Chapter 22

1.1K 27 0
                                    

Nagsipagpahinga na rin sina Amatz, Adamas at Perry, samantalang si Toinkz ay hindi makatulog at nagmumuni muni pa rin..

Sa kabilang banda, naroroon rin pala si Turki sa hindi kalayuan at nakamasid sa kanila..

“Hangga’t naririto ako kapatid, hindi kita pababayaan tulad ng pinangako ko sa atin ama..” ang sabi ni turki sa kanyang sarili..

Makalipas ang ilang saglit, nagising ng bahagya si Amatz at nakita nyang hindi pa rin tulog si Toinkz kung kaya’t naisipan na lamang nitong bumangon at tinabihan..

“Inaalala mo pa rin ba nanay mong demonyita o sinusulit mo ang ganda ng view? May bukas pa naman eh, andyan lang yan noh! Magpahinga ka na..” ang sabi ni Amatz

“pwede ba?? Wag mo kong pakelaman!! Matutulog ako kung kelan ko gusto!!!” ang sabi ni Toinkz

“Aba, umaatake na naman ang kamaldituhan mo ah! Kala mo naman masisindak ako!!” ang sabi ni Amatz

Lumingon si Toinkz kay Amatz at nagtinginan mata sa mata ng ilang Segundo rin ang tinagal at saka nagtanong si Toinkz ng “Bakit nga ba? Bakit hindi ka nasisindak sa tulad kong isang halimaw?” 

Ngumiti lamang si Amatz saka sinabing.. “ Eh ikaw lang ang halimaw na pagtinititigan ko eh may maamong mukha, nagkataon lng na itim ang pakpak mo at may sungay ka lang, Kaya di ka nakakatakot para sa akin!! Mas nakakatakot pa nga ang kinalaban kong sanggano sa kanto namin eh!! Pero di naman manalo nalo sa akin yon sa inuman!”

Ibinaling muli ni Toinkz ang kanyang tingin sa mga tanawin at saka nagbuntong hininga at binaliwala ang sagot ni Amatz..

“Tulog na tayo...” ang sabi ni Toinkz..

Nagtaka na lamang si Amatz kung bakit parang ang lalim masyado ng iniisip ni Toinkz at halatang walang ganang makipag usap.. 

Nang makatulog ang lahat, saka namang nagkaroon ng tiyansang makaalis saglit si Toinkz at pumunta sa kanilang kaharian na walang sinuman sa tatlo ang nakapuna..

“Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin!!!! Pagkatapos mo kong traidorin!! Pinili mo pa ang mga iyon kesa sa akin, na ako ang ina mo, nagawa mong pagtaksilan!! Lumayas ka!” ang sabi ni Heera

“Mahal kong Ina, pagbigyan mo kong magpaliwanag! Hindi ko po gustong suwayin kayo pero bigyan ninyo pa ako ng isa pang tiyansa at sinisiguro kong ipagmamalaki ninyo na ako..” ang sabi ni Toinkz

“At paano mo nasisigurong maipagmamalaki na kita ah!! Sa paanong paraan mo ko mapapasaya! Siguraduhin mong sa gagawin mong yan ay karapat dapat kang patawarin!!” ang sabi ni Heera..

Nagkausap ang mag ina kuno.. (abangan, ano nga ba ang kanilang napag usapan at ano nga ba ang gagawin ni toinkz para mapasaya at mapatawad sya ng kanyang ina..)

Bumalik na rin si Toinkz pagkatapos nilang mag usap ng kanyang ina at hindi iyon napansin ng mga kasama nya..

Kinabukasan..

Nahuli si toinkz sa paggising, nauna ng gumising ang tatlo..

“Good Morning my Devil! Musta ang tulog mo??? Syangapala anong gusto mong kainin, inihaw na uwak o ako este ang bayawak pala. Hihihi! Pero kung gusto mo eh ayos lang din naman sa akin.. haha!” ang pagbibiro ni Amatz

“Ang aga aga! Nagsimula na naman ang bunganga mo!” ang sabi ni Toinkz

Pagbangon ni Toinkz ay nag aantay na pala si Perry sa kanya..

“Toinkz, napag desisyunan mo na ba? Sasama ka ba sa amin o babalik ka sa nanay mo?” 

Matagal na katahimikan...

(ano kaya ang isasagot ni Toinkz?)

......

Sa Kabilang banda..

Paggising ni Kulas sa umaga ay bumungad sa kanya ang napakaraming serena sa magkabilaang tubig na nakamasid sa kanya..

“Wow ang ganda naman ng umaga ko! Ang gaganda ng mga tanawin! Hihihihi.. hello!! My name si Bond, James Bond..?” ang sabi ni Kulas na nagboses brusko

Makailang saglit lamang ay pinuntahan ni Katerina si Kulas para yayain ng pumunta kina Sapphira at Ionna naabutan naman nitong nakikipagkwentuhan sa mga sirena at kitang kita nya ang nagsisipaghikhikan na mga sirena dahil sa mga sinasabi ni Kulas..

“Kulassssssss!! Hinahanap na tayo ni Nay sapphira, kelangan na nating maglakbay muli..”

“Teka, magpapaalam lang ako sa mga binibining ito, ang ku-cute kasi eh.. parang sarap dalhin at ilagay sa aquarium..” ang sabi ni Kulas

Nagpaalam na rin si Kulas sa mga bago niyang mga kaibigan..

“Kamusta ang tulog kulas?” ang sabi ni Sapphira

“Masaya po, enjoy pala matulog doon kasi para akong nagkaroon ng dalawang aquarium sa magkabilang gilid, mapagawa nga yon sa bahay ko pagbalik ko sa pinas.. hehehe..” ang sabi ni Kulas

“uhmmm! Ang lansa mo nga eh.. amoy isda ka na rin!” ang sabi ni Ionna na medyo nang aasar..

“Malansa pala ah!!! ETong sayo!!” biglang lumapit si Kulas at pinapaamoy ang kili kili at dinudutdogt sa mukha ni Ionna..

“Ano ka ba kulas!! Tumigil ka nga!!”

“hahah! Para kayong mga bata..” ang sabi ni Sapphira

Nakangiti lang si Katerinang pinagmamasdan sina Ionna at Kulas na nag aasaran..

“Siangapala Nay sapphira.. saan naman po ang lakad natin??”

“Sa bulkang chorva tayo pupunta..” ang sabi ni SApphira

“Bulkang Chorva! Hahahahha! Tunog bading naman nay sapphira, wag mong sabhin sa akin mga halimaw doon eh mga bading na nag uubos ng lakas! Dito na lang ako! Kayo na lang pumunta doon, pagpiyestahan pa ko” ang sabi ni Kulas

“ Hindi kita maintindihan kulas?? Anong bading?? Anong nag uubos ng lakas..?” ang sabi ni Sapphira

“Nay sapphira, bading, wala ba kayo non dito?? Ung lalake pero kilos babae..” ang sabi ni Kulas

“Wala kaming ganon dito kulas..” ang sabi ni Katerina

“Siguro nga mga bading ang nakadiskubre ng bulkang iyon.. hahah! Sagwa naman Chorva! ano pa bang mga chuvalushchenesh ninyo dyan, dami nio pang chenes chenes, tarush na baka mahuli pa tayo! Charing!” ang sabi ni KUlas na nagbading badingan.. heheheh

AT nagpatuloy na nga sila sa paglalakbay papuntang Bulkang Chorva!!!

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon