Chapter 21

1.1K 29 1
                                    


Sa paghahanap ng bato, natagpuan nila ang bato sa gitna ng kweba na pinaglilibutan ng ahas..

May mga steps pero pagnagkamali ka sa paghakbang, malalaglag ka sa bangin na puno ng mga ahas..

Sinbukuang  nilabas ni Katerina ang kanyang kapangyarihang yelo para may daanan si Kulas papunta sa bato, pero mabilis itong natutunaw dahil ang mga ahas ay may angking kapangyarihan na mainit ang mga balat nito na nakakapaso

“Ako na ang kukuha..” ang sabi ni Kulas


“May pag asa pa kyang makuha natin ang batong Topaz?” ang sabi ni Sapphira

“Kayang kaya ko iyan.. Nay naman nawawalan ka ng tiwala sa akin eh, wala ka ata bilib sa akin” ang sabi ni Kulas

“Naku, , umuwi na tayo sa mundo natin kulas.. hayaan na natin sa kanila ito, tama na ang nakatulong tayo..” ang sabi ni IOnna

“ngayon pa ba tayo susuko?? Kung kelan marami na tayong pinagdaanan?” ang sabi ni Sapphira

“Kulas, ikaw ang magdedesisyon.. kung ayaw mo ng ituloy…kung ito naman ang talagang magiging kapalaran namin, na si Heera ang mamumuno sa mundo namin at matuluyang mawala ang magagandang nilalang dito at mapalitan ng mga halimaw..” ang sabi ni Katerina

“Kinonsensia mo naman ako.. . basta maghahabilin lang ako ah, pag ako namatay gusto kong patugtogin nio sa lamay ko eh yung “ill be missing you” by puff daddy ah! Kasi gusto ko masaya pa rin kahit pinaglalamayan na ko tapos habang hinahatid ako eh sumasayaw sayaw pa sila habang umiiyak. Tandaan nio yan ah?? At ayaw ko ng kape at biskwit ang handa ko gusto ko spaghetti at juice parang party. Ayaw ko kasi ng emo eh! Sensya na. Hehehe!” ang sabi ni Kulas

“Kulas, mag iingat ka ah..” ang sabi ni ionna na halatang nag aalala

Maya maya ay humakbang na si Kulas sa unang step, umuuga uga ito at natakot ang lahat ngunit nabalanse naman niya ang kanyang sarili..

Sumunod na hakbang naging swabe naman, hanggang sa mga ilang hakbang pa..

Ngunit pagdating sa pinaka huling hakbang… sumablay na si Kulas

“Kulassssssssss!!” ang sigaw nila Ionna..

Pinana agad ni Ionna si Kulas at natamaan ang sando nito na tumagos at tumusok sa bato kung saan nakatungtong ang batong Topaz,

Buti na lang nasagip ng pana ni Ionna si Kulas

Napabuntong hininga ang lahat sa takot..

Pero unti unti ng nababali ang pana, kaya binilisan ni Kulas ang pag kapit sa bato.. at nakuha na rin niya ito..


bumalik na rin si Kulas sa mga kasama, at alam na nito ang mga steps na hindi makakapalaglag sa kanya..

“kala ko katapusan ko na.. salamat ionna” ang tugon ni Kulas

“wala iyon.. “ ang nagblush na si ionna

“ang galing galing mo naman Kulas, dahil dyan may premyo ka sa akin!” ang sabi ni Katerina

“anong premyo? Mawt mawt din ba iyan?? Hihihi! Sige pipikit na ko, isa lang ah!” ang pagbibiro ni Kulas at natawa na lamang si Katerina na sya namang lalong ikinaselos ni Ionna

“Akin na nga yang lubid ko! Tapos na ang labanan kaya babawiin ko na!” ang sabi ni Ionna at hinatak ang lubid na syang dahilan para mahubaran si Kulas sa harap ni Katerina

“Aww! Eto talagang si Ionna parang araw araw nireregla! Hindi pa rin ba tapos yan? Parang isang buwan ka ng dinudugo! Pakunwari ka lang gusto mo lang akong silipan eh!” ang pagbibiro ni Kulas

Nagsimula na uli silang naglakbay at naghanap ng mapagpapahingaan nila para sa susunod nilang pupuntahan..

Habang si Sapphira ay nagsisiga at inilabas ang kanyang kapangyarihan ay napapalapit bigla si Katerina..

“Nay, apoy po pala ang kapangyarihan ninyo.. may naaalala lang kasi ako, ganyang ganyan po kasi ang kapangyarihan ng lalakeng nagpatibok ng puso ko..” ang sabi ni Katerina..

“Maaari ko ba syang makilala? Anong pangalan niya” ang sabi ni Sapphira

“Siam Ot po Nay..” ang sabi ni Katerina..

“Siam OT!!! Anak ko yon! Ikaw pala ang babaeng naikukuwento nia na hindi nya matanggap ang paghihiwalay ninyo.. alam mo ba kung nasaan ang anak ko??” ang sabi ni Sapphira

“Ang pagkakaalam ko po ay nais nyang magpakalayo layo at may nakapagsabi na namumuhay na sya sa mundo ng mga tao..” ang sabi ni Katerina..

“Umaasa akong babalik pa sya at magkakasama kami..” ang sabi ni Sapphira

“Hangad ko rin po ang kanyang kaligayahan, dahil natuto na rin po ako at tanggap ko na na hindi kami para sa isa’t isa..” ang sabi ni Katerina..

Makalipas ang ilang oras ay nagpaalama na rin si Katerina kina Kulas..

“Teka saan ka pupunta?” ang sabi ni Kulas

“kelangan ko ring magpahinga sa ilalim ng tubig dahil doon ako humuhugot ng lakas, masyado na ring matagal akong nasa lupa..” ang sabi ni Katerina

“Ganun ba? Sayang naman di pala kita makakatabi..” ang sabi ni Kulas

“Gusto mo bang sumama sa mundo namin?”

“paano? Hindi naman ako pwedeng tumagal sa lugar ninyo..” ang sabi ni Kulas

“Halika!!” hinatak ni Katerina si Kulas at nagpaalam sila kay Sapphira at Ionna

Nakaramdam ng lungkot si Ionna dahil nararamdaman niyang unting unti na napapalayo sa kanya si Kulas at mukhang masaya na it okay Katerina..

Nilabas ni Katerina ang kanyang kapangyarihan upang hawiin ang tubig..

Sa kalahating bahagi ng tubig doon mtutulog si Katerina, at sa gitna ng dalawang pinaghiwalay na bahagi ng tubig doon si Kulas nakapwesto..


“Wow! Ang galing naman nito! kala ko sa movie ko lang napapanood ito! Totoo palang pwede ring mangyari ito.. sa wakas makakatabi na rin kitang matulog at mapagmamasdan pa.. maaari mo bang ibahagi ang iyong mga tula sa akin hanggang sa makatulog ako?“ ang sabi ni Kulas

“oo ba?” ang sabi ni Katerina

At binahagi nga muli ni Katerina ang tula nya kay kulas, pero sa pagkakataong ito, ay hindi na malungkot ang kanyang mga tula..

Makalipas ang ilang oras ay nakatulog na rin si Kulas at habang si Katerina ay pinagmamasdan si Kulas, makailang saglit ay lumapit sa kanya ang pinsan nyang si Aqua..

“Umiibig ka na ba muli? Dahil muli kong nasilayan ang mga ngiting iyan sa iyo..” ang sabi ni Aqua

“Hindi naman, nakakatuwa lang talaga ang lalakeng ito! Napakamasayahin nya at kayang dalhin anumang klaseng problema ang dumating sa kanya” ang paliwanag ni Katerina

“Kamusta na nga pala? Nahanap mo na ba si Perry? Kelangan mong mahanap sia sa lalong madaling panahon dahil lumalala ang sakit ni Beryl at kelangan ko ang tulong ni Perry upang mapagaling ito..” ang sabi ni Aqua..

“wag kang mag alala, nararamdaman kong malapit na ang pagtatagpo naming ni Perry at hihilingin ko ang tulungan tayo..” ang sabi ni Katerina..

............



....

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon