Chapter 31

1K 22 0
                                    

Sumakay na sa likod ni Toinkz si Sapphira at naging invisible ito, kaya tanging si Toinkz lang ang makikitang makikipaglaban sa dragon..

Lumipad na rin silang dalawa at hinarap na rin ang dragon..

Pinanood na ng mga Arwa ang labanan nila Toinkz/Sapphira sa malaking dragon.

“Sana may pop corn tayo..ganda ng palabas eh! Makapigil hiningang labanan!” ang sabi ni Kulas

“Ano ka ba?? Nagawa mo pang magbiro nanganganib na nga iyong devil ko!” ang pag aalalang sabi ni Amatz..

“Eto naman, parang nagbibiro lang eh, pampaalis ng tension! Siempre nag aalala rin naman ako, lalo na kay Nay Sapphira..” ang sabi ni Kulas

“Katerina, ayos ka lang ba?” ang sabi ni Kulas nang nilingon niya si Katerina, na halatang nanghihina pa rin ito..

“medyo lang kulas, talagang malakas ang kapangyarihang apoy nila at di ako makalapit..” ang sabi ni Katerina..

“gusto mo paypayan kita?? Hay, kung meron lang refrigerator dito nilagay na kita sa loob eh, kung alam ko lang sana nagdala ako para doon ka sa refrigerator habang nanonood tayo kina Toinkz, sayang kasi ang palabas eh, tinalo sina pacquiao, sold out sana ito!” ang sabi ni Kulas nang Makita nyang may mga tubig na tumutulo tulo sa kanyang mukha na animo’y isang pawis..


“Amatz, lalayo muna kami ni Katerina ah.. medyo hirap kasi sya pag malapit sa bunganga ng bulkan.. “ang sabi ni Kulas

“Sama na ako, samahan ko na kayo..” ang sabi ni Amatz..

Umalis ang tatlo at bumaba kaunti sa bulkan at naghanap ng mapagpapahingahan na medyo natatanaw pa rin sina Toinkz at ang dragon..

..

“Perry, kinakabahan ako para kina Toinkz at Sapphira! Sana mapagtagumpayan nila! Sana walang mawawala isa man sa atin..” ang sabi ni Adamas na halatang alalang alala..

“Adamas, walang mawawala sa atin.. Kahit ako nag aalala sa mga kaibigan natin ngunit tiwala ako sa kanilang kakayahan na kaya nila basta nagtutulungan lang tayo at nagmamalasakit sa bawat isa..” ang sabi ni Perry at hinawakan niya ang kamay ni Adamas upang maibsan ang kaba nito..

..

Sa Kabilang Banda..

Gumegewang gewang ang lipad ni Toinkz dahil sa kanyang sugat na kumikirot kirot..

“Toinkz, ayos ka lang ba?? Wag kang kabahan! Kaya natin to..maging kalmado ka lang..” ang pagpapalakas na sabi ni Sapphira

“kaya ko pa nay Sapphira! “ ang sabi ni Toinkz..

Iniiwas iwasan ni Toinkz ang buga ng apoy ng dragon, at inilalabas rin nito ang kanyang kapangyarihan..
Tanging si Toinkz lang ang naglalabas ng kapangyarihan dahil baka mapuna ng dragon na meron pang isang nilalang na nakasakay kay toinkz kapag inilabas ni Nay Sapphira ang kanyang kapangyarihan..

“Toinkz, subukan mong makalapit sa kanyang bunganga at tiyempuhan mong hindi pa ito nagbubuga ng apoy para hindi ka matamaan, kung ako lang ayos lang matamaan ng apoy dahil di ako tinatablaan doon..” ang sabi ni Sapphira

“Sige, gagawin ko..” ang sabi ni Toinkz

Medyo hirap makahanap ng tiyempo si Toinkz dahil masyadong mailap ang dragon..

Nang makaisip si Toinkz ng paraan ay agad nya munang sinugatan ang dragon para ngumawa ito sa sakit at nang makalapit sya sa bunganga na hindi pa nagbubuga ng apoy..

... ay nagulat si Toinkz nang biglang gumaan ang kanyang likuran na halatang wala na si Sapphira..

“Naku, Nasaan na sya??? Nalaglag ba sia o ano??” ang sunod sunod na pag alala ni Toinkz dahil hindi nya Makita si Sapphira kung nalaglag ba ito sa kanyang likuran..

Nagtaka lahat ang mga arwang nanunood sa kanila dahil nakita nila ang reaction ni Toinkz na parang alalang alala..


....

Sa Kabilang banda..

Ang ibong uwak pala ay nakamasid sa kanila upang makakalap ng balita na ihahatid kay Heera.. at bumungad sa kanya na si Toinkz lang ang nakikipaglaban sa dragon..

“Kelangang malaman ito ni Heera ang ginagwa ni Toinkz..” ang sabi ng uwak..

Umalis na ang uwak at bumalik sa kaharian.. habang ito’y lumilipad sa kagubatan ay di namamalayang npadaaan siya kung saan nakatira si Glaukos Glaux at napansin sya nito..

“Teka, alagad ni Heera iyon ah? Saan kaya siya pupunta?” ang sabi ni Glaukos Glaux nang matagpuan niya ang uwak ni Heera..

“Mahal ko, maiiwan muna kita pansamantala, babalikan din kita ah..” ang sabi ni Gla_gla sa kanyang bagong iniirog..

Sumunod si gla_gla sa uwak na di nahahalata..

Nang makarating ang uwak sa kaharian nila Heera ay agad nyang inihatid ang balita..

“Mahal na Reyna, nakikipaglaban na sila ngayon sa dragon..” ang sabi ng uwak..

“Mabuti naman! Hahaha! Yan ang aking pain sa kanila kung kaya’t inihagis ko ang bato roon, para sa ganon ay kumulang o may mamatay sa kanila at mabawasan ang kanilang lakas at pag nangyari iyon ay mas mapapadaling makukuha ko ang iba pang mga bato, kaya panatag akong mababawi ko rin ang batong inihagis ko doon..” ang sabi ni Heera

“Ngunit hindi po ganoon ang nangyari mahal na Reyna..” ang sabi ng Uwak

“Bakit? Ano ang nangyari? Walang namatay sa kanila? Kahit isa man lang? Huwag mong sabihin natalo ang dragon?” ang sabi ni Heera..

“Nakita ko na si Toinkz ang nakikipaglaban ngayon sa dragon, paanong mamamatay ang ibang Arwa kung si Toinkz naman mismo ang lumalaban sa dragon?” ang sabi ng Uwak.

“Talagang ginagalit ako ng batang iyan! Bakit sya ang nakikipaglaban? Nasaan ang sinasabi nyang pangako sa akin??Humanda sya sa akin!!!” Ang sabi ni Heera saka umalis ito!

Sa pakikipag usap nilang iyon ay lahat narinig ni gla_gla na kasalukuyang nasa bintana ito, bagamat hindi nya kilala ang mga tnutukoy nila Heera ay alam nyang iyon ang mga kagrupo ng kanyang dating amo na si Adamas.. pumatay si gla_gla ng isang sundalong uwak at ginamit ang mga balahibo na ito upang magmukha syang uwak kahit papaano, dahil medyo may pagkakaiba pa rin ang itsura nya nang dahil sa kanyang mga mata.. hahaha

“Marahil mga kagrupo iyon nila Athena(adamas) .. Kelangang malaman agad ito ni Athena...at makapaghanda sila.. ngunit nasaan sila ngayon..” ang bulong ni gla_gla sa kanyang sarili..

Naging curious si gla_gla kung ano pa kaya ang madidiskubre nya sa kahariang ito ni Heera, kung kaya’t unti unti syang pumasok dito.. at bumungad sa kanya ang isang kulungan at tumambad ang dalawnag preso na sina Ionna at Turki..

“Nasaan ang magaling mong amo? “ ang sabi ni Turki kay gla_gla..

“Umalis.. bakit?” ang pagpapanggap na sabi ni gla_gla!

“tawagin mo sya! At magtutuos kami! Hindi iyong ganito na kinukulong nya kami.. ano pang kelangan nya sa amin nakuha na naman nya ang bato namin!“ ang sabi ni Turki

Doon napag alaman ni gla_gla, na ito ay isa sa mga Arwa na nakikipagtulungan upang makumpleto ang bato.. Kelangan niya ito mailigtas..

Ngunit bago makapagsalita si Gla_gla ay biglang dumating ang isang sundalo at nakita nya si gla_gla na nakatalikod at nakasilip sa kulungan..

“Uwak! Anong ginagwa mo dyan? Nasaan si Reyna Heera?” ang sabi ng sundalo na napagkalamang kasamahan nya ito..

(Abangan! Mabubuko kaya si Gla_gla na hindi sya ang uwak, makakatakas kaya sina Turki at Ionna gayong dumating na si gla_gla o pare pareho na silang makukulong ..)



....

LAGUSAN (COMEDY-FANTASY) by:athena adamas -[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon