Chapter 44

984 20 0
                                    

Naging mahirap sa mga kambal na talunin si Ogno..

Nang tinangka ni perry lumapit at nang iba pang Arwa ay biglang inilabas ni Ogno ang kanyang kapangyarihang parang laser na pader at sa bilis ng takbo ni Perry ay kamuntikan na syang mahati at buti na lang ang kwintas lang niya ang nadaplisan at nakita nila paano kadali mahati ito sa dalawa..

Nadaplisan rin ang buhok ni kulas..

“Anak ng teteng muntikan na akong machop-chop doon ah..buti bangs ko lang iyon.. Nyemas! Ang Sakit sa bangs ah!” ang sabi ni Kulas

“Hindi na naman tayo makakatulong nito sa kambal.. paano kaya natin sila matutulungan..” ang sabi ni Perry

‘Bakit hindi natin subukan ang ating mga kapangyarihan para harangin ang mga laser na ito para makapasok tayo..” ang sabi ni Adamas

“Sige, subukan ko ang aking kapangyarihan..” ang sabi ni katerina..

Inilabas niya ang kanyang yelo at gumawa ng pader, ngunit nahati lang ang mga yelo..

“Madam, subukan ko pong makapasok, tutal ako lang po ang pinakamaliit dito, kaya kong lumusot sa bahagi na walang laser” ang sabi ni Gla-gla

“Sigurado ka gla-gla?? Mag iingat ka ah..” ang sabi naman ni Adamas..

..

Matindi na ang sugat ng kambal, dahil sa galing ni Ogno, kaya nyang pag aralan ang kilos ni Turki, ang bilis na kilos ni Turki ay kanyang nahuli at nalaman saan ito bigla susulpot kaya nadaplisan at nasugatan na naman niya ito na sya ring ikinasugat ni Toinkz..

Nadiskubre rin ni Ogno na kapag nasugatan niya ang isa man sa kambal ay sya ring ikakasugat ng isa.. kaya napag alaman nya na kahit isa lamang ay mapatay niya, ay siguradong patay na rin ang isa..

“hahaha! Hindi pala ako mahihirapan sa inyong dalawa! Kahit isa lang pala ang mapatay ko sa inyo ay siguradong wala na akong kalaban! Haha! Napakahina ninyo!’ ang sabi ni Ogno

“Kahit sa kahuli hulihang hininga ko Ogno, lalaban ako! Mas maigi nang mamatay na lumalaban.. kesa ang mamatay na walang kalaban laban!” ang sabi naman ni Toinkz..

“Matapang ka! Tingnan natin ang tapang mo!” ang sabi ni Ogno

“Hindi kami nawawalan ng pag asa Ogno, hangga’t may hininga! May pag asa!” ang sabi naman ni Turki

..

Narinig iyon ni Kulas ang mga dialogue nila..

“Aba! Updated din pala sa mga kasabihan ang mga ito! Hoy Ogno! Sige, ikaw na magaling! Taas na nga kamay ko sa iyo eh!! Maging sino ka man! Wag mo kong susubukan, Isang bala ka lng! “ ang sabi ni kulas

“hoy teka.. pinagsama mo naman dialogue ni Robin padilla, Erap saka ni Fernando poe ah!” ang sabi ni Amatz

“walang pakelaman. Di naman nila alam iyon eh! Hehehe” ang sabi ni kulas

...

Nagbago na rin ang anyo ni Gla-gla, naging taong ibon na rin sya at handa na rin syang tumulong sa kambal..

Pinagtulungan na nila tatlo ang pakikipaglaban kay ogno, pero di pa rin naging madali para sa kanila, kada sugat nila ay lalong lumalakas si ogno dahil nakakasipsip ito ng dugo nila at magaling manghuli ng diskarte nila, madali niyang napag aaralan ang kilos nila..

Nang maihagis ni ogno ang kambal at si Gla-gla na lamang ang kaespadahan niya ay di namalayan ni gla-gla na ang bilis na diskarte ni Turki ay nagaya niya at ginamit sa kanya kung kaya’t nasugatan din si gla-gla ngunit naging matindi ang natamo niang sugat kung kaya’t hindi na ito makalaban..

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon