Chapter 20:

4.7K 113 1
                                    


Bumaba ako sa kama, sabado ngayon at susunduin ko pala si Natasha sa mansion nila. Nag baksyon daw si mommy Veronica sa ibang lugar. See? Hindi manlang niya sinasama ang kaniyang anak. 

"Baby? Maaga ka atang nagising" tanong ni daddy saakin habang pababa ako ng hagdanan. 

"Kukunin ko lang po si Natasha." Sabi ko dito at hinigop ang kaniyang kape, hindi nalang ako kakain busog pa naman ako. 

"What?" Nahinto ako at tinitigan siya, 
"Dad Natasha need us. Wala ang kaniyang ina nagpapalamig daw ito sa ibang lugar." Hindi ko na ito pinagsalita at lumabas na ako ng tuluyan. 

Hindi ako marunong mag drive, isa pa ay hindi pa ako legal para magka-roon ng sasakyan. 

Sinabi ko sa driver kung saan kami pupunta. 

**** 

Bumaba na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito. 

DYLE CALLING.... 

'hello my labs?' 

Hindi muna ako pumasok, nakaharap lang ako sa malaking gate. 

'Saan ka my princess? Nandito ako sa bahay niyo, bakit wala ka dito?' 

Napatigil ako sa pag muni-muni. Hala? Ano naman ang ginagawa niya sa bahay? 

'May ginagawa lang ako my labs, uuwi din naman ako mamaya eh'

sinadya kong ihihina ang boses ko hahaha ganiyan naman ako kapag kausap ko siya sa cellphone. 

'ok. Hihintay nalang---Wag na my labs, babawi ako bukas promise ko po yon saiyo kamahalan. Date tayo?' 

Rinig ko ang pagtawa nito. Kinilig. Ang kyut siguro niya ngayon sayang lang ay hindi ko siya makita. *Pout* bat kasi nandito ako! 

'Talagang ikaw pa ang nag Aya? Pero hindi ko yan matanggihan. See you tomorrow my princess, ingat ka palagi. I love you

'Ikaw din ingat ka sa pag drive, wag flirt akin ka lang, I love you so much' 

Ngumiti ako at pinatay ang cellphone , haayst sobrang nagpapasalamat talaga ako kay irish at binigay niya ng puso saakin. Hindi ko yon pinagsisihan dahil gusto rin naman ito, yong mahalin lalo si Dyle ay parang lumilalipad ako. Masarap sa pakiramdam dahil alam na alam ko na ako lang ang mahal niya, well kapag mahal niya pa si irish ay parang ako lang din ang mahal niya. Ako ang may dala ng puso ni Irish ko eh. 

Nag doorbell ako, mayamaya ay bumukas ang malaking gate. Sila na ang mayaman! 

Inilibot ko ang mga mata ko sa loob, siguro sapat naito kay mommy ano? Sobrang laki na ng mansiong to. Pero bakit wala yon dito? At bakit kailangan niyang mag bakasyon? Hay hindi ko alam at wala akong pakialam sa kaniya. 

Pumasok na ako at tanaw na tanaw ang paglalaro ni Natasha kasama si kuya Cloud, mukhang nakisama na si kuha Cloud sa kaniyang anak. 

"Salamat po ma'am" napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa tagiliran ko, napatingin ako dito. Ito pala yong manang na kumukuha kay Natasha kahapon, 

"Po? Para saan?" Taka nitong tanong, ngumiti lang ito at napatingin saglit kina kuya at Natasha na naglalaro sa sala. 

"Sa garden tayo? Ikwento ko saiyo ang lahat." Natuwa ako sa sinasabi nito, malalaman ko natin kung ano ang ginagawa ni mommy Veronica sa kaniyang anak na si Natasha.

The Possesive of Mr.Conway (Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon