Chapter 33

1K 22 0
                                    

Lumipad na silang tatlo, habang si Ionna ay nasa likuran ni Turki..

“Sana, ayos lang kapatid mo Turki, sana makaabot pa tayo at wala sanang mangyaring masama sa iyong kapatid..” ang sabi ni IOnna

“Wag kang mag alala, wala pang nangyayari, dahil kapag may nangyari sa kanya, apektado din ako..” ang sabi ni Turki

“Ako nama’y nasasabik sa paghaharap naming muli ng aking amo.. Matagal tagal ko na rin syang hindi nakikita..” ang sabi ni Gla-gla

“Sino ba ang iyong amo?” ang sabi ni IOnna

“Si Adamas Athena, siya ang aking amo, ibinilin sya sa akin ng kanyang ina bago ito mamatay at ako na halos ang kasa kasama nya hanggang sya’y nagdalaga.. nagkahiwalay kami dahil nagkaroon na rin ako ng sariling pamilya ngunit naging mahirap sa akin ang iwanan sya, ngunit ito’y kagustuhan na rin nya..” ang sabi ni gla-gla habang sila’y lumilipad..

“Si Adamas ang iyong amo?? Nagkaharap na kami nila Adamas kasama si Perry, ipinagtanggol nila kami kay Heera at ginamot naman ako ni Perry, ngunit di na kami nagkausap pa ng matagal dahil kelangan ko na ring umalis nung mga oras ding iyon..” ang sabi ni Turki..

...

Sa Kabilang Banda..

“Magaling, magaling! Magaling! Natalo niyo rin pala ang dragon..buti naman at nagawa ninyong makaligtas sa pain ko! Ganoon pa man.. Ako’y natutuwa sa aking anak na si Toinkz dahil nagampanan nya ang kanyang pangakong paniwalain kayo sa kanyang kabaitan! Ha!ha! ha! Mga uto! Uto!’ ang sabi ni Heera na biglang sumulpot sa kanilang harapan..

Nagulat ang lahat sa pagsulpot ni Heera sa kanilang harapan at mas lalong nakakagulantang ang balitang dala nito.. Si Toinkz ay pinaniwala lamang silang mabait sya at kaibigan sya.. 

Napayuko si Toinkz at halatang guilty at nagsisisi sa kanyang ginawa..

“Totoo ba ito Toinkz..” ang sabi ni Amatz na halatang alalang alala at kabado sa kanyang maririnig.

Lumingon si Toinkz kay Amatz at..

“Amatz.. hindi ko sinasadya.. hayaan mo muna ko magpaliwanag..” ang sabi ni Toinkz

Napaluha na si Amatz at hindi na nagawang magsalita, pailing iling sya at sinabi nya.. “Buong akala ko ang isang halimaw na katulad mo ay may pag asa pang magbago, isa ka pala talagang halimaw!! Hindi ka pala talaga dapat pagkatiwalaan!! Sayang Toinkz, .. Sinayang mo lahat, ang tiwala ko, ang pakikisama namin sa iyo at higit sa lahat .... at higit sa lahat ang pagmamahal ko sa iyo..!!” at hindi na napigilan ni Amatz ang mga luhang bumagsak sa kanyang mga mata at saka tumalikod at tumakbo, umalis siya at lumayo pansamantala para iwasan ang anumang paliwanag ni Toinkz..

“Amatz!!!” ang sigaw ni Toinkz at tinangkang hahabulin ito ngunit pinigilan siya ni Kulas..

“Huwag mo na syang sundan kundi ako ang makakabangga mo!! hayaan mo na ang pakner ko..dahil totoo namang masakit ang ginawa mo sa kanya.. kung di lang masakit manapak sa batong katulad mo sinapak na kita kanina pa, sana tao ka nlng ng mabigyan na kita ng black eye! nyemas!!!” ang gigil na sinabi ni Kulas

“Tama na Kulas, hindi tayo dapat basta basta nagpadalus dalos ng paghusga sa ating kapwa, bakit hindi muna natin pakinggan si Toinkz?” ang sabi ni Katerina..

“Toinkz, magpaliwanag ka.. totoo ba ang sinasabi ng nanay mo?” ang sabi ni Sapphira..

Nanatiling tahimik si Toinkz at halatang nagtitimpi na ito sa galit!! Hirap na hirap na syang magdesisyon ngayon kung kanino siya sa sasama, sa nanay nya o sa mga kaibigang napamahal sa kanya?

“Wala kang sapat na ebidensya Heera.. Hangga’t wala kang pinapatunayan sa amin, mananatiling kaibigan si Toinkz sa amin.. Wala kaming rason para kamuhian sya at itakwil siya..” ang sabi ni Perry

“ha!ha!ha! alam kong iyan ang una ninyong sasabihin sa akin, Toinkz, sabihin mo nga sa kanila ang katotohanan.. Anak, ito na ang paraan para patunayan mong karapatdapat kitang ipagmalaki bilang aking anak..kunin mo na ang mga bato sa kanila! At mamuhay na tayo ng masaya, ikaw lang at ako anak!“ ang sabi ni Heera at pilit na kinukumbinsi si Toinkz

“Mga kaibigan ko, oo totoo ang sinasabi ng aking ina.. nagpanggap akong mabait sa inyo yun ay dahil nais kong makuha ang bato, ginawa ko ang lahat upang mapalapit sa inyo at makuha ko ang inyong tiwala..” ang sabi ni Toinkz

“Toinkz bakit?? Bakit kelangan mong gawin iyon sa amin!! Pinagkatiwalaan ka namin ng lubos at naniwala kaming isa ka ng mabuting halimaw... sinayang mo ang lahat..” ang sabi ni Adamas

“Teka lang! hindi pa ako tapos... Ngunit sa paglipas ng panahon, ang inakala kong mabibiktima ko kayo at makukuha ang bato sa inyo ay nagkamali ako, dahil ang nangyari ay ako ang nabiktima.. Nahulog ako sa inyong patibong, dahil napalapit kayong lahat sa akin.. “ ang sabi ni Toinkz na halatang nagmula ito sa kanyang puso saka nilingon si Heera “Inang Reyna, ang mga nilalang na ito ang nagturo sa akin kung paano kasarap magmahal, ano ang tunay na pakikipagkaibigan, ang masayang samahan, ang respeto sa bawat isa at pagmamalasakit.. dito ko naranasang tumawa hindi dahil sa may napatay ako, hindi dahil sa may ginawa akong masama, tumawa ako dahil sa biruan, dahil sa kulitan, dahil naging masaya ako kapiling nila, dahil ni minsan di naging hadlang ang pagiging halimaw ko, na parang kauri ko lang din sila, at sila’y nagtiwala sa aking kakayahan.. ang mga nilalang na ito ay di kaya ng konsensya kong iwan at gawan ng masama.. Patawad aking ina, kung sa pangalawnag pagkakataong ito ay binigo ko kayo..” ang sabi ni Toinkz..

“maganda ang speech mo parekoy! Pero tingin mo maniniwala ako sa iyo?? Baka patibong nio naman iyan ng nanay mo ah! Dyan ka na nga, mapuntahan nlng ang pakner ko” ang sabi ni Kulas

“Toinkz, naniniwala ako sa iyo, tulad ng sabi ko sa iyo..ang lahat ay may karapatang magbago, karapatang magsimula muli.. Kaya panghahawakan kong muli ang lahat ng binitawan mo, andito lang ako sa likod mo kapatid, susuportahan kita.. “ ang sabi ni Perry

“Tonto! Wala ka ng galang sa iyong Ina!! Sarili mong ina tinatakwil mo nang dahil lang sa mga nilalang na ito na ngayon mo lang naman nakasama!!! Nasaan ang utak mo!! ggggrrrrrrrrrrrrr!!!” ang galit na galit na sabi ni Heera at tinatangkang ilalabas ang kanyang kapangyarihan para parusahan si Toinkz ngunit bago nangyari iyon ay sumulpot si Turki..

“Wala syang dapat ikahinayang kung mawala ka Heera!!!” ang sabi ni Turki na biglang sumulpot na malapit kay Heera

Nagulat ang mga Arwa sa pagsulpot ni Turki at tumambad din sa knila sina Ionna at Gla-gla

“Gla-gla!!!!!!!!! Namiss kita owl ko..” ang sabi ni Adamas ng Makita nya si gla gla saka niyakap ito at napaluha

“Adamas!! Ang tagal nating di nagkita..” ang sabi ni gla gla at yumakap din kay Adamas

“Teka, bakit di ko Makita si Kulas?” ang sabi ni Ionna sa kanyang isip habang nilinga linga niya ang kanyang ulo kakahanap kay Kulas


“Anong sinasabi mong wala akong dapat ikahinayang kung mawala ang akign ina?? “ang pagtatakang tanong ni Toinkz

“Oras na para malaman mo ang katotohanan??” ang sabi ni Turki

“Walang katotohanan!! Walang dapat malaman.. at sino ka naman na bigla bigla ka nlng pumapasok dito!! Lumayas ka kung ayaw mong mamatay ng maaga!” ang sabi ni Turki

“Sige! Kung papatayin mo ako, alam mo na madadamay ang iyong anak anakan..” ang sabi ni Turki

“Wala akogn maintindihan?? Sino sya Ina?? “

“Toinkz, wala kang dapat ikatakot kung mawala ang Reynang ito dahil hindi sya ang iyong...”ang sabi ni Turki nang biglang aakmang sasaksakin sya ni Heera..

“OO!! Wala nga syang dapat ikahinayang dahil uunahan ko na kayong mawala sa mundong ito!!!” ang sabi ni Heera..

Pero lingid sa kanya na mabilis kumilos si Turki at bago nya ito masaksak ay bigla na ito nakalipat sa likuran ni Heera at aakmang sasaksakin niya si Heera nang biglang nilabas ni Toinkz ang kanyang kapangyarihan upang tirahin si turki dahil ssaktan ang kanyang ina..

Sabay talsik nila pareho...

“Turkiiiiiiiiiiiii!!” ang sigaw ni Ionna at dali dali nyang pinuntahan si Turki..

Mababanggit na kaya ni turki ang katotohanan?? O hindi sya magkakaroon ng tyansang aminin ito..
Kanino na kaya sasama si Toinkz gayong hindi rin nya kayang Makita ang ina nya na inaapi ng kung sinu man..
...

Sa Kabilang banda..
Hinanap ni Kulas si Amatz.. at makailang saglit lamang..

Nakita na ni Kulas umiiyak si Amatz sa ilalim ng puno...

“Hoy pakner!! Ano ka ba? Halimaw lang iyon iniiyakan mo.. nyemas naman!! Daming nagmamahal sa iyo sa mundo natin eh.. don sa dating tambayan natin si Azul.. ayaw mo na ba doon?” ang sabi ni Kulas

“Ayaw ko na doon noh! Pwede ba? May sariling buhay na iyon..” ang sabi ni Amatz

“eh sii....sino nga ba iyon? eh si pula?” ang sabi ni Kulas

“ikaw intrigero ka rin ano?? Ewan ko, magkaibigan lang kami non..”

“Sus pang showbiz.. bumubuo ka ba ng Philippine flag, di ka rin makabayan eh noh?? Meron ka ng azul may pula ka pa! Haha! Baka may dilaw naman sunod? Huwag mong sabihin pati si Noynoy eh dumidiskarte na rin sa iyo.. haha!” ang pang aasar ni KUlas

“Ikaw puro ka kalokohan..nilalayo mo usapan..” ang sabi ni Amatz

“siempre naman pakner! Ayaw ko kasing malungkot ka..pinapatawa lang kita.. gusto mo doon na lang kay..joey!” ang sabi ni Kulas

“Sinong joey naman yan?? Wala naman akong kilalang joey.” Ang sabi ni Amatz..

“Si joey, si joey Marquez.. haha! friendly sa chicks! Berde siguro kulay non.. bkit pa kasi kay Toinkz ka pa eh halimaw naman iyon..” ang sabi ni Kulas

“Mambuko daw ba?? pakelam mo ba ah! Gusto ko iyong mga ganong tipo eh, mga mababangis.. grrrrawwwwwr!! Kapag mag lalabing labing kami bago matulog hehehe!” ang sabi ni Amatz na parang baliw dahil tawa- iyak ang ginagawa..

“Iilan lang naman makakarelate sa sinasabi ko eh! Hahah! halimaw naman pala gusto mo eh marami nyan sa capiz, mamili ka.. wag ka na dito sa mundo nila maghanap noh! Paano mo dadalhin yan si Toinkz sa mundo natin pagbumalik na tayo! Baka pagkaguluhan pa yan !” ang sabi ni Kulas

“Nyemas ka! Love life ko to noh! Minsan lng magmahal iyong tao kinokontra mo pa..”

“iyon nga minsan ka nlng magmahal nasaktan ka na naman dahil dyan sa halimaw na yan..pag ako mabwisit ilalabas ko ang panyong pula ko dito at maglaban nlng kami... magbull fight na lang kami Hahaha! ” ang sabi ni Kulas..

“bumalik ka na nga doon kulas!! Tumutulo na uhog ko sa iyo! Para na kong baliw dito, tawa-iyak na ginagawa ko! Minsan na nga lang mag emo, di pa rin maiiyak sa akin ang mga mambabasa!” ang sabi ni Amatz


...

Author's NOte:

kung di po kayo makarelate sa asarang kulas at amatz kung minsan, dahil po iyan hango na sa totoong buhay.. hihihi

ang mga bida dito ay mga co-admins ko sa Bahay na Bato (ampunan ng mga nababato) yan din po ang gamit nilang pangalan, naisipan ko lang pong gawan ng novel ang mga co-admins ko at ang fanpage namin...

enjoy reading!!

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon