Chapter 50

1K 17 2
                                    

Tumuloy na nga ang mga Arwa sa ikasampung ulap para isauli ang mga bato.. kumpleto ang mga Arwa bukod lamang kay Aqua dahil hindi naman ito maaaring maglakbay..

Inilabas na ng mga Arwa ang bato, ganun din ang agimat ni Perry at sabay sabay umilaw ang mga bato at unti unti ng bumalik sa dating pwesto...


Biglang Bumukas ang pintuan, at lumabas ang napakalakas na enerhiya kung kaya’t napaatras ng bahagya ang mga Arwa, unti unti na ring lumalabas ang bahaghari at lumiwanag sa buong mundo nila, ang mga halaman, paru paro at puno na dating matamlay unti unti nang nagkakabuhay..

“Wow! Ang ganda ng bahaghari!! Parang ang lapit lapit lang sa atin ang kinang kinang pa!” ang sabi ni Amatz

“Oo nga eh parang ibang iba kumpara sa atin..” ang sabi ni Kulas

“Perry, ito na ba iyong bahagharing sinasabi mo?? napakaganda pala..” ang sabi naman ni Adamas

“Oo ito nga, ngayon nakikita mo na sa iyong harapan na dati ay kwento kwento lang..” ang sabi ni Perry

“Masaya ako’t nanumbalik na sa dati ang ating mundo..” ang sabi naman ni Katerina

“Kaya nga’t dapat na tayong magsaya! Ano pa bang hinihintay natin ah?“ ang sabi naman ni Turki
“Tara na! Sayawan na naman tayo uli at kantahan! Hehehe!” ang sabi ni Ionna

“Sige, magluluto ako ng masarap na putahe!” ang sabi ni Sapphira

“Sarapan mo Sapphira ah, yung tipong hindi ko na makikilala ang aking sarili..” ang sabi ni Aviro

“aww bumanat na naman ng mga diskarte si Tatay Aviro! Hehehe! Dapat pala sa inyo ako magpaturo ng mga diskarte!” ang sabi naman ni Kulas

Makalipas ang ilang saglit, biglang may napakagandang ibon na lumilipad, ibang klaseng ibon dahil mahahaba ang kanyang mga feathers at doon lang sa mundo nila makikita..umiilaw ito na palapit sa pintuan..

“Napakagandang ibon!” ang sabi ni Gla-gla

“Oh gla-gla, may asawa ka na ha! Magtakip ka ng mata..” ang sabi ni Kulas

“hahaha!! Susumbong kita sa asawa mo ah!” ang sabi naman ni Adamas

“Madam naman, humahanga lang naman ako eh..” ang sabi ni Gla-gla

Biglang umiba ng anyo ang ibon, naging isang napakagandang babae ngunit iba ang kanyang anyo kumpara sa kanila, napakalaking babae niya at parang usok lang siya..

“Binibini, maaari ba naming malaman ang iyong pangalan at kung sino ka?” ang sabi ni Aviro

“Ako si Garnet Arwen, isa din akong Arwa tulad ninyo.. nagkataon lamang na sa pagmamahal ko sa ating mundo ay inialay ko ang aking sarili kaya naging ganito na ang aking anyo at boluntaryo na akong magbabantay sa ating pintuan upang hindi na maulit ang nangyari noon.. Wala nang mangangahas pang kukuha ng bato.. dahil habang buhay ko ng babantayan ito dito sa pintuan.. maraming salamat sa inyong pagtutulungang mabawi ang mga bato sa masasamang loob!” ang sabi ng magandang babae

“Napakabuti mo naman, maraming salamat sa iyo” ang sabi ni Toinkz

“ganun ba? Sayang naman ang ganda mo, gusto mo samahan kita dyan?” ang sabi ni Kulas

“Nagsimula ka na naman kulas, lahat nlng binibiro mo..” ang sabi ni Katerina

“Ikaw ang sungit mo, wag ka na selos kasi sayong sayo na ko.. ok?? Oh tingnan mo to, bakit ka na naman nanlalamig sa akin ah?? Lika nga dito yakapin kita para di ka manlamig dyan..” ang sabi ni Kulas

“Matagal na kong malamig, talaga to.. kagatin kita dyan pag nangulit ka na naman..” ang sabi ni Katerina..

“Maraming salamat binibinig Garnet Arwen sa iyong pagprisintang bantayan ang mga bato..” ang sabi ni Perry

Nagdecide na ring umalis ang mga Arwa, at lumipad na rin papuntang tabi ng dagat upang yayain din si Aqua na makigulo sa kanila..


Sinundo na rin ni Katerina si Aqua .. makalipas ang ilang saglit..

“Mga kapatid!! Andito na ako! Hehehe! Pasensya na hindi ko kayo nasamahan sa inyong paglalakbay, gustuhin ko mang makatulong ngunit sa kalagayan ko’y napakahirap.. dibale pag sa karagatan naman ang labanan, andito ako laging handang tumulong.. kahanga hanga ang inyong ginawa kaya ipinagmamalaki ko kayong lahat sa galing ninyong pakikipaglaban..” agn sabi ni Aqua ng makarating ito sa tabi ng dagat..

“Wala iyon Aqua, naiintindihan naman naming lahat.. kaya dapat ay magsaya na tayo dahil nawagi din tayo at walang nawala ni isa man sa atin..” ang sabi ni Adamas..

“Oh simulan na uli ang kanta at sayaw, punta na sa gitna kulas at Amatz” ang sabi naman ni Toinkz

“Teka parang ginagwa ninyo na lang kaming clown ng pakner ko ah!” ang pagrereklamo ni Amatz..

“Dibale pakner, sunod niyan may talent fee na tayo, ganun talaga sa umpisa.. hehe” ang sabi ni Kulas

Nagsimula na ngang nagkantahan ang magkakaibigan, tawanan at kulitan.. napakasaya nilang nagsama sama..

Nagluto na rin si Nay Sapphira at sinamahan naman ito ni Tay Aviro

Nahuling naglalambingan sina Ionna at Turki

Sinusuyo pa rin ni Kulas si Katerina..

Masayang kinukwento naman ni Gla-gla kay Aqua ang nangyari sa kanilang paglalakbay

Si Perry naman at Adamas ay masayang nagbibiruan..

Si Amatz at Toinkz naman ay nahuling nag aagawan sa pagkain...

Makalipas pa ang ilang saglit..

“Mga kasama, napag usapan namin ni Adamas na kami’y magpapakasal na!” ang sabi ni perry

“Talaga?? Wow! Masaya yan! Sana ako na ang makasalo ng bulaklak para kami naman ni Toinkz” ang sabi naman ni Amatz

“Makasalo ng bulaklak??ano iyon??” ang sabi ni Adamas

“Aw iba ba ang kasal ninyo dito?? Paano ba ang kasal ninyo?” ang sabi ni Amatz

“Susunduin ko siya sa kanilang tahanan at magiging saksi kayo na dadalhin ko siya sa aming tahanan.. ganun lang” ang sabi ni Perry

“naku po! Ang boring!! Sige! Ako ang magiging wedding planner ninyo..tiyak! maganda ang magiging kasal ninyo! At ako ang mag aayos kay Adamas..” ang sabi naman ni Amatz..

“Sige payag ako dyan!! Perry, pumayag ka na! Para maiba naman ang kasal natin.. nais ko na ang ating kasal ay kakaiba sa lahat!” ang sabi naman ni Adamas..

“Bakit hindi na lang gayahin yung tulad ng kasal sa tribo namin?? Tiyak maganda rin yon!” ang sabi ni Ionna

“Naku po! Wag na ionna! Parang awa mo na! Baka sumayaw tayo na parang si ungga ungga na may papalo palo pa sa dibdib!! Tapos pagbabahagin mo silang lahat! Hehehe!” ang pang aasar ni Kulas

“Nagsimula ka na namang mang asar ah!! Baka gusto mo pakainin kita sa mga tigre” ang sabi ni Ionna..

“aww si sungit ka tlga! Hehe! Biro lang eh” ang sabi ni Kulas

“Hindi na ko makapag antay makita ang kakaibang kasal ninyo Adamas at Perry” ang sabi ni Turki

“Ako rin!! Sana sa lalong madlaing panahon..” ang sabi naman ni Katerina..

“oo wag kayong mag alala, malapit na.. si Amatz na ang bahala sa pag aayos ng kasal na sinasabi niya..” ang sabi naman ni Perry

“Masaya ako para sa inyo mga anak..” ang sabi ni SApphira

“masaya ako na sila rin nagkatuluyan.. na parang hindi rin nawala sa piling ko ang kapatid kong namatay dahil siya ang nag alaga kina Adamas at sa nanay niya..” ang sabi naman ni Aviro..

Makalipas ang ilang saglit.. namahinga na rin ang lahat.. habang si kulas ay nagpapamasahe sa likuran kay Gla-gla..

“gla-gla.. pasuyo naman oh.. pwede ba tapakan mo likuran ko at maglakad lakad ka..” ang sabi ni kulas

“Hay naku kulas nagpasimula ka na naman mag pamasahe, bakit di ka magpamasahe kay Katerina para kuhang kuha ang “Q”” ang sabi naman ni Amatz..

“Teka pwede ba uling sumingit?? Alam ko na kasi ang H, at uulitin kong muli, ano ba talaga ang “Q” “ ang pagsingit ni Adamas na din a naman tinantanan ang dalawa.. hehehe..

“Ano pakner? Pagbibigyan na ba natin itong si ADamas?? tutal patapos na ang lagusan, sabihin mo na kung ano ang Q” ang sabi naman ni Amatz..

“hihihi ang Q ay isang tipo ng masahe ng swabeng swabe pinaghalong exotic at acrobatic kung baga s bilyar kailangan mong tamaan ang Q ball para maka score hehe..” ang paliwanag ni Kulas..

Oh mga kapatid, ayan napilit ko na ang magpakner! Siguro ngayon alam na ninyo kung anong ibig sabhin ng H and Q.. hehe “Halay” at “isang masahe na parang sa bilyar dapat tamaan ang Q ball para ang masahe ay swabe!”

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon