”

“Anong di magpinsan!! Sinungaling!”

“Hindi ako sinungaling at kelanman hindi ako nagsinungaling sa iyo! Lahat ng sinasabi ko para saiyo ay lahat iyon ay totoo at kahit pa nung sinabi kong mahal kita... kaya kong panindigan iyon!” ang sabi muli ni Perry

“TEekaa! Naguguluhan ako! Bakit ba kayo nag aaway! Nagtatanong lang ako kung anong nangyari at nasaan na ang aking ina at mga kawal namin.. nasaan na si amatz? Buhay pa ba sya?” ang sunod sunod na tanong ni Toinkz

“nanay mo si Heera? Kawal nio ang kinalaban namin kanina?? Sinasabi ko na nga ba sayo Perry eh! Nagbuhay ka lang ng kakalabanin natin ngayon..”

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon