Chapter 40

965 21 0
                                    

Pinuntahan ng mga Arwa si Haring Beryl... Nilapitan ni Perry at ni Haring Aviro..
Kilala ang pamilya nila Perry bilang mga magagaling manggagamot sa kanilang lugar dahil nang nagsimulang naghasik si Heera ay minabuti na nilang hindi masyadong gamitin ang agimat.. Nag aral si perry simula nung bata pa ito tungkol sa mga halamang gamot at doon nga niya natagpuan si Adamas sa gubat nang minsang pinag aaralan niya ang mga halaman, na sya ring natutunan niya sa kanyang Ama..

Sinubukang pagalingin ni Haring Aviro at ni Perry si Haring Beryl.. ngunit hindi pa rin ito nagigising..

“Perry, tingin mo epektibo yang gamot na yan?” ang sabi ni ADamas

“Ikaw naman mahal, parang wala kang bilib sa akin..hindi kasi katulad ito ng agimat.. ang agimat ay ilang Segundo lang magigising na sya.. samantalang ang gamot na ito ay hihintayin pa ang araw bago malamang epektibo..” ang sabi ni Perry

“hindi naman ganun kalala ang kanyang sakit, pahinga na lang kelangan nya at gagaling na rin sya” ang sabi ni Haring Aviro

“Buti naman kung ganoon.. atleast manunumbalik na muli ang sigla ng kanilang karagatan at may mamumuno na sa kanila..” ang sabi ni Sapphira

“Maraming salamat sa mga tulong ninyo mga kapatid, kung hindi dahil sa tulong ninyo marahil inulam na kami ni Obwarga..” ang sabi ni Aqua

“Nyemas na pugita iyon! buti na lang ang galing galing ng mahal ko, pero infairness ang tindi ng kaba ko sa iyo ah! Kala ko mabubyudo na ko eh!” ang sabi ni Kulas

“Hoy! Byudo ka dyan, parang kinasal na kayo ni katerina ah!” ang sabi ni Amatz

“Wag ka na nga kumontra! Di na nga nila alam un eh! Kaw tlga!” ang saib ni Kulas

“Gusto mo kagatin kita dyan! Nagsimula ka na naman kulas ah!” ang sabi ni Katerina

“Mahal naman, maya na tayo magkagatan.. andito pa sila eh! Ikaw naman excited!!” ang pagbibiro ni Kulas
Nagkatawanan ang lahat hanggang sa nag ipon ipon muna ang mga Arwa sa tabi ng karagatan para makasali sa kasiyahan si Aqua, habang si Haring Beryl ay namamahinga sa di kalayuang kweba..

Nag siga si Sapphira sa gitna na pinaglilibutan nman ng mga Arwa..

“Magkantahan tayo!! Para masaya!” ang sabi naman ni Kulas

“Anong kakantahin??” ang sabi naman ni Ionna

“Sumayaw ka na lang, yung sayaw ng tribo nio. Hehehe!” ang pang aasar ni Kulas

Nagsimula ang kasiyahan ng mga Arwa, habang si Kulas ay nagpapatunog gamit ang kilikili nya at nakatayo ito kasama ni Amatz sa gitna para kumanta rin.. si Toinkz naman ay nagpapalobo ng pisngi saka pinupukpok para makabuo ng tunog na itinuro sa kanya ni Amatz.. si Turki naman ay pinapalo ang kanyang kandungan na parang drums.. si Perry naman ay pumapadyak padyak... Si Adamas naman ay naglabas ng maraming crystal at pinapalo palo para patunugin ito isa isa..si Gla-gla naman ay pumapagaspas.. Si Aqua naman gamit ang kanyang napakagandang boses at nagbuo ng himig..Si Ionna naman ay pumapalakpak na umaakma sa bit..Si Katerina ay pumipitik pitik.. Habang si Amatz ang kumakanta ng isang awiting alay sa pagkakaibigan kasama si Kulas..Itinuro ni Amatz ang tamang bit para gumanda ang kinalabasan ng kanilang pagsasama sama ng tugtog... Si Nay sapphira at si Haring Aviro ay masayang nanonood sa kanila..

At kumanta na nga si Kulas at Amatz...

“SALAMAT SA IYO KAIBIGAN”

sung by: Gagong Rapper (pakinggan nio sa youtube maganda sia)

Tulad ng gintong sinubok sa apoy
Tunay kang kaibigan sa saya at panaghoy
Tulad ng kawayang hindi maitumba
Nang hampas ng bagyo ganyan ang ating pagsasama

Lagi kang nandiyan aking mga pighati
Isang akbay mo lang ako ay napapangiti
Ang ating samahan di ko kayang ipalit
Ito'y isang hiyas na kailanma'y di wawaglit

Sa puso sa isipan parte na ng aking buhay
Iingatan ka maging ako'y sumakabilang buhay
Panahon ay lilipas mga daho'y malalagas
Subalit kaibigan tulad mo'y hindi kukupas
Higit pa sa kapatid ang ating turingan
Ako'y iyong hinubog sa pawang kabutihan

Sadyang binusog mo sa mga katuwiran
Sa lahat ng 'to salamat sa iyo kaibigan..

Salamat sa iyo kaibigan sa mabuting natutunan
Di mo ko pinabayaan di rin naman kita malilimutan
Salamat sa iyo kaibigan sa mabuting natutunan
Di mo ko pinabayaan di rin naman kita malilimutan

Magkatuwang at magkasangga
Sa simula't sapul matalik na magkababata
Napakatibay di kayang sirain
Tiwala ko sayo at tiwala mo sa akin
Mapasaan at mapakailan
Sa kabulaanan di kita nasumpungan

Ang katapan mo ay siyang aking lakas
Sikat ka ng araw liwanag sa aking landas
Marami akong natutunan sa iyo
Kung pano rumispeto at maging makatao
ikaw ay biyayang sinabog ng Diyos
Mabuti ang puso sa pag ibig ay puspos

Ako'y nalulugod pagkat aking talastas
Ikaw ang kasama ko sa bawat pagtuklas
Nang mga bagay at kaganapan
Sa buhay kong ito hindi kita malilimutan
Salamat sa iyo kaibigan sa mabuting natutunan
Di mo ko pinabayaan di rin naman kita malilimutan

salamat sa iyo kaibigan sa mabuting natutunan
Di mo ko pinabayaan di rin naman kita malilimutan

Kung paano kumislap ang tubig sa batis
Gayon kabusilak ang iyong pagnanais
na lalong lumalim ang ating ugnayan
na di mo papayagang sino man ay yurakan
Haluan ng dungis ang tipan na kay linis
Tipan ng pag ibig na siyang ating bigkis

Walang katumbas na ano mang kayamanan
Dalisay na bukluran di kayang bayaran
sa tuktok ng bundok doon ito isisigaw
Sa mundo na ako at ikaw 
Ikaw ang may pangako hindi maglalaho
Na ang samahan ay hindi manlalabo

SA lumikha ako ay nagpapasalamat
Na tayo ay nagsama ng tapat at maluwat
Humiling sa kanya ay di ko na magagawa
Sapat na ang tulad mo sa akin ay biyaya


Salamat sa iyo kaibigan sa mabuting natutunan
Di mo ko pinabayaan di rin naman kita malilimutan
Salamat sa iyo kaibigan sa mabuting natutunan
Di mo ko pinabayaan di rin naman kita malilimutan

lalalalalala.. lalalalalala..

Nung huli itinuro na rin ni Kulas at Amatz sa mga kasama nya kung paano kantahin ito.. Hanggang sa natutunan na rin nila..

“Napakagandang awitin.. maaari bang malaman saan ninyo ito natutunan?” ang sabi ni Perry

“Eto lang naman ang themesong namin sa mga kabarkada namin sa dating tambayan.. itinuro ito ni Pareng Kahel namin! Haha!” ang sabi ni Kulas

“Ah oo nga! Si Kahel nga nagturo sa atin, yung jowa ni Pink dun sa lumang tambayan..” ang sabi ni Amatz

“paanong di mo makakalimutan iyon eh doon mo nga nakilala si Azul mo eh! Hehehe..” ang pang aasar ni Kulas

“Manahimik ka dyan, baka magselos pa ang guardian devil ko.. hehe” ang sabi ni Amatz

Makailang saglit ay binulungan ni Amatz si Aqua na kumanta, iyong slow music lang at niyaya niya si Toinkz na tumayo para sumayaw sila ng sweet.. hehehe!

Sumunod na rin si Turki at si Ionna..

Siempre, papahuli ba si Adamas at Perry?

Mas lalong hindi naman papahuli si Kulas at Katerina..

Nainggit din ang mga oldies kaya niyaya rin ni Haring Aviro si Nay sapphira..

Teka! Teka! Nainggit naman itong si Gla-gla kaya tumabi kay Aqua

“Aqua, inggit ako..” ang sabi ni Glagla

“Anong gagawin naman natin? Alam mo namang wala akong mga paa at di ako makakasayaw.. hehe! Dito ka nlng sa tabi ko at kakantahan na lang kita hanggang sa makatulog ka..” ang sabi naman ni Aqua..

....


SA Kabilang banda..

“Gggggrrrrrrrrrrrrr!! Ganun lang nila kadali napatay si Obwarga!!!” ang sabi ni Heera

“Napaka galing nila mahal na Reyna dahil nagtutulungan sila..” ang sabi naman ng kawal nito

“Manahimik ka!!! Hindi ako makakapayag.. kelangang matalo sila!!!” ang sabi ni Heera

“Ngunit paano mahal na Reyna.. mayroon pa bang bato na di pa natatagpuan??” ang sabi ng kawal

“oo meron pa!! Ang Hari ng ika-anim na ulap.. sya ang nakatagpo ng batong bloodstone! Ang hari na ito ay hilig manipsip ng dugo, at nang matagpuan nya ang batong ito ay di naging mahirap sa kanya ang makaamoy ng napakasarap na dugo...” ang sabi ni Heera

“ngunit sa paanong paraan natin ngayon sya mapapakiusapang ibigay sa iyo ang batong bloodstone..” ang sabi ng Kawal..

“Yan ang ating pag iisipang mabuti..” ang sabi ni Heera

...

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon