Vallerie's POV:"Hi Vie" sabi sakin ng isang merong pulang buhok.
Charles.
"Hi Charles" sabi ko and smiled back. Charles is the biggest heartthrob sa school na 'to. Matalino, gwapo, magaling sa sports, magandang katawan, mabait, at ulit, gwapo.
"I'm surprised di mo na nakalimutang pumunta sa meeting natin" sabi niya and emphasized the word nakalimutang.
As I said, tamad ako. So I don't really go to meetings. This is one of the rare times I went to the meeting, and ang lagi ko pang excuse?
"Hi Miss nakalimutan" sabi ng isa pang member of the SSC (Superior Student Council).
"Gaano ba kadami ang meetings na di ko pinuntahan at ganto lahat ang reactions niyo?" Tanong ko kay Charles na katabi ko sa upuan.
"25 meetings, to be exact" sabi niya. My jaw dropped. Akala ko 5 lang yun 25 pala?!
"Wala eh, tamad tayo. Kaso mas tamad ka" sabi niya and smiled. I rolled my eyes.
Pumasok sa classroom si Sir Sarezi. Megesh, ang gwapo. Oy, don't get me wrong ahh. Hindi matanda si Sir Sarezi. Kaka-graduate palang niya and he's now a teacher dito. Dito kasi siya nagaral dati.
Also, maraming nagkaka-crush kay Sir Sarezi. Ako, nagagwapuhan lang ako pero I don't really like him. Haler? Mahilig ako sa 1-2 years older than me mga par.
Saka, I have a long list of what a guy should have to be my perfect boyfriend.
Kaya NBSB ako eh.
Oh well, ayaw pa naman ako ipa-boyfriend ni Papa.
Si Mama lang talaga. Hays.
"Hello? Miss de Vera?" Sabi ni Sir Sarezi habang nagwawave ng right hand niya.
"Ahh, sorry po Sir" sabi ko and showed a peace sign. He shook his head, smiling.
Wag nga kayo ngumiti, naaalala ko si Clinton eh, hays.
Ulul. Kahit di pa sila ngumiti nasa utak mo lang si Clinton.
Shattap.
"Okay, so anyway, this meeting was made para pag-usapan ang parating na Palarong College" sabi ni Sir Sarezi. "We're looking for the best players"
Nag-bigay ng assignments si Sir Sarezi sa ibang mga SSC members para maghanap ng pwedeng players sa iba't-ibang palaro. Inassign si Charles maghanap ng magpaparticipate sa debate, which is sanama na agad niya ko.
"Vallerie" sabi ni Sir Sarezi. "Yes Sir?" Tanong ko. "Ang assignment sayo kakaiba. Punishment mo na rin 'to" sabi niya.
I gulped. Please ho tinatamad ako mga par.
Hindi ko rin talaga alam paano ako naging secretary ng SSC eh hello, tamad ako.
"You're in charge on meeting the secretary of Javez University's freshman student council" sabi ni Sir. My jaw literally dropped.
Ngina naman ho, ba't ganyan kayo Sir? Why so bad.
"Binigay ko na sakanya yung Facebook account mo so he'll just add you and kayo na bahala mag-meet" sabi ni Sir Sarezi.
"Eh Sir, ba't pa po kailangan yun? Saka ano naman po pag-uusapan namin?" Tanong ko. "Pag-uusapan niyo kung anong pwedeng gawin para mawala ang war ng schools. Ang JU kasi, as we all know kalaban ng school na ito. So we decided maging friends using PC"
Ugh. Honestly parang useless lang 'to.
YOU ARE READING
Dream Guy
RomanceA story about a woman who has a huge crush on that one guy she met in her dream. - Romance | Drama - FINISHED