Chapter 16

1.1K 18 0
                                    

Tumagal ng halos dalawang araw ding magkasama si Katerina at si Kulas sa kabilang isla, nagkakwentuhan at naging magkaibigan..

“Pasensya na Kulas kung naistorbo kita sa paglalakbay nio, pero maraming salamat dahil kahit papaano naibsan ang lungkot ko dahil napapatawa mo ako..” ang sabi ni Katerina

“Wala iyon! ganon naman siguro talaga ang papel ko sa mundo, ang maging clown ninyo! Hahaha! “ ang sabi ni Kulas..

....

Sa kabilang Banda...

“Ionaaaaaaaaaaa!!!” biglang may sumisigaw at tinatwag si ionna...

Lumingon si Ionna sa pinagmumulan ng sigaw at bumungad sa kanya si Kulas na umaahon sa dagat na masayang masaya at tumatakbong palapit kay Ionna na sumusunod naman si Katerina sa likuran ni Kulas..

Sa tuwa ni Ionna ay napatakbo rin sya palapit kay Kulas at napayakap..

“Kulaaaaasssssssssss!! Akala ko tuluyan mo na akong iiwan! Namiss kita!” ang maluha luhang sabi ni Ionna

“asssssussssss!! Totoo ba yan?? O namiss mo lang ang mawt mawt powers ko?” ang sabi ni kuLas

“Ayan! Andito ka na nga! Hahah! Kasi nagsimula ka na naman mang asar! “ ang sabi ni Ionna

“Ang sweet niyo naman tingnan at talaga namang nagyakapan pa kayo..” ang biro ni Sapphira

SA hiya ng dalawa ay saka pa lamang sila nag hiwalay sa pagkakayakap..

“Syangapala Nay, Ionna eto nga pala ang bago kong kaibigan si Katerina..” ang sabi ni Sapphira

“Ikinagagalak kitang makilala Katerina” ang sabi ni Sapphira

“Sino naman sya Kulas?” ang sabi ni Ionna

“Si Katerina, ang makakatulong sa atin at sasama na sa atin sa paglalakbay..” ang sabi muli ni Ionna

“Ganun ba?” ang sabi ni Ionna na parang may bahagyang pagseselos

“Kung inyo lamang pong pahihintulutang, samahan ko kayo at tulungan sa abot ng aking makakaya..” ang sabi ni Katerina

“Walang problema sa akin Katerina, mas marami, mas maganda..” ang sabi ni Sapphira..

“oh ano pang hinihintay natin.. yipeee!! Tara na!.. Tingnan mo Katerina, kung gaano ko makipagbakbakan sa mga Halimaw! Talagang mapapahanga ka!” ang pagyayabang ni Kulas

“Naku po! Kala mo naman talagang nakipagbakbakan sya..” ang pang aasar na parang may pagtatampong turan ni IOnna

“Ikaw Ionna, akala ko ba namiss mo ko, tapos ngayon nang aasar ka! Panira ka ng moment eh!” ang sabi ni Kulas..

AT nagsimula na ngang maglakbay ang apat papuntang ilog Algordia..

........

Sa Kabilang Banda..

Nagtatampisaw pa rin ang dalawa sa ilog.. Sweet sweetan naman kunwari itong si Amatz at gustong maglambing kay Toinkz kaya winisikan nya ng tubig na syang ikinapuying ni Toinkz.. Pinagpatuloy pa rin ni Amatz ang pagbibiro na paghahagis hagis ng tubig sa mukha ni Toinkz at sabay tinatawanan nito..

Sa inis ni Toinkz, ginantihan nya si Amatz at binasa niya rin ito ng tubig sa mukha, ngunit nabuhos ng matinding pwersa ni Toinkz ang paghagis ng tubig kay Amatz na syang muntikan ng ikalunod ni Amatz..

“WAahhhhhhhhh!!! Uh.. ah.. uh. Ah.!” Ang paghahabol na hininga ni Amatz na kamuntikan ng malunod dahil sa lakas ng paghagis ng tubig sa kanyang mukha na syang ikinalubog nya.

“Babasa basa ka dyan tapos pag ginantihan ka di mo rin pala kaya!” ang sabi ni Toinkz

“WAla ka namang kasweet sweet! Parang naglalambing lang ang tao! Dyan ka na nga!.. Kahit anong basain mo dito sa halimaw na to napakadry pa rin tlaga!” ang pilosopong sabi ni Amatz saka umahon sa tubig..

“Tapos na ba tayo maligo? Ganun lang ba ang proseso nun?” ang sabi ni Toinkz

“Hindi pa!! Kelangan mong isampay ang sarili mo para matuyo ka!” ang pilosopong sabi ni Amatz

Umahon na ang dalawa at saka bumalik muli sa kweba..

Hindi kumikibo kibo si Amatz dahil sa pagtatampo nito kay Toinkz, ngunit nang Makita nya si Toinkz ay bigla syang natawa..

“ hahahaha!! Bumaba ka nga dyan! Para kang paniking bakulaw eh!” ang sabi ni Amatz nang Makita nya si Toinkz na nakabitin patiwarik

“Hindi ba sabi mo, isasampay ko sarili ko para matuyo?” ang sabi ni Toinkz

“Ewan ko sayo! Di ko lam kung nagtatanga tangahan ka o nagpapatawa ka lang.. Sana nagpapatawa ka lang kung hindi T.O ako sayo!” ang sabi ni Amatz..

Hindi napigilan ni Toinkz at napangiti ito..

“Marunong ka palang ngumiti, ngayon Lang kitang nakitang ngumiti.. bagay pala sayo..” ang sabi ni Amatz

Biglang sumeryoso si Toinkz at binaliwala ang sinabi ni Amatz..

“Alam mo, ikaw lang ang halimaw ngayon na gwapo dahil ang bango bango mo na.. biruin mo! Natanggal lahat ang libag mo sa katawan, kasi umitim yung ilog eh.. hahaha! Hindi ka na mukhang halimaw.. para ka ng isang anghel.. hayz! Nagiging yummy ka na oh! Tingnan mo nga mga pandesal mo sa dibdib! Kaka inlove ka at nakakabkla! Hahaha! “ ang sabi ni Amatz na may halong kilig kilig pa..

“anong inlove?” ang tanong ni Toinkz..

“Hindi mo alam iyon?? palibhasa wala ka ata puso eh, Teka! Uhmm macheck nga..” ang sabi ni Amatz saka ito inilagay ang tenga sa dibdib ni Toinkz.. “May puso ka naman eh! Ayan oh tumitibok tibok pa nga” ang sabi muli ni Amatz saka kinuha ang kamay ni Toinkz at inilagay sa dibdib kung saan malapit ang puso nito.. “Kapag nagkagusto ka sa isang babae, ayaw mo itong nasasaktan, ayaw mong nakikita syang nahihirapan, tapos gusto mo lagi mo syang nakikita, laging masaya.. at gagawin mo lahat para sa kanya, para sa ikabubuti nya..at malalaman mo pag inlove ka, kapag bumibilis ang tibok ng puso mo lalo na kapag nakikita mo at nakaksama mo ang babaeng mahal mo.” Ang paliwanag ni Amatz..

“Ganun ba?”

“oo Ganun iyon.. ipikit mo mga mata mo at pakiramdaman mo ang puso mo kapag mayroon ka ng napupusuang babae, tanungin mo ang sarili mo kung kaya mo bang mawala itong babaeng ito, at pag sinabi ng puso mo na hindi mo kakayaning mawala sya at gusto mo siyang makasama, ibig sabhin non inlove ka na..” ang sabi muli ni AMATZ..

Pinikit ni toinkz ang kanyang mga mata at pinakiramdaman ang kanyang puso.. at muling idinilat ang kanyang mga mata at tiningnan si Amatz,

Muli nyang ipinakita ang kanyang mga ngiti kay amatz..

Nang biglang...

“Hindi maaaring mainlove ang isang halimaw na gaya natin!!!! Hindi ka pwedeng magmahal!! Anak! Ako ang susundin mo at yan ang ipinangako mo sa akin! Para rin ito sa ikabubuti mo!! Pero bakit mo ko sinuway!!!” ang biglang nagputol sa magandang moment nila Amatz at Toinkz..

Sinampal ng napakalakas ni Heera si Toinkz at kinaladkad naman si Amatz.. Nakita ni Toinkz ang ginawang pagpapahirap ni Heera kay Amatz.. Hindi maintindihan ni Toinkz ang kanyang nararamdaman kung bakit hindi nya gusto ang ginagwa ni Heera kay Amatz..

Naiinlove na nga kaya sya?

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon