Chapter 24

1K 23 0
                                    

Dito tayo pumasok!” ang sabi ni Ionna at itinuro ang maaliwalas na daan..

“Hindi! Dito tayo papasok!” ang sabi naman ni Katerina at pinili ang madilim, masukal at lubak na lubak na daanan

“Edi dyan ka pumasok! Sino sasama sa akin?” ang sabi ni Ionna na halatang siguradong sigurado sia sa napili nya

“Awww ang hirap naman pumili sa inyong dalawa, lalong humirap at naghiwalay pa kayo. Tsk. Tsk... parang mas mahirap pa kesa ang mahalin kayong dalawa... wala na bang madaling tanong??” ang sabi ni Kulas

“uhmm parang napakahirap nga naman na tanong iyan.. dapat sama sama tayo at walang mahihiwalay..” ang sabi ni Sapphira..

“Eto ang dapat na daan dahil maaliwalas, magiging matiwasay ang paglalakbay” ang sabi ni IOnna

“Ionna, hindi sa lahat ng oras lagi tayo magpapalinlang sa mga magagandang nakikita ng ating mga mata.. Minsan ito pa ang magpapahamak sa atin, na akala nating maganda ay ang magpapatiwasay o magpapagaan ng trabaho natin.. Kung nagsimula tayo sa hirap at puno ng pagsubok, tiyakin mo sa dulo nito ay may maaliwalas na paligid at may sinag ng araw” ang sabi ni katerina

“Kung sabagay may punto ka doon Katerina.. Ionna.. Hindi ko sinasabing mali ka at tama si Katerina.. Pero kelangan nating magkaisa at pumili ng sa tingin natin kung ano ang dapat, hindi natin kelangang magpagalingan dito bagkus magkaisa para sa itatagumpay natin..” ang sabi ni Sapphira..

“Nay Sapphira, gusto ko lang naman po makatulong at ito nga ang sa tingin ko ang tamang daan.. Ayos lang sa akin kung ayaw ninyong lahat sumama, pero nais kong patunayan sa inyo na kaya ko ring ipagtanggol ang mundong ito.. magkita kita na lang tayo sa bulkan, kung sino po mauuna at makakaligtas” ang sabi ni Ionna at di na inantay ang kanilang sasabihin at nagpatuloy na ito sa paglalakad patungo sa daang napili nya

“Oi Ionna!! Wag ka nga magpakabayani!! Hindi ka si Rizal para gawan nila ng monumento dito!! Sumama ka na sa amin! Sama sama tayo!! Sige ka pag di ka sumama, hindi lang kili kili ko idudutdot ko sa face mo! Pati na rin pwet ko!” ang sabi ni Kulas at pilit pinipigilan si IOnna pero talagang desidido na si Ionna sa kanyang napili..

Nauna na si IOnna at ang tatlo ay nag iisip kung susundan ba nila si IOnna o magpatuloy na lang din.. Napagdesisyon nilang magpatuloy na lang sa kanilang napili..

Nang pinasok nila ang daang madilim at lubak lubak.. ay wala namang mga halimaw o masasamang loob na nagnasang patayin sila.. hindi pa sila nakakaabot sa kalagitnaan ay napatigil na si Kulas..

“mga tropapipz!! Di kaya ng konsensia kong iwan na lang natin basta basta si Ionna.. Mali man o tama ang kanyang napili pero dapat magsama sama tayo hindi ba?? Tayo na lang siguro ang magparaya.. Nararamdaman kong wala ngang panganib rito at tama ang napasok natin, kaya nag aalala akong mali nga ang napili ni Ionna at nag iisal ang sia.. kelangan nia tulong natin..Maaari ba tayong bumalik??” ang sabi ni Kulas

“Sige Kulas, tama ka sa sinabi mo.. babalikan natin sia at tulungan sa maaaring panganib na nag hihintay sa kanya..” ang sabi ni Katerina..

“payag ako dyan sa sinasabi nio. Bilisan na natin bago pa mapahamak si Ionna..”

Sa Kabilang Banda..

Nang makapasok na si IOnna sa daang pinili nia, napakaaliwalas nga ang daan.. maraming paru paro, bulaklak at maliwanag..

“Ang ganda naman dito, mala hardin ang dating.. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila dito, ang ganda ganda kaya!!” ang sabi ni Ionna sa kanyang sarili..

Maya maya sa patuloy niyang paglalakad ay biglang may kamay na lumabas sa lupa at hinatak sya.. Biglang nagkaroon ng kumunoy.. dumilim ang paligid. Ang mga paru paro ay naging mga paniki! Ang mga bulaklak ay naging mga ahas..

Takot na takot si Ionna ngunit pilit nyang lumaban, kaso kulang ang lakas nya para makaahon at huli na ang lahat kunin ang kanyang sibat dahil unti unti na syang lumulubog sa kumunoy..

“Tulong!!!! Kulas!!!!! Katerina!!!! Nay Sapphira!!! Naku!! Makakaligtas pa kaya ako dito??” ang sabi ni Ionna.

Makakaabot kaya sina Kulas??

Sa Kabilang banda..

“Saan ba tayo pupunta?” ang sabi ni Toinkz

“Hahanapin natin ang mga kasama ni Amatz para tumulong sa paghahanap ng bato..” ang sabi ni Perry

“Alam mo ba kung nasaan sila toinkz?” ang sabi ni Amatz

“magtatanong ba ako kung alam ko??” ang sabi ni Toinkz

“Aba!! Malay ko ba! Lasing ako nung kinuha mo ko! Dapat alam mo kung saan mo ako huling kinuha!! Nyemas tong halimaw na to sarkastiko!” ang sabi ni Amatz

“Marahil wala na sila doon dahil matagal tagal na rin atang napahiwalay ka..” ang sabi ni Adamas

“Sige! Lumipad na lang tayo at suyurin natin ang gubat, maging matalas ang inyong mga mata at tingnan kung may makikita kayong mga bakas... “ang sabi ni Perry..

Makalipas ang ilang minutong pag iikot nila..

“Perry, parang mga sibat ung nandoon sa mga punong iyon oh..” ang sabi ni Adamas

“sige baba muna tayo at suriin ang paligid..” ang sabi ni Perry

Pagbaba ng apat ay sinuri nga nila ang paligid kung may mga bakas silang matatagpuan..

Nakita nila ang nahulog sa lupa ang sibat ni Ionna..

Nakita rin nila ang bakas ni SApphira..

Nakita rin nila ang mga patak ng tubig sa lupa ni Katerina..

At ang huli.. Naamoy ni Amatz ang amoy ni Kulas.. hahaha!! 

...

“Andito nga sila!! Dito nga sila dumaan.. magmasid masid tayo, maaaring andito pa sila, parang kadadaaan lang nila” ang sabi ni Amatz

Nakita ni Adamas ang nag iisa at kakaibang bulaklak.. alam niyang bibihira lang ang bulaklak na ito sa kanilang mundo at piling pili lang sa mga lugar ito tumutubo.. At itong bulaklak na ito ay alam niyang may kakayahang magsalita..

“Bulaklak.. alam mo ba kung saan dumaan ang mga manlalakbay?” ang sabi ni Adamas

“oo at ang sabi nila sa akin ay pupunta sila sa bulkang chorva” ang sbi ng bulaklak

“Alam ko iyon!! dahil doon tinapon ng aking ina ang batong Sapphire!” ang sabi ni Toinkz.

“ngunit dalawa ang daanan ang matatagpuan ninyo na siyang magpapalito sa inyo..” ang sabi ng bulaklak

“alam ko! Dahil ang nanay ko ang gumawa ng daanang iyon para walang sinuman ang magtangkang kunin ang batong iyon..” ang sabi ni toinkz

“ wow!!! Ang galing galing naman ng devil ko!! Uhmm another 10points plus may bonus na tsup sa akin!hihihi..total 20points ka na!! Pag naka 100 ka, love na kita!” ang sabi ni Amatz

“kahit na alam mo ang daan, kelangan ang piliin natin ay ang sa tingin nating pinili nila..kelangan natin sundan sila at mailigtas kung nagkamali sila sa kanilang napiling daan..” ang sabi ni Perry

“Doon na lang tayo sa maling daan, pareho lamang din iyon na makakarating sa bulkan ngunit puno lamang ng panganib... “ang sabi ni Toinkz

“Naku matindi palang labanan ang kakaharapin natin..” 

“lugi naman ako, wala akong kapangyarihan, kundi halay lang!” ang sabi ni Amatz

....

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon