Chapter 41

936 19 0
                                    

“May naisip ako.. Hindi natin sya pakikiusapang ibigay sa atin ang batong bloodstone, hahayaan nating makipaglaban sila kay Ogno..” ang sabi ni Heera

“Bakit mahal na Reyna? Paano pag naunahan tayo sa pagkuha ng bloodstone.” Ang sabi ng kanang kamay ni Heera

“ano ka ba? Hindi basta basta matatalo si Ogno, kilala ko siya na isang magaling na mandirigma sa buong kaulapan!” ang sabi ni Heera

“Ngunit kung matalo nga niya ang mga Arwa, paano naman natin ngayon makukuha ang bato sa kanya..” ang sabi ng kanang kamay ni Heera

“Si Ogno ay matagal ng may gusto sa akin, ako lamang ang tumatanggi sa kanya dahil nga si Haring Ashmiro talaga ang gusto ko ngunit wala na si Haring Ashmiro at matagal ko ng di natatagpuan si Ogno simula nang mabigo siya sa akin.. Kamakailan ko lamang nalaman at bali balita na nasa kanya ang batong bloodstone..” ang sabi ni Heera

“Ngunit kelangan natin ipaalam kay Haring Ogno ang planong pagsugod ng mga Arwa nang mapaghandaan niya ito..” ang sabi ng kawal ni Heera

....

Sa Kabilang Banda..

Pagkatapos ng kasiyahan nila ay nagpahinga na rin sila, ngunit ang iilan sa kanila ay di pa inaantok kaya nagawa munang makipagkwentuhan..

Nilapitan ni Turki si Kulas na halatang di mapakali..

“Oh Turki, may sasabihin ka ba? Paran di ka matae dyan ah!” ang sabi ni Kulas

“ah eh, Kulas.. may ssabihin sana ko eh, kaso nahihiya ako eh..”

“Ano iyon may maitutulong ba ako?”

“papatulong sana ko ng mga diskarte mo.. kasi gusto ko si Ionna ngunit hindi kami magkamundo kaya di ko alam kung ano ang mga dapat kong sabihin na ikatutuwa niya tutal magkamundo kayo tiyak ko alam mo ang mga bagay na magpapangiti sa kanya..” ang sabi ni Turki

“Sige, lapitan natin siya, ano man ang ibulong ko sa iyo.. un ang sabihin mo.. ayos ba??” ang sabi ni Kulas

“Sige payag ako dyan..” ang sabi ni Turki

Nang makalapit na sila kay Ionna. Habang si Kulas naman ay nakatago sa likod ng bato kung saan nakaupo si Turki kaharap si Ionna...

“Ionna, may gusto sana akong sabihin eh.. “ ang sabi ni Turki

“sabihin mo sa kanya.. di ba sya napapagod..? “ ang sabi ni Kulas para sbihin ni Turki kay ionna...

Parang alangan si Turki na sabihin pero sinabi na rin niya

“Hindi ka ba napapagod?” ang sabi ni Turki

“Huh? Hindi naman, masayang masaya nga ako eh.. napakasaya kasi ng grupo natin..bakit mo naman nasabi napapagod ako?” ang sabi ni Ionna

Hindi na alam ni Turki ang kanyang isusunod..halatang inaantay niya si Kulas para tulungan siya..

“kasi buong araw ka ng tumatakbo sa isip ko..” ang sabi ni Kulas na sya ring sinabi ni Turki kay Ionna

Napangiti naman si Ionna at natuwa naman si Turki dahil epektibo.. ngunit nahuli ni Amatz ang ginagawa nila Turki at kulas kaya lumapit ito ng palihim kay Kulas saka ginulat..

“Huli ka! Ang baduy mo naman pakner bakit yan tinuturo mo kay Turki.. laos na yan sa atin ah!” ang sabi ni Amatz

“Huli ka ..este bakit ka nandito?” ang sabi ni Kulas kay Amatz nang magulat sya kay amatz kaya naulit niya ang unang salitang nabanggit ni Amatz

“Huli ka este bakit ka nandito?” ang nasabi rin ni Turki kay Ionna dahil iyon ang narinig niya mula kay Kulas

“huh! Turki.. anong pinagsasabi mo ayos ka lang?” ang sabi ni Ionna

“ah eh.. wala hehe! Halika makigulo na lang tayo doon kina Toinkz..” ang pagyaya ni Turki para di lang mahuli ni Ionna ang ginawa nilang kalokohan ni Kulas..

...

Makalipas ang ilang saglit..

“Mga kapatid.. si Haring beryl....!!!” ang sigaw ni Aqua nang makita nyang kumikilos na ito..

Nagsilapitan silang lahat...

Pagmulat ni Haring Beryl bumungad sa kanya ang mga itsura ng mga Arwa..

“Sino kayo?” ang unang bigkas ni Haring Beryl

“kapatid, sila ang ating mga kaibigan.. sila ang tumulong para gumaling ka...” ang sabi ni Aqua

“Kasiyahan namin ang iyong mabilis na paggaling kapatid..” ang sabi ni Haring Aviro..

“Maraming salamat sa inyo, sa pagtulong ninyo sa amin..” ang sabi ni Haring Beryl..

“Marami na ang nag hihintay sa iyo Haring Beryl, umaasa na manumbalik muli ang dating sigla ng ating kaharian..” ang sabi ni Katerina..

Pagkatapos ng kamustahan ay nagpasya na ring umalis sina Aqua at Haring Beryl papunta sa kanilang kaharian..

“Hangad ko ang inyong tagumpay mga kapatid, napakasaya ng aking pakiramdam mula ng makilala ko kayo, umaasa akong magkakaroon tayong muli ng ganitong kasiyahan.. pinsan Katerina, aantayin namin ang iyong pagbabalik sa ating kaharian.. “ ang sabi ni Aqua at tuluyan na silang nagpaalam ni Haring Beryl..

“Hayaan mo Aqua, mapapadalas ang kasiyahang tulad nito.. lagi ka naming papasundo kay Katerina..” ang sabi ni Perry..

“Paalam Aqua!! Paalam Haring Beryl!!” ang sabi ng mga Arwa..

....

Pagkalipas lamang ng ilang saglit..

Umulan ng bato...

Malalaking bato na nagmumula sa ulap....

Nagtakbuhan ang mga Arwa at naghanap ng masisilungan...

..

“Saan nanggagaling ang mga batong iyon??” ang sabi ni Adamas

“Parang nagmumula sa mga ulap..!!” ang sabi ni Sapphira..

“Teka madam, sisilipin ko.. gusto nio ba puntahan ko ang ulap at babalitaan ko kayo??” ang sabi ni Gla-gla

“Wag kang umalis gla-gla, dito ka lng.. baka kung ano pa ang mangyari sayo!” ang sabi ni Adamas..

“Nagsisimula ng maghasik si Ogno.. ang kilalang mandirigma ng kaulapan..” ang sabi ni Haring Aviro..

“Sino si Haring Ogno?” Ang sabi ni Sapphira..

“Si haring Ogno ay ang hari ng ikaanim na ulap.. kilalang masamang mandirigma ng kaulapan..Madalas sila nakakabangga noon ni Haring Ashmiro dahil pinagseselosan ito ni Ogno dahil si Ogno ay may gusto kay Heera.. Lumalakas si Haring Ogno sa tuwing may nasisipsip syang dugo, dugo ng isang Arwa , madalas ay anghel ang puntirya nito..” ang sabi ni Aviro..

“Naku, kelangan pala mag ingat ni Turki.. Ionna bantayan mo mabuti guardian angel mo.. ikaw muna maging guardian amazona nia kasi baka matigok sya ni Ogno” ang sabi ni Kulas

“Kelangan ko ring bantayan guardian Devil ko kasi diba kambal sila, kung ano mangyari sa isa un din mangyayari sa isa..Hirap pala nito..” ang sabi naman ni Amatz..

“Kelangan nating magplano papano tayo susugod doon..” ang sabi ni Perry..

Ang batong inihahagis ay nagkakaroon na ng apoy.. lalong tumitindi.... hindi na nila ngaun alam paano sila makakapunta sa ulap na iyon baka bago man sila makarating ay lasog lasog na sila..

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon