Chapter 12:Ang paghaharap ni Amatz at ni Toinkz

1.3K 30 0
                                    

“Sino ka?” ang sabi ni Ionna sa lalakeng anghel na nagligtas sa kanya

Hindi sumagot ang lalakeng anghel pero kitang kita sa kanyang mukha na parang nahihirapan sya sa kanyang paglipad dahil sa sugat na kumikirot sa kaliwang balikat nito..

“Salamat sa pagligtas sa akin” ang sabi ni Ionna

Hindi muli sumagot ang anghel , nagpatuloy pa rin sa paglipad at maya maya ay nakita na nila sina Kulas at Sapphira..

...

Sa Kabilang Banda

Naghanap ng bagong masisilungan sina Sapphira at Kulas, balisang balisa si Kulas dahil sa pagkawala ng kanyang partner..

“Oh Kulas, may nakuha akong prutas, diba gutom ka?” ang sabi ni Sapphira

“Ayoko na po, nawalan na ko ng gana nay! Nag aalala ako sa partner ko.. tapos nawawala pa si sungit” ang sabi muli ni Kulas

“Sinong sungit?

“Si Ionna, nasaan na nga ba iyon nay? Nakaligtas kaya sya sa pakikipaglaban kay halimaw na iyon?” ang sabi muli ni Kulas

“Sana naligtas nga sya, di ko kasi napansin bigla na lang sya naglaho”

Pagkalipas ng ilang saglit..

Ibinaba na ni Turki si Ionna kung saan naroroon sina Sapphira at Kulas..

“Oh sungit, may kasama kang anghel.. Guardian angel mo? Biruin mo sa sungit at tanda mong yan eh meron ka paring guardian angel” ang sabi ni Kulas

Inisnab ni Ionna si Kulas..

Pagkababa ni Turki kay Ionna ay tumalikod na ito at nagtangkang lilipad muli pero pinigilan sya ni Ionna

“Saglit!”

Tumigil si turki at habang nakatalikod ay inaantay ang susunod na sasabihin ni Ionna

“Hindi ka ba tlga magpapakilala sa akin? Gusto ko lang naman magpasalamat sa iyo sa pagligtas mo. .Baka naman kahit sana sa pangalan eh makilala kita” ang sabi muli ni Ionna

“Ako nga pala si Turki..Walang anuman!”

“Sana magkita tayo muli..” pahabol ni Ionna..

Hindi na nagsalita si Turki at saka ito lumipad muli..

“Gwapo sana ang guardian angel mo kaso mukhang suplado ata..” ang sabi ni Kulas

“Inggit ka lang kasi mas gwapo sya kesa sayo” ang pang aasar naman ni Ionna

“Gwapo ka dyan? Wala ng gagwapo pa sa akin ano?... Teka! Nay sapphira! Bakit mo kinain yung prutas na bigay mo sa akin?” ang sabi ni Kulas kay Ionna at kay sapphira nang makitang kinakain ang prutas

“Ang sabi mo ayaw mo? Kaya kinain ko na.. “ ang sabi ni SApphira

“Anak ng tipaklong naman oh.. huhuhu! Gutom na ko eh, binibiro lang kita eh..”

“Edi maghanap ka ng pagkain mo..”

“ Wag na, baka makakita pa ko ng halimaw..”

...

Pagkalipas ng ilang oras, habang natutulog ang lahat. Bukod tanging hindi makatulog si Kulas sa sobrang pag aalala sa kanyang partner, kaya naglakad lakad muna sya sa tabi ng dagat at umupo sa malalaking batuhan doon..

Nang biglang may naririnig sya, isang napakagandang himig na nagmumula sa ilalim ng dagat na dinala ng hangin na bumubulong sa kanyang tenga..

bagama't di niya ito maintindihan, pero ramdam niyang isang tula ito sa kanilang salita..

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon