Chapter 7:

5.3K 141 4
                                    


3 years ago,

Napaupo si Vanessa sa may bench kung saan ka harap niya ang mga batang nag lalaro. Paano na siya ngayon? Hindi pa siya handa para mag pa opera, tsaka wala pang nahanap ang doctor sa Amerika na may nag dodonate. Hindi niya alam ang gagawin lalo't ang kaniyang puso ay lumalala na, kung hindi ito ma operahan ay ang dugo o tubig ay papasok sa puso niya (Gawa-gawa ko lang po yan) Mamaya na flight nila papuntang amerika.



"S-sino ka?" Napatingin ang dalaga sa kaniyang tabi, akala niya ay siya lamang ang nakaupo sa upuan na iyon. "Hi. Ako pala si Vanessa" nagtataka ito. Bakit hindi man lang ito nilingon? May sakit ba ito sa leeg?


"Ano ang pangalan mo?" Tanong nito sa babaeng katabi niya, "Irish. Ako si Irish" nakangiti pa itong nagpakilala kay Vanessa, "okay ka lang ba ate?" Hindi niya maiwasan na mag tanong, hindi kasi ito nakatingin sa kaniya, at lalong hindi man lang ito magawang tingnan siya kahit saglit man lang.

"B-bulag ako." Napanga-nga si Vanessa, hindi niya inaakalang bulag pala ito. Mula sa mahaba at makapal nitong buhok, mahaba ang ilong at maliit ang mukha. Anghel na anghel ito. Pero bakit? Bakit ito nabulag?


Isa pa ay malungkot ang boses niya. Kung malungkot man siya ngayon mas malungkot ang dalagang katabi niya, Hindi biro maging bulag. Hindi biro na hindi ka makakita ang maganda tanawin sa mundo. Ang ngiti ng pamilya mo ay hindi mo makikita o ano mang bagay na nakangiti sa paligid mo.


"Ikaw si Vanessa Clarkson?" Tumango si Vanessa, nakalimutan niya na bulag pala ito at hindi nito makikita ang pag tango niya. "O-oo" sumagot nalang ito. Nagtataka siya dahil kilala siya nito wala namang siyang naalala na nagkita na sila ng babaeng katabi niya.



"E-ex ako ni Dyle" napatigil ito sa pagtitig kay Irish, ex ito ni Dyle? Ito ba ang kinwento ni Dyle na mahal na mahal niya? Ito ba yong babaeng girlfriend niya noon pero nag hiwalay ito dahil sa picture na nakita niya? Pero bakit ito nabulag?



Pero walang sinabi si Dyle na bulag ang kasintahan niya noon.



"Makapag katiwalaan kaba vanessa? Hindi kaba masamang tao?" (Hindi ako maronong bumanggit sa first.)


"Opo"-Vanessa

"Ako ang ex niya, Pwede ko bang ikwento sayo?" Tanong nanaman nito ulit. Magsasalita na sana si vanessa ngunit naunahan ito ni Irish, hinayaan niya nalamang.



"Mahal na mahal ko si Dyle, nakilala ko siya sa paaralan kung saan pag mamay-ari ng kaniyang kapatid na si Cloud, sobrang bait niya. Lahat ng babaeng kilala niya ay pinahalagahan niya. Hindi ko alam na pareho pala kami na may naramdaman sa isat-isa, naging kami. Maayos naman ang relasyon namin---pero biglang d-dumating si Veronica, h-hindi ko alam na kapag tumalikod ako ay nilalandi niya si d-dyle. Hinayaan ko lang yon kasi naniwala ako na, ako parin ang mahal niya. Pero hindi e-eh may biglang dumating sa condo ko sabi niya na para saakin ang sobre na iyon, para nga s-saakin. Dahil ang laman nun ay p.puro litrato nila Dyle at V.veronica na nakahubad."


Kumunot ang noo ni Vanessa, Paano? Eh hindi na nag aaral ang kaniyang ina dahil mas matanda ito sa kanila?

Napatingin si Vanessa kay Irish, Iyak ng iyak ang dalaga. Mahal na mahal niya si Dyle pero hindi niya alam na ganun lang pala kadali na masira ang kanilang relasyon.


Hindi lamang umimik ang dalaga na si Vanessa, ang kaniyang ina nanaman ang may kasalanan ng lahat! Bakit napaka sama ng kaniyang ina? Bakit halos ng taong nag mamahalan sinira niya?


"B-bulag kaba noon p-pa? S-sorry kasi wala namang s-sinasabi si Dyle na g-ganun?" Kanina pa ito gustong tanungin pero nahihiya siya. Pero ngayon bigla na lamang itong nasabi sa kaniyang katabi na si Irish. Wala na siyang magawa, na tanong na niya.



"B-bago lamang a-ako na b-bulag. Uuwi na sana ako sa probinsiya namin, Doon na s-sana ako mag sisimula ulit pero habang nag dradrive ako papuntang airport, hindi ko alam pero nawalan ng preno ang sasakyan ko ang bubog naman ng salamin ay pumasok sa mata ko....o-okay na sana na nanamatay na ako nun, pero hindi eh. Ang sakit lang na yong mata ko lang ang naaapektuhan! Gusto ko ng mawala na kasi akong kasama sa buhay." Kwento nito. Hindi namalayan ni vanessa na tumulo na pala ang luha niya. Sobrang nasasaktan siya sa kwento nito.

*****

The Possesive of Mr.Conway (Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon