Chapter 51

1K 22 0
                                    

Konting oras na lang magsisimula na, mas pinili na lamang ni Amatz na isikreto kay Adamas ang nangyari..

“Amatz, nakahanda na ba ang lahat na mga kaibigan natin?? Sina Toinkz, turki, gla-gla, kulas at si Tay Aviro nasa labas na ba” ang sabi ni Adamas

“Ah oo.. wag kang mag alala.. medyo matatagalan lang sila sa pag aayos.. “ ang sabi ni Amatz..

*Naku wag naman sanang mahuli sina Perry, ayaw kong mapahiya si Adamas at siempre ako, dahil ako ang may pakana nito..* ang sabi ni Amatz sa kanyang sarili..

“Hay naku Adamas, ang ganda ganda mo sissy!! Lalong maiinlove sa iyo si Perry, relax ka lang dito friend ah! Wag kang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi..” ang sabi ni Amatz..

Lumabas si Amatz dahil hindi na sya mapakali, dahil wala pa rin ang mga lalake..

“Ionna, dumating na ba?” ang sabi ni Amatz

“Wala pa rin Amatz eh.. nag aalala na rin ako.. gusto mo bang hanapin ko?” ang sabi ni IOnna

“wag na! baka dumating sila ikaw naman ang mawawala..” ang sabi ni Amatz

“sana pala pinaiwan natin si Gla-gla para siya ang maghanap sa mga lalakeng iyon” ang sabi ni IOnna

Tumatakbong palapit si Katerina kina amatz at Ionna

“Amatz.. dumadami na ang tao pero wala pa rin sila.. ano na gagawin natin?” ang sabi ni Katerina..

“Hindi ko alam.. wala pa tayong pare! Gagawin pa naman natin sana si Kulas na pare! Wahhh malalagot sa akin talaga iyong pakner kong iyon!” Ang sabi ni amatz..

Sa isang banda, sa may di kalayuan, natanaw ng isang babae si Amatz..

“Teka! Parang si Amatz iyon ah! Nakikit mo ba nakikita ko?” ang sabi ng isang babae sa kanyang dalawang kaibigan..

“Oo nga! Si Amatz nga! Sabi ko na nga ba dito lang natin sila makikita, malakas talaga ang pang amoy ko naririto sila!” ang sabi naman ng isa..

“wahhhhhhh!! Nyemass!! Ibang iba mukha ni amatz ngayon! Nakakatweetybird ah! Fishball!” ang sabi naman ng isa..

“Minsan ang mga nangyayari ay may rason din. Akala natin minalas na tayo dahil naging bihag tayo nitong mga kamag anak ni tarzan yun pala eh dahil para dalhin tayo sa lugar kung saan sina Amatz at Kulas ay naroroon” sabi naman muli ng nakakita..

Sino ang magkaibigang ito??

Sa kabilang banda..

Unti unti ring nagigising na ang mga lalake..

“WAhhhh! Magsigising kayo! Paktay na! nalagot na! kelangan na nating mag ayos kung hindi mahuhuli tayo sa kasal” ang sabi ni Kulas

Parang ayaw pa magsibangon ang mga lalake..

“Anak gumising ka na, nakakahiya kapag nahuli pa tayo! Mas maganda kung sa kaharian na lang natin tayo umuwi at mag ayos dahil kung tayo mismo ang mag aayos sa ating sarili ay matatagalan. Dahil sa atin marami tayong mga kaakibat na agwari na maaaring tumulong sa atin sa pag aayos.. “ ang sabi ni Aviro

“Sige ama, bilisan na lamang natin para matapos tayo agad.. “ ang sabi naman ni Perry..

“turki, toinkz, kulas at Gla-gla.. Maaari na kayong mauna sa kasalan para makatulong pa kayo doon..” ang sabi ni Aviro

Dali dali naman pumunta sina Turki, toinkz at Glagla habang sina Perry at Aviro ay umuwi muna sa kanilang bahay para mag ayos..

Makalipas ang ilang saglit..

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon