Chapter 48

890 19 0
                                    

“Aviro, hindi ko kelangang mag iba ng anyo! sa puso mo, sa puso ninyo mararamdaman ninyo kung ako’y nanlilinlang lang o hindi!! Wala akong dapat ipaliwanag sa inyo, naririto ako dahil nakatakas ako kay Heera!” ang sabi ni SApphira..

Hindi na alam ngayon ni Perry at Aviro kung maniniwala pa ba sila o hindi kay SApphira kahit ramdam nilang parang totoo na ang sinasbi nito.. Nang biglang dumating si Gla-gla..

“Bossing Perry, si Sapphira nga talaga yan..” ang sabi ni Gla-ga..

“Saan ka galing gla-gla, bakit ka nga pala biglang nawala..” ang sabi muli nito..

“Pasikreto akong naglibot sa palasyo, bagamat maliit lang ako, kaya di masyadong nahalata at nag ingat ako ng husto baka sakaling may madiskubre..At nadiskubre ko nga ang mga walang malay na katawan ng mga babaeng Arwa, bukod tanging wala doon ang katawan ni Sapphira kung kaya’t naisip kong nakatakas ito, kaya naniniwala akong nagsasabi ng totoo si Sapphira..” ang sabi muli ni Gla-gla.

“Ganun ba!! Naku! Pasensya na .. Sapphira!!! Patawarin mo ako sa ginawa ko sa iyo.. patawad!!! Di ko sinasadya, di ko nais saktan ka, sobrang nadala na kami sa ginagwang panlilinlang ni Heera..” ang sunod na sunod na sabi ni Aviro at saka niyakap si Sapphira na alalang alala at hinalikan sa noo..

“Wala yon Aviro, naiintindihan ko.. nais niyo lamang na mag ingat..” ang sabi muli ni Sapphira

“Patawad Nay Sapphira..sana mapatawad mo rin ako sa ginawa ko.. sa kabila non ako’y nagagalak at nakaligtas po kayo.. Paano nga po pala kayo nakaligtas?” ang sabi ni Perry..

“Wala iyon Perry naiintindihan ko.. Akala namin nung una’y ikaw talaga iyon, ngunit nang magbago ang anyo niya ay biglang naging si Heera siya, nilabas niya ang kanyang kapangyarihan sa amin at lumaban si Adamas, at sinabi ni Adamas na tumakas na kami, bigla akong nag invisible ngunit naabutan at nahuli sila Amatz, Katerina at Ionna, bukod tangi lamang ako ang nakatakas...Hindi ko na alam ang nangyari sa kanila, gustuhin ko mang balikan sila ngunit huli na, pagsilip ko, naglaho na sila..di ko na alam kung saan sila dinala ni Heera, Marahil dinala sila kung saan, para hindi ko sila mabalikan na kasama na kayo” ang sabi muli ni SApphira..

“Kinukuha ni Heera ang mga kapangyarihan ng mga kasama natin upang lumakas siya lalo at ginagamit nito ang katauhan nila para malinlang tayo at mauto.. Napakatindi ng kanyang kasamaan..Hindi sya lumalaban ng patas..!!” ang sabi ni Perry

Biglang sumulpot si Heera sa kanilang harapan..

“Ha!Ha!ha!” andito lang pala kayo!! Ikaw na lang pala Perry ang natitirang dapat kong patayin para mabuo ko na ang mga bato!” ang sabi naman ni Heera

“Yan ang di ko hahayaang mangyari Heera!! Patayin mo muna ko bago mo makuha ang bato, pero di ko hahayaang mapatay mo ko ng ganun ganon na lang!!” ang sabi ni Perry

“Wala kang kasing sama Heera!!” ang sabi ni Aviro

“Matagal na!! Ha!ha!ha!” ang sabi muli ni Heera

“Kinasusuklaman kong naging kapatid pa kita!!” ang sabi ni Aviro sa kanya na syang ikinagulat ni Perry na lingid sa kanyang kaalaman na magkapatid pala si Aviro at Heera (nabanggit sa unang chapter na sila’y magkapatid)

at saka inilabas ni Heera ang kanyang kapangyarihan sa kanila. Tumalsik si Perry at si Aviro saka naman nag invisible muli si Sapphira, dahil hindi na kaya nito makipaglaban sa natamong mga sugat dahil sa ginawa nila Perry at Aviro sa kanya..

Nang sasaksakin na ni Heera si Perry ay saka naman pinigilan ni Sapphira si Heera na sya namang ipinagtaka ni Heera dahil di niya ito nakikita...

Biglang nilabas ni Heera ang kanyang kapangyarihan para tumalsik si Sapphira at tumama naman sa pader..

Sa ginawang iyon ni Sapphira ay naibaling ni Heera ang atensyon sa kanya kung kaya’t nagkaroon ng pagkakataon si Perry para labanan sya saka niya sinaksak si Hera ng kanyang espada ngunit agarang napansin iyon ni Heera kaya nadaplisan lamang ito.. Nilabas muli ni perry ang kanyang kapangyarihan at ganun rin si Heera at sumabog lamang ang kanilang kapangyarihan sa gitna hanggang sa umeksena si Gla-gla para lituhin sa pamamagitan ng paglilipad lipad nito palibot kay Heera at doon nagkaroon ng pagkakataong labanan ni Aviro at ni Perry si Heera..

Pinana ni Aviro...

Sinugod ni perry para saksakin niya si Heera, ngunit nang sasaksakin niya na ito ay biglang nagbago muli ng anyo si Heera at ginamit ang katawan ni Kulas..

“Kapatid!!! Wahhh! Ano yan! Napapautot ako sa kaba sa iyo ah!!! Wahhh! Wag mo naman ako patayin!! Ayaw ko pang mawala! May lagusan part 2 pa eh! Ikaw naman! Sige ka! Pagnawala ko di na masaya!” ang sabi ni Kulas

Napatigil si Perry dahil tumambad sa kanya ang anyo ni Kulas ngunit nang makarinig sya ng bulong mula kay Sapphira.. “Ituloy mo Perry.. hindi yan si Kulas, alalalahin mo, nililinlang lang tayo ni Heera..”

Para makasiguro si Perry kinuha niya si Kulas at sinakal saka iniangat sa ere, lumabas ang kapangyarihan nito sa kamay para mas higpitan pa nito ang pagkakasakal..

Hirap na si Heera sa pagkakasakal sa kanya ni Perry kung kaya’t nakawala ang kaluluwa ni Adamas, bago pa makawala ang ibang kaluluwa ay agad dahang dahang kinuha ni Heera ang kanyang sandata saka sinaksak si Perry sa tagiliran na syang dahilan sa pagkakabitaw nito sa kanya..

Nagkasugat sa tagiliran si Perry, sumugod si gla-gla at Aviro para gumanti, ngunit biglang naglaho si Heera..

Lingid sa kanila na may isang kaluluwang nakawala sa ginawang pagsakal ni Perry kay Heera... kaya makailang saglit lamang, nagising si Adamas sa kanyang ilang oras na pagkawalang malay..

“Huh?? Anong nangyari sa akin? Hala, bakit nakahandusay ang mga katawan ng mga kaibigan ko.. Amatz!! IOnna!! Katerina!! Magsigising kayo!!” ang sabi ni Adamas..

...

Nang masiguro ni Adamas na di na magigising pa ang kanyang mga kaibigan ay naisipan na nitong umalis para hanapin ang natitira niyang mga kaibigan at hanapin si Heera para mapatay...

Makalipas ang ilang saglit.. Natagpuan din niya sina Perry...

“Perry!!” ang sabi ni Adamas..

“Adamas!!” ang sabi ni Perry habang hawak nito ang kanyang tagiliran dahil sa natamong sugat mula kay Heera!

“Perry, baka impostor yan!” ang sabi ni Aviro

“Madam ko?? Ikaw ba yan??” ang sabi ni Gla-gla

“gla-gla, wag kang pumunta !!” ang sabi ni Sapphira..

Nang aakmang lalapit na si Perry dahil sa sobrang pananabik kay Adamas at di na niya inisip pa kung impostor ito o hindi ay biglang may tumawag sa kanyang muli sa kabilang dako..

“Perry!!!” ang sabi ng isa pang Adamas..

“Huh??? Dalawa kayo?? Sino ang impostor?” ang sabi muli ni Perry..

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon