Chapter 45

994 19 0
                                    

Nung naglaho si Ogno at naging abo ay doon natagpuan ni Toinkz ang batong BLOODSTONE.. napa sakanya na ang batong ito..

“Congratulation my devil!! Sabi ko makakaya mo eh!’ ang sabi ni Amatz

‘nasaan ang premyo ko?” ang sabi ni Toinkz

“H and Q ang premyo mo.. hehehhe! H means Halay.. Q means(secret pa rin!) hehe! Kaso maya na andito pa sila eh..pag tayong dalawa lang.. hehehe” ang sabi ni Amatz

“O pano!! Isang selebrasyon na naman uli para sa pagwawagi ni Toinkz..” ang sabi ni Perry

“Wow!! Masaya yan!! Tara na lipad na tayo!” ang sabi naman ni Kulas

Nagsimula na silang lumipad...

Si Katerina, Adamas gla gla ay nakasakay kay Perry

Si Kulas at Sapphira ay nakasakay naman kay Aviro

Si Amatz kay Toinkz

Si Ionna kay Turki


....

“Mga kaibigan, bakit hindi na lamang tayo magpahinga muna sa aking palasyo para makita rin ni Toinkz ang magiging tahanan namin” ang sabi naman ni Turki

“Sige kapatid!! Nasasabik akong makita ang naging tahanan ng ating pamilya..” ang sabi ni Toinkz

At nagtuloy na nga ang lahat sa bahay nila Turki sa ikaunang ulap at nang makalapag na sila sa ikaunang ulap ay bumungad ang napakagandang palasyo..

“Wow! Ionna! Laki ng bahay ng mapapangasawa mo! hahaha!! Panalo!” ang sabi ni Kulas ng makita ang malaking palasyo..

Marami ang bumati sa kanilang pagdating... Ang mga Agwari pala na nagbabantay ng palasyo nila Turki at sila ang naging katiwala ng pamilya nila Turki...

“Magandang umaga at maligayang pagbabalik Haring Turki” ang sabi ng isang Agwari

“Wow haring Turki ka pala ah!! Di mo sinasabi!” ang sabi naman ni Amatz

“Iyon na ang tawag nila sa akin simula ng mamatay ang ama namin si Haring Ashmiro..” ang sabi naman ni Turki

“Bigla kong naalala ang aking matalik na kaibigan.. ako’y nalulungkot din sa kanyang pagkawala..” ang sabi ni Haring Aviro

“Ama, edi nakarating na rin po kayo rito sa kanilang kaharian?” ang sabi ni Perry

“oo, madalas akong naririto at dinadalaw silang mag asawa nang ipinagbubuntis pa lamang nia si Toinkz at Turki” ang sabi ni Haring Aviro..

“Mga kasama, mula ngayon dito na rin titira si Haring Toinkz ninyo.. siya ang aking nawawalang pinakamamahal na kapatid..” ang pagpapakilala ni Turki sa kapatid niyang si toinkz sa mga Agwari

“Ikinagagalak po namin kayo makilala haring Toinkz..”

“Ikinagagalak ko rin kayong makilala” ang sabi ni Toinkz..

“Ako naman si Kulas ang maginoo pero di bastos, ang inyong tagapagtanggol at sugo ni superman para ipagtanggol ang inyong mundo..” ang sabi ni Kulas sa mga Agwari..

“ikaw talaga puro ka kalokohan kulas, pati mga Agwari di mo pinatawad.. halika na at sumunod ka na sa amin bago pa kita kagatin dyan sa tenga ..” ang sabi ni Katerina

“oi! Wag naman may kiliti ako dyan .. eto naman nagpapakilala lng ako sa kanila eh, seselos ka namn.. wag kang mag alala, ang kagat ng pagmamahal ko ay iyong iyo lang aking katerina.. ikaw ang perlas ng buhay ko..” ang sabi naman ni Kulas..

“Ikaw naman ang utot ng buhay ko..” ang sabi ni katerina

“awww! Ang baho naman pakinggan! Sige na pwede na rin.. sweet na rin basta ikaw nagsabi. Heheh! Ikaw marunong ka ng mang asar ah! Gusto ko yan.. heheh!” ang sabi ni Kulas

“hahaha!! Masayahin kang tao talaga kulas, hinahangaan kita pagdating sa pagdadala mo ng problema, hindi mo dinibdib ito.. magandang ugali yan..” ang sabi ni SApphira kay kulas

“Halika Ionna, pasok ka sa aming kaharian..” ang sabi ni Turki dahil sya ang unang una sa pintuan ng kanilang kaharian at niyaya niya si Ionna..

“Mga kapatid, angkinin ninyo na parang inyo itong kaharian.. may nais lamang akong ipakita kay ionna..” ang sabi naman ni Turki..

At hinatak ni Turki si Ionna at dinala sa isang silid..

Bumungad ang maraming kahoy na inukit niya ang mga mukha ng mga mahal niya sa buhay.. ang nanay niya, tatay niya at si Toinkz..

“Ikaw lahat gumawa nito?” ang sabi ni Ionna..

“Oo, ako lahat gumawa niyan at ngayon nandyan ka na.. madadagdagan yan...” ang sabi ni Turki

Kumuha si Turki ng sobrang kahoy at mabilis nitong iniukit ang mukha ni Ionna at iniligay kasama ng iba pang naukit na kahoy..

“Ayan! Kumpleto na! Dati kasi parang may kulang.. ngayong dumating ka na sa buhay ko.. naging kumpleto na ang lahat, wala na akong hihilingin pa.. natagpuan ko na ang kapatid ko.. natagpuan ko na rin ikaw..” ang sabi muli ni Turki..

Maluha luha sa kasiyahan si Ionna ng marinig niya iyon mula kay Turki..

Kumuha muli si turki ng kahoy at nag ukit muli ngunit ito’y maliit na, inukit ang mukha nila pareho at ginawang pendant.. at kumuha ng lubid at ikinwintas kay Ionna..

“Salamat Turki.. ako ma’y natutuwa’t dumating ka sa buhay ko..” ang sabi ni Ionna..

Maghahalikan na sana silang dalawa ng biglang bumukas ang pintuan...

“Kapatiddddd!!! Ang ganda naman nito!!! maraming mga kahoy na iniukit.. sinong gumawa?? Ikaw ba?? Ang ganda naman!! Teka ako to ah!! Ang gwapo ko tlga!! Eto ba si Inang Reyna at si Amang Hari? Kamukha ko pala si Ina eh.. heheheh” ang pangggulo ni Toinkz at gumitna pa sa kanila..

Nang biglang pumasok din sa eksena si Amatz..

“Hoy halimaw!! Andito ka lang pala at nanggugulo ka pa sa kanila.. halika nga dito!” ang pagtawag ni Amatz kay Toinkz..

“Teka tingnan mo tong ginawa ni Turki ang gaganda..” ang sabi naman ni toinkz

“mamaya na di ka ba nakakahalata nag uusap ng masinsinan ang dalawa.. istorbo ka tlga!! Halika na, gagawa rin tayo ng romantic scene natin, at gagawa rin tayo ng maliliit na Toinkz tulad nyan mas maganda pa at gumagalaw..” ang sabi ni Amatz

“Paano iyon? alam mo kung paano?? “ ang sabi ni Toinkz..

“Kunwari ka pang di alam.. halika na! Oo alam ko ituturo ko sa iyo sa pamamagitang ng H power ko! halika na wag kang istorbo..” ang sabi ni Amatz..

Nagkatawanan si Ionna at si Turki..

“Ang kulit nila ano, pero buti na lang ayos na kayong magkapatid.. masaya ako na nakuha mo na si Toinkz kay Heera “ ang sabi ni Ionna

“oo, napakagandang regalo sa aking pagtatyaga at pagsisikap na sundan at bantayan siya..” ang sabi ni Turki

...

Sa Kabilang banda..

Tumulong sa pagluluto si Sapphira sa mga Agwari, namamangha ang mga Agwari sa angking kapangyarihan nito na apoy..

“Marunong ka pala magluto.. nanabik naman akong tikman ang luto mo..” ang sabi ni Haring Aviro

“Oo naman, lagi kong pinagluluto ang aking anak na si Siam Ot.. Ipagluluto ko rin si Glagla para mapabilis ang kanyang paggaling..” ang sabi ni Sapphira

“Nasaan na pala ang anak mo?” ang sabi ni Aviro

“may bali balitang napadpad ito sa mundo ng mga tao, pagkatapos lang ng problema dito sa mundo natin hahanapin ko sya..” ang sabi ni Sapphira..

Biglang sumingit si Kulas..

“Ibig sabihin ba Nay Sapphira may part 2 ang Lagusan?? Yipeee! Sa mundo ng mga tao naman! Hahaha!” ang sabi ni Kulas

“ikaw talaga kulas kung nasaan ang pagkain naroroon ka talaga parati ano.. “ ang sabi naman ni katerina.

“Siempre, gugutom na ko eh... napagod kasi ako sa bakbakan, pinagpiwasan ako grabe,”ang sabi naman ni Kulas

“Prinsipe kulas maaari ninyo po ba ikiwento sa amin ang inyong labanan, kami po’y nasasabik marinig” ang sabi ng mga Agwari

Nagkwento naman si Kulas at ginawa nyang bida ang kanyang sarili at namangha naman ang mga Agwari sa kwento ni Kulas..

Natatawa na lamang sina Katerina, haring Aviro at Sapphira sa mga kwento ni Kulas na alam nilang walang katotohanan ito.. hehehe..

...

Sa Kabilang banda..

Umakyat sa tuktok ng kaharian sina Adamas at Perry

“Perry, nakakatuwa ano, simula pagkabata magkakilala na tayo.. parang ang sarap alalahanin ang lahat mula kung paano tayo nagkakakilala at hanggang ngayon, ang dami na nating napagdaanan at lumaki pa ang pamilya natin..” ang sabi ni Adamas

“Oo nga eh.. iyakin ka pa nung bata ka.. hehe” ang sabi ni Perry

“Yabang mo ah! Hahaha! Siyempre noh, dahil nawala ang nanay nanayan ko noon at kinuha ni Heera tapos si glagla may sakit pa noon kaya pakiramdam ko nag iisa lang ako..” ang sabi ni Adamas

“Pero ngayon, hindi na mangyayari yon.. andito ko parati para sa iyo at di ko hahayaang may manakit sa iyo..” ang sabi naman ni Perry

“Alam ko naman iyon eh.. kung gaano kasaya ang pakiramdam ko nung makilala kita nung bata pa ko dahil nagkaroon ako ng kalaro noon, mas doble pa ang nararamdaman ko ngayon dahil ang kalaro ko ay ang pinakamamahal ko na ngayon..” ang sabi naman ni Adamas

Niyakap ni Perry si Adamas at hinalikan sa noo, sa ilong at sumunod sa labi..

“Mahal kita Adamas..” 

“Mahal din kita Perry..”

Biglang may dumapong insekto na umiiba iba ang kulay.. 

“Perry, tingnan mo.. hehe! Naalala mo ba tong insektong ito?? “ ang masayang sabi ni Adamas

“Oo , nugn itinipon tipon natin itong insektong ito dahil nag iiba ang kulay niya at nagbuo ng bahaghari para ipakita ko sa iyo kung ano ang bahaghari..” ang sabi ni perry

“Malapit na ba natin makita ang bahaghari?” ang tanong ni Adamas..

“Malapit na Adamas, nararamdaman kong malapit na..” ang sabi ni Perry..

...

Sa kabilang banda...

“Mahal na Reyna.. may masamang balita!!!” ang hingal na hingal at alalang alalang sabi ng kawal ni heera..

“Wag mo sabihin sa aking napatay nila si Ogno??” ang sabi ni Heera..

“Ganun na nga mahal na Reyna.. wala na si Ogno, natalo ni Toinkz!!” ang sabi ni Heera..

“Talagang ginagalit ako ng batang iyan!! Pinagsisisihan ko kung bakit di ko pa siya pinatay noon!!” ang sabi ni Heera..

“Kelangang may gawin na akong aksyon gayong ako na ang puntirya nila ngayon!!!” ang sabi ni Heera..

“Anong gagawin ninyo Mahal na Reyna. .gayong kumpleto pa rin sila at wala ni isa man lang nabawas sa kanilang grupo..” ang sabi ng Kawal..

“Kelangan kong mag alay sa panginoon ng kadiliman at humingi ng tulong na palakasin ako ng husto para mapatay ko na silang lahat!!” ang sabi ni Heera..

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon