Chapter 11: Ang Sagupaan ng mga Mortal at Immortal

1.2K 34 2
                                    

Chapter 11:

Pagkahagis ni Toinkz kay Sapphira ay biglang inilabas naman ni Sapphira ang kapangyarihan nyang apoy, bago man natamaan si Toinkz ay nailabas na rin naman nya ang kapangyarihan nyang mala-kuryente kaya sumabog lang sa gitna ang kanilang kapangyarihan na walang natamaan..

Naabutan ni Kulas at ni Ionna nakasalampak sa lupa si Sapphira dahil hindi pa ito tumatayo mula sa pagkakahagis sa kanya ni Toinkz.

Hinatak agad ni Kulas si Sapphira habang si Ionna naman ay pinapana itong si Toinkz ngunit sadyang magaling umilag at dumepensa si toinkz kaya hindi tumatama sa kanya..

“nay, tayo na po kayo para makatakas na tayo! Wag mong sabhing nirarayuma kayo kaya di kayo makatayo..” ang sabi ni Kulas

“Sira! Nasaktan ako sa pagkakahagis sa akin ni Toinkz! “ ang sabi naman ni SApphira..

“Aww ganon po ba.. hayaan na po natin si amazonang ionna dyan kay toinkz, kaya na nya yan! Pero paano ang pakner ko.. nyemas naman ang babaitang iyon ang tindi ng tama!hayz!” ang sabi ni Kulas

Habang si Ionna ay nakikipaglaban kay Toinkz, hindi naman makahanap ng tiempo si kulas at si Sapphira na puntahan si Amatz sapagkat naroroon mismo sa likuran ni toinkz si amatz. Kung kaya’t pinili na lamang nila ang tumakas nang biglang may sumulpot pang halimaw sa kanilang harapan

“Anak ng tipaklong! Ilang halimaw ba kayo! “ sabay sinubukan ni Kulas suntukin ang katawan nito ngunit hindi man lang nasaktan ang halimaw

“Gggggggrrrrrrawwwwwwwwwwr” ang sabi ng halimaw na nasa harapan ni Kulas

“aba aba! Sinisindak mo ko ah! Akala mo natatakot ako sa isang mata mo ah! Biglang sinundot ni kulas ang nag iisang mata ng halimaw na iyon at biglang napuying ang halimaw at aakmang tatakas si Kulas kasama si Sapphira pero biglang naabutan sila ng halimaw at nahawakan ito bigla sa kamay si kulas

“Nay!!! .... Nay!! Ang halimaw oh sasaktan ako oh!!” ang pagsusumbong ni kulas kay Sapphira

Biglang inilabas ni Sapphira ang kanyang kapangyarihang usok para di sila Makita ng kalaban nila at lalong hindi sya nakita ng kalaban dahil naging invisible si Sapphira at saka nya inilabas ang kanyang kapangyarihang apoy at namatay din ang halimaw.

“akala mo kakayanin mo si nanay sapphira namin ah! Ano ha? Ano ? lalaban ka pa ah!” ang pang aasar ni Kulas

Naghahanap ng tiempo muli si Sapphira upang mabawi nila si amatz na ngayon ay napakalapit kay Toinkz.

...

Sa kabilang banda..

Nakipaglaban si ionna kay toinkz, inilabas nia muli ang sibat nya at sinubukang tamaan si Toinkz, nadaplisan niya ito sa kaliwang balikat na syang ikinasugat nya, planong gumanti ni Toinkz, tumakbo ito ng napakabilis palapit kay Ionna. Halong kaba at takot na ang naramdaman ni Ionna dahil nakikita na nya ang galit ni Toinkz at papalapit ito sa kanya. Nang pinlanong kumuha muli ni Ionna ng pana sa kanyang likuran ay wala na itong makapa, naubos na pala ang sibat nya, hindi na nya alam ang gagawin nya paano pa sya makakalaban kay Toinkz, nang biglang...

Dumating si Turki na biglang binitbit palipad si Ionna, na syang ikinagulat ni Toinkz kung sino ang lalakeng biglang umeksena at nangialam. Hindi na nagawang habulin pa ito ni Toinkz sapagkat nakita nyang palapit na si Sapphira kay Amatz at dali dali nya muli itong pinuntahan..

Inilabas ni Toinkz ang kanyang kapangyarihan upang ihagis si Sapphira muli at dahil may tama na si Sapphira simula pa lang ng labanan nya sa mga halimaw at kay Toinkz ay saka nya inilabas ang kanyang kapangyarihang invisible para indi na ito makita nang mapansin nyang siya na ang puntirya ni Toinkz, Hindi na sya Makita ni Toinkz at binaliwala na lamang nya ito at ibinaling ang atensyon kay Amatz. Ibinitbit nya ito at saka lumipad pabalik sa kanilang kaharian, 

habang si kulas ay nagatatago sa puno.

“anak ng tipaklong! Wala man lang ako magawa para iligtas ang partner ko! Paano na sya? Nyemas!” ang malungkot na sabi ni Kulas

Nagpakita muli si SApphira at saka kinausap si Kulas

“Kulas, pagpaumanhin mo, ginawa ko ang lahat ngunit sadyang nahirapan ako dahil sa dami ng kinalaban ko at medyo nanghihina na ako. Patawad kung hindi ko nailigtas ang kaibigan mo” ang sabi ni SApphira

“Walang anuman po iyon nay, alam ko pong matapang ang kaibigan ko at kayang kaya nya yon...” ang sabi ni Kulas

“Nasa iyo ba ang batong nakuha nya?”

“Wala po sa akin nay, nung iniligtas ko sya sa ilog eh inilgay ko po sa bulsa nya kasi sya naman po ang nakakuha non at pinaghirapan po nya iyon, plano ko sana sabihin iyon sa kanya pag bumalik na sya sa katinuan, di ko naman akalaing kukunin pala sya ng halimaw. Patawad nay!” 

.....

Sa Kabilang Banda..

“Sino ka?” ang sabi ni Ionna sa lalakeng anghel na nagligtas sa kanya 

Hindi sumagot ang lalakeng anghel pero kitang kita sa kanyang mukha na parang nahihirapan sya sa kanyang paglipad dahil sa sugat na kumikirot sa kaliwang balikat nito..

....

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon